Ikatlo

2.3K 68 0
                                    

Chapter 3

Lily Jamira Mondejar

Minsan gusto kong isipin na hindi nga ako malas sa magulang pero malas naman ako sa dalawang kapatid ko. Wala si Kuya Tyler, nagtungo siya ng USA at sana nga hindi na bumalik pa. Pagkaalis niya kanina ay nilagyan niya ng toy cockroaches ang bag at sapatos ko. Edi para na naman akong tanga na nagtatakbo kanina. Kulang talaga sa bakuna 'yon kahit kailan!

Nandito ako ngayon sa sala, abala sa panonood ng teleserye kung saan isa sa second lead role si Zyrus. After nung last meet up namin ay hindi na siya nawala sa isipan ko.

Did we meet before? Saan? Paano? Kailan?

Ni hindi man lang nga sinagot ang tanong kong kung bakit alam niya ang nickname ko na Mira. Kasi isang tao lang ang tumatawag sa 'kin ng ganon. Pero...patay na siya.

Si Zel.

Napaka weird talaga, pero medyo kinikilabutan din ako.

Three years ago nung na meet ko si Zel sa Hospital habang tine-theraphy ako from coma. He's one of the ICU patients like me. Kaso ang case niya ay nasunog ang mukha niya. Kaya by healing process siya noon dahil labis ang damage sa face niya sa pagkakasunog.

Magkatapat lang kami ng room. Then, dahil hindi naman sa lahat ng oras ay may nagbabantay sa amin kaya lagi ko siyang pinupuntahan sa room niya kasi pansin ko na wala gaanong dumadalaw sa kanya.

"Gusto kong sabihin sa 'yo ang lahat. Sana matanggap mo pa rin ako..."

Nakatutok lang ako sa eksena ni Zyrus sa soap opera. Damang-dama ko ang emosyon mula sa mga mata niya. Parang hindi siya pang second lead role eh. Pang bida na siya actually. This is true and unbiased talent.

His eyes, those eyes...bakit parang ilang ulit ko na nakita before? Like I remember them staring at me with affection?

Tumabi sa 'kin si Trinix. Kinuha niya ang remote control sa tabi ko saka nilipat ang Tv sa cartoon network.

"Ako ang nauna rito ibalik mo do'n." I said calmly but he refused.

"Ako ang nauna rito ibalik mo do'n." Panggagaya niya sa sinabi ko. Hindi pa rin niya nilipat.

"Trinix, ano ba!" I half screamed.

"Trinix, ano ba!" Panggagaya niya uli.

"Hindi na ako natutuwa Trinix!" I said louder this time.

"Hindi na ako natutuwa Trinix!" Gaya niya uli. Napatayo na ako at nagwalk out.

"Ewan ko sayo!" I spat at him.

"Ewan ko sayo!" Panggagaya niya pa rin.

Umakyat ako patungo sa kwarto ko. Bully talaga si Trinix eh! Nagkaroon ako ng bully at pranker na kapatid. Nakakainis!

Binuksan ko nalang ang laptop ko at nanood nalang sa YouTube ng mga kanta ni Zyrus. Isa na ba ako sa mga fans niya? Natutuwa rin naman ako sa mga kanta niya. Tagos na tagos kasi sa puso ko. Pakiramdam ko nga para sa akin ang lahat ng iyon.

Nahiga ako sa kwarto ko habang dinadama ang himig niya sa pagrendition niya ng kantang Nothing's Gonna Change My love for you.

If I had to live my life without you near me

The days would all be empty

The nights would seem so long...

I don't know why kung bakit kusa na naman na tumulo ang luha ko. I just remember the past.

Again.

Beijing, China

This Time She's Mine (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora