Ikaapat

1.9K 57 4
                                    

Chapter 4

Lily Jamira Mondejar

"Walanghiya ka Trinix!"

Nanlaki ang mga mata ko at nabitawan ko ang cellphone ko dahil bigla na lamang sinugod ng suntok ni Kuya Tyler si Lil bro.

Hala bakit?

Pinipigilan ko sila. Pumagitna ako. "Kuya ano ka ba! Bitawan mo si Trinix!"

Nakangisi lamang si Trinix habang hawak ni Kuya Tyler ang kwelyo niya.

"So, inaamin mo na ikaw ang ama ng anak ni Nicole?" Sigaw dito ni Kuya Tyler.

Lalong nanlaki ang mga mata ko.

"Ano'ng ibig sabihin nito, Trinix?" Hindi ko na rin napigilan na tanong.

Gulong-gulo na kasi ako sa kanila. Malapit nang sumakit ng todo ulo ko.

"Lily, kamukha niya ang anak ni Nicole." Gigil na wika ni Kuya Tyler.

Tumawa lamang si Trinix. Iyong tawang nakakainsulto. Para bang may ibig siyang ipahiwatig na makakapagpabalik sa mga ulirat namin.

"Ako lang ba ang Mondejar na lalaki rito? Pero sige kung 'yan ang iniisip niyo, wala na akong pakielam!" Sigaw din sa amin ni Trinix.

Lalong hinigpitan ni Kuya Tyler sa kanya. Kita sa mga mata niya ang pagsiklab ng galit.

"Hinayaan mo na walang naging ama 'yung bata ng limang taon! Ang galing Trinix, after kay Sychelle at Chandrix pero Nicole pala talaga? Taga tuhog ka na pala ngayon?"

Napasigaw ako kasi ubod ng lakas ng suntok ang pinadapo ni Trinix kay Kuya Tyler. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Wala na kasi si Pierre rito dahil nakakuha na siya ng condo unit na tutuluyan niya.

"Fuck you! Don't you dare tell to me those fucking words to me! Para sabihin ko sa'yo, kumpara sa pagtuhog mas masahol pa ang ginawa mo gago!"

Niyakap ko na si Kuya kasi binabalak niya pa na sugurin si Trinix.

"Umalis ka dito! Hayop ka! Umalis ka!" Sigaw ni Kuya.

Gusto ko na maiyak sa mga nangyayari ngayon.

"Talagang aalis ako ayoko rin makita ang pagmumukha mo!"

Masamang tingin lang ang pinukol nila sa isa't isa. Habang ako ay nakaabang pa rin na pigilan sila.

Lumabas na si Trinix ng mansyon. Si Kuya naman ay napasuntok sa sahig sa sobrang galit. Naguguluhan ako sa nangyari dahil ilang araw akong may business trip sa Macau. Hindi ko naman akalain na ganito ang daratnan ko.

"Paano nagkaanak si Nicole? Wala akong alam." Nanginginig siya sa galit. Kinuha niya ang cellphone niya at may pinakita na picture sa 'kin doon. Picture iyon ni Nicole at Trinix na may buhat na bata si lil bro.

"Oh my- Kamukha niya nga!" Gulantang kong sabi. Kahit sino man ang makakita sa kapatid ko at sa anak ni Nicole ay masasabi mo talagang mag-ama sila. Pero paano?

"Si-nend sa'kin ni Pierre 'yan. Naka-hide pa sa 'kin sa Facebook niya ang picture nila na 'yan. Hindi ako makapaniwala na magagawa sa 'tin to ni Trinix." Hinagod ko nalang ang likod ni Kuya.

"Wait lang Kuya, kukuha ako first-aid kit. Gamutin natin mga sugat mo." I just saw him in pained tears. Ayoko ang lahat ng nangyayaring ito.

Kasalukuyan kong ginagamot ang sugat ni Kuya nang dumating si Pierre.

"May sapak ba talaga 'yong bunso niyong kapatid? Pumunta lang ng unit ko para sapakin ako?" Nakita ko nga na may suntok siya sa pisngi.

Dinaluhan ko rin siya.

This Time She's Mine (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon