Of course, mapride pa rin naman si Francis kahit papaano. It will be a blow to his ego kung ang royal family pa ang maghahanda para kay Emy. In the end, siya tuloy ang naconvince than the other way around.

At ngayon nga ay busy ang lahat dahil doon.

The party will be held sa Hans residence. She handpicked the guests dahil ayaw naman masyadong maagrabyado masyado sila Francis kung marami ang imbitado.

Lahat ng pinadalhan niya ng imbitasyon ay kung hindi may pakinabang sa kanya ay alam niyang malapit sa pamilya ni Francis.

Somehow, that made Francis and Feng relieved. They are private people too. Kapag kaarawan nga nilang tatlo ay tanging mga mahahalagang pamilya at kaibigan lang ang iniimbitahan nila.

But they are willing to do it for Emy since dalaga siya and in reality, this will be her last birthday as a lady.

And so, they have taken care of the rest of preparations.

Kaya naman si Emy ay inabala na lang ang sarili sa mga secret projects niya at pag-oobserve kay Diadem.

The baby is a month old now. Kaya naman may mga nagbago na dito kahit papaano ang that saved Emy from getting too bored.

***

An hour before ay nagsipagdatingan na ang mga bisita nila sa Hans Residence. Hindi naman halata ang excitement nila, di ba?

Emy was also surprised dahil nandoon din ang pamilya nila Shin.

"We will not miss this. Hindi ka na nga namin naipagcelebrate last year tapos kakaligtaan pa namin itong ngayon?" Shelly said while handling their gift to her. Nagpasalamat na lang ang dalaga. Sila Shantal, Sabrin at Samuel ay mayroon ring regalo para sa kanya. She just accepted them gratefully.

Maya maya lang din ay ang royal family naman ang dumating.

They greeted the Emperor and Empress na masayang nilapitan si Emy at kinamusta. Of course, the Emperor reminded her about Sebastian and her marriage na agad na nagpapula sa mukha niya.

Nandoon din sila Diana.

Emy, of course, focused to Diadem right away. Kung hindi nga lang mainit ang tela ng damit niya ay kinalong na niya ang bata.

"My gift."

She was surprised when Diana handed her a box.

"Wag mong sabihing bomba to?" Mapagduda pa ang pagkakatanong niya dito.

The mistress just rolled her eyes. "Ha-ha... If I will aim to kill you, I'll do it slowly."

Napailing na lang sila Lucy at Alessandra sa inisan ng dalawa. Somethings can't really change that easily.

At kesa naman magkainisan pa ang dalawa ngayon, they went in between them saka naman nila inabot sa dalaga ang kanilang regalo.

Marami pang bisita ang dumating at bumati sa kanya.

Emy did her best not to look tired in front of them. Maaga pa lang ay inaayusan na siya kaya naman ramdam na ramdam na agad niya ang pagod niya. Hindi na naman niya kasi kailangang maging bongga eh. Everyone knows it is her birthday. But Feng insisted.

Excited din kasi ito dahil ngayon pa lamang siya magpapaparty para sa isang dalaga. And Emy is like her very own daughter na rin. Kaya naman, gumugol talaga siya ng panahon para dito.

Nang halos naroroon na lahat ang mga bisita ay saka naman dumating si Serafina. She has this huge smile at saka magiliw na niyakap at bineso si Emy.

"I have brought a present for you." Excited na sabi ng ginang.

Dala ng mga servants ni Serafina ang isang mahabang box. Saka nito inilapag iyon sa harapan niya.

"Open it." Nakangiting utos ni Serafina sa kanya.

Emy did what asked her to do. She open the lid of the wooden box at tumambad sa kanya ang isang damit.

It is a purple chinese dress na may burda ng fiery golden phoenix.

"I know you like chinese dresses. And since our royal family respects you and Feng, we have decided to let you wear this dress in your wedding day."

Muntik ng mapanganga si Emy.

Hindi niya inaasahan na iyon na pala ang trahe-de-boda niya. It was beautiful, of course. But she was afraid to touch it.

Biglang nagsink in sa kanya na malapit na nga talaga siyang ikasal.

And since that, hindi na ito naalis sa isip niya. Hindi rin niya mawari kung ano ba talagang nararamdaman niya with this realization?

Is she somehow sad, happy or scared?

***

AQR1: A Peerless Genius from Two Cities [COMPLETED]Where stories live. Discover now