Ikalabing Tatlo

1K 31 4
                                    

Chapter 13

Lily Jamira Mondejar

Pagkamulat ng mga mata ko ay napangiti agad ako. Mukha ni Zyrus ang bumungad sa'kin. Tulog pa rin siya at ako naman ay hindi maiwasang kiligin. Magkatabi kaming natulog. Sino ba namang hindi kikiligin? At kaninang madaling araw, while we're kissing each other ay hindi kami nagpadala sa kung anumang emosyon na isinisigaw ng mga katawan namin.

He said na he always respected me ever since at hindi niya planong baguhin 'yon. Kahit na gusto na niyang gawin 'yon pero pilit niyang tinatanggi na hindi pa raw ito ang oras. Maybe pagkatapos daw ng kasal namin, sa honeymoon. I'm so lucky to have him as my man. Laking pasasalamat ko na hindi ko isinara ang puso ko at mabuti nalang ay wala na kaming samaan ng loob ni Ace. Payapa na ang damdamin at mga isipin ko sa kabila ng mga masasakit na nangyari sa nakaraan.

Ayoko nang masaktan pa muli, at alam kong hindi ako mapapahamak kapag kay Zyrus ko ipagkatiwala puso ko. Kasi baka hindi ko na kayanin. Gusto kong ang lalaking kaharap ko na ang huling mamahalin ko.

I am still letting my fingers linger on his face while he's still sleeping. Kahit tulog siya ay napakagwapo niya pa rin at ang smiley talaga ng labi at mga mata niya. It's like he was made to smile and make me happy. Nakaunan ako sa braso niya at ipinipilig ko na ang ulo ko sa dibdib niya. Napakasarap siguro kapag gigising ako sa umaga at siya ang laging bubungad sa'kin.

Bigla siyang gumalaw kaya dama ko ito dahil nakapuwesto ako sa dibdib niya. Lalo niya akong inilapit sa kanya sabay hinalikan ako sa noo.

"Good morning my Mira..." His alluring voice greeted me and I calmed myself to not let out a squeal.

My goodness, hindi ako prepared! His smile is brighter than the morning sun. Pareho na kaming magkatitigan ngayon. As in inches nalang ang pagitan ng mga mukha namin.

"Good morning Zy..." I said. Lalo siyang napangiti at pinisil ang ilong ko kaya napahagikgik ako.

"Kurutin mo nga ako, and tell me na hindi ito panaginip." Kulang nalang ay lumukso ang puso ko sa kilig. Kasi naman, kay aga-aga niyang kumota sa pagpapakilig sa'kin. I gently pinched his nose back.

"Ay, totoo nga na katabi ko ngayon ang babaeng mahal ko." Wika niya sabay hapit muli sa'kin at niyakap ako ng mahigpit. Napayakap na rin ako.

Ito ang pinakamasarap na umaga sa buong buhay ko.

Ipinatong niya ang hita niya sa baywang ko upang mas lalo akong mahapit na tila ba ayaw na niya akong pakawalan. Ayaw ko rin naman siyang pakawalan.

"Alam mong official na naging tayo kagabi, pero may dapat ka pang malaman. Gusto na kitang yayain magpakasal."

'Di ko alam kung sasabog na ko sa pagkapula o sa pagtibok ng puso ko.

Mahal na mahal ko talaga ang lalaking ito.

"P-papakasalan mo 'ko?" Kanda bulol kong tanong. Paano ba naman ang puso ko grabe na ang pagtibok.

"Noon pa man ay ikaw na ang babaeng pinangarap ko na makasama ko sa habang panahon. Kaya nung mga panahong ikakasal ka sana kay Kuya Ace ay akala ko ay katapusan na ng mundo ko..."

Napatingin ako sa kanya.

"Oo nga pala, hindi ko natanong 'to. Nasaan ka pala nung mga panahong kami pa ni Ace at nung ikakasal dapat kami?"

"No'ng naging kayo ni Kuya Ace, mas matanda siya sa'kin ng tatlong taon kaya Kuya ko siya. Doon ko napagpasyahan na bumukod. Kasi alam ko na ipapakilala ka ni Kuya Ace sa pamilya namin. Tapos, madalas pa ang mga tour and gigs ko no'n." Kwento niya.

This Time She's Mine (Completed)Where stories live. Discover now