Chapter 9: Top Users

68 0 0
                                    

Lilith Marie's POV:

Napapikit ako ng umihip ng malakas ang hangin. I closed my eyes and images of his deep set of hazel eyes appeared on my mind. Shit. Why am i thinking of him? Naalala ko kung pano nya titigan ang mata ko bago sya umalis. Damn... Di ko alam pero biglang kumislot ang puso ko. i shouldn't be thinking of him right now. and i don't really care about it.

Hinaplos ko ang ulo ng dalawang aso na nakahiga ang mga ulo sa hita ko. Tyra and Angus is nice. Wala naman akong nagiging problema sa kanilang dalawa. Maiban na lang sa pagiging hamag ni Tyra. Ang pinagtataka ko lang ay naaabutan kong wala sila dito at pag nakabalik na sila ay putikan na ang mga ito. Ang bibilis rin nilang lumaki. And I discovered something really weird about them. They are growing some..........................horns. And wolves with horns is already extinct. Dire wolves are already extinct. I think?

Angus' eyes are turning green. Tyra's eyes is turning red. At tuwing madaling araw, umaalulong ang dalawa, 3:00 am to be exact. Di ko alam pero parang may ritwal na ginagawa ang dalawa. Which i find really really creepy.

Isang linggo ang lumipas noong nagkwento si Headmaster Jones. At isang linggo rin akong umuuwing inis at irita dahil sa laging nakabuntot ang tatlo saakin. I'm part of their group na daw. Sa totoo lang ay wala talaga akong pakielam sa kanila kung sinusundan nila ako. Ang problema lang naman ay pag bigla bigla nilang papaluin at pipisilin ang pwet ko o dudutdutin ang dibdib ko. Mga manyak sila, yun ang problema ko. Pag naiinis naman na ako ay gumaganti ako sa kanila.

Naiba rin ang pakikitungo ng estudyante saakin simula nun. Tinitingnan nila ako ng may takot sa mata, minsan nag babow pa sila saakin na ikinakailang ko.

Sinulyapan ko ang dalawa kong aso. Kasalukuyan akong nasa balcony ng kwarto ko. Gubatan na ang likod ng building namin kaya maaliwalas at presko ang hangin.

Ngayon ko lang rin nalaman na ang isa pa lang pinto roon sa katabi ng closet ko ay pintuan sa terrace. Share ko lang.

Patuloy naman ako sa paghaplos ng ulo ng mga ito ng biglang tumayo ang mga ito at tumakbo papasok sa kwarto. Nagtatakang tumayo ako at sinundan ang mga iyon.

"Bakit--"

"Hi? I didn't know that you have dogs in your room..." Sambit ni Chloe at tiningnan si Tyra at Angus na nakaalerto at handang sumugod kay Chloe. "And they're really ready to eat me...."

"Angus, Tyra." malamig kong tawag sakanila na may kasamang awtoridad. Agad namang kumalma ang mga ito at pumunta sa magkabiang tagiliran ko. Matikas ang pagkakaupo ng mga ito at diretso ang tingin kay Chloe na animo'y isang maling galaw lang nito ay susugurin ito ng mga aso.

"Anong kailangan mo?" Malamig kong tanong dito at pinasadahan ng tingin ang suot nito. Bakit nakapang pasok toh? Weekend naman ngayon ah?

Tila nahalata naman nito ang pagkunot ng noo ko at ngumiti saakin. "Pinapatawag tayong mga top users sa Headmaster's office." Nakangiting ani nito at umupo sa kama ko na ikinaungol ng dalawa kong alaga. Agad ko naman itong pinakalma at lumingon kay Chloe na parang wala lang ang dalawang lobo na handa syang kainin.

"Top Users?" Pagtatanong ko rito. Pagkakaalam ko, wala akong sinalihang kung ano ano sa school na ito.

"Tawag sa mga top ng school. Top Users ang tawag sa mga estudyanteng bihasa at malalakas na gamitin ang abilities nila." Paliwanag ni Chloe na nakapagpakunot ng noo ko.

The Dark Queen (On-going and Under-Revison)Where stories live. Discover now