Yuna smiled at the endearing statement. She couldn't help but cry some more. But this time, in happiness. She hugged Aya. She's so lucky to have this woman. "Thank you. And I love you too, so so much."

Yuna was able to sleep after that.

----

The following days became peaceful for Yuna. Hindi pa rin siya nakakahanap ng permanenteng kumpanya pero nag-i-enjoy na siya sa ganito. Mas marami kasi siyang free time at makakapag-design pa siya ng malaya. Marami siyang mga clients at karamihan ay international pa. Ngayon ay hindi lang wedding gowns ang dini-design niya, nag-venture na din siya sa ibang area. Aya encouraged her to, saying that she had a superb designing skills at kahit ano kaya niyang i-design, which is really true. Hindi nga lang ganoong kalakihan ang kinikita niya. Pero ayos na rin. Parang gumaan na din ang paligid niya. Wala na iyong pakiramdam na parang palaging may nakamasid sa kanya. Siguro nga ay tinantanan na siya ng tuluyan ng ama. Saka nalang siya maghahanap ng eksklusibong kumpanya kapag nasiguro niyang wala na talaga ang anino ng mga magulang.

Masaya si Aya para kay Yuna. Nakakabawi na ito ngayon sa mga pangyayari. Nasasanay na rin ito sa mga pagbabago sa buhay nito. At higit sa lahat, well... Sila na officially at wala nang mga panggulo sa buhay nila. They have a happy relationship. Dahil mas marami ang free time nk Yuna ay mas madalas na ito ang nagpupunta sa bahay nina Aya. Minsan naman kapag pagod na pagod na si Aya sa trabaho ay sa apartment nalang siya ni Yuna natutulog. They dated a lot and all of it was fun. They took time to discover and learn new things, maging sa bawat isa.

They were in an amusement park right now. Nakailang sakay na din sila ng rides. Ngayon lang nila nalaman na pareho pala sila ng hilig.

"Noong bata pa ako, madalas akong tumakas sa parents ko. Sinasama ko 'yung yaya ko at isang driver namin at magpupunta kami ng park. Sumasakay ako hanggang sa magsawa ako. At tawa ako ng tawa sa yaya ko kasi takot pala siya sa heights pero wala siyang magawa dahil hindi naman ako puwedeng sumakay mag-isa," natatawa pang kuwento ni Yuna. "Sa mga unang subok niya suka siya ng suka. Pero alam mo... nung kalaunan nasanay na rin siya, at nagpasalamat pa siya dahil kung hindi sa'kin hindi daw mawawala ang takot niya," patuloy pa nito habang pumapak ng cotton candy "ito din ang madalas kong bilhin noon. I was really amazed by how grains of sugar would turn like a cloud like this," anitong parang namamangha pa rin. Pero maya-maya'y lumungkot ang mata nito "pero yung yaya kong 'yun, nawala din siya. Namatay siya sa isang aksidente habang nagbabakasyon sa probinsya nila. Siya yung unang tao na nagpadama sakin ng pagmamahal. At ang sobrang ipinaghihinanakit ko noon... Ni hindi ko man lang siya nakita sa burol niya. Hindi ko man lang siya nasilayan for the last time. Kahit anong pilit ko noon kina Dad, hindi nila ako pinayagang pumunta roon. Taga-Cagayan pa kasi si Yaya Linda." Napakagat-labi si Yuna. Hindi na niya namalayang napaiyak na pala siya until Aya wiped them off.

"Ang cruel din pala talaga ng parents mo, ano?" Ani Aya na nakikisimpatya rin dito.

"I have suffered a lot because of them," anitong nakatingin sa malayo. Napalingon ito kay Aya at ngumiti "Ikaw... Anong kuwento mo? Bakit gustong-gusto mong nagpupunta ng amusement park?"

"Hmm... It's not as dramatic as yours. Pero naging paborito ko ang perya dahil dito ako laging pinapasyal noon nina Mama at Papa. Actually, mahirap lang kami no'n. Pero sina Mama, gumagawa talaga sila ng paraan para paminsan-minsan ay makalabas kami. Naging saksi ang perya sa paglaki ko at sa pag-unlad ng buhay namin. Paminsan-minsan ay dumadayo pa kami sa iba't ibang perya dito sa Pilipinas. Noon kasi 'yung sa maliit na perya lang malapit sa amin parati at kinakalawang na yung mga rides. Pero iyong sayang naranasan ko noon at yung mga memories na nabuo namin sa lugar na 'yun, hindi matutumbasan ng kahit na ano," nakangiting lahad ni Aya.

Aya's Confusion(Book 1)[Gxg] Onde histórias criam vida. Descubra agora