I hate that he sounds so sincere and serious. Dahil alam ko kung sino ang kasama niya kanina.

Hinanap niya ako? Isang malaking kasinungalingan!

Tinulak ko siya palayo sa akin kaya nagulat siya at nagtatakang napatingin sa akin.

"M-mi amor anong problema?" May dumaang takot sa mga mata ni Radleigh na agad ding nawala. Baka guni-guni ko lang dahil sa papalubog na sikat ng araw.

"Sinungaling ka." Masama ang loob na nag-iwas ako ng tingin sa kaniya.

Napaawang naman ang mapupulang labi niya ng marinig ang sinabi ko.

"Hindi mo naman talaga ako hinanap di ba? Nandoon ako sa plaza Ortiz at hindi mo ako kailanman hinanap." Masama pa rin ang loob ko hanggang ngayon. Parang bulkang sasabog na ang mga emosyon ko dahil sa pagpipigil.

"Nagkakamali ka Acilegna. Hinanap kita kanina pero wala ka na roon." Malungkot siyang tumingin sa akin.

"Tama na pakiusap. Alam ko namang hindi talaga ako ang hinanap mo kanina."

Mapait akong ngumiti sa kaniya. I love ampalaya kaya siguro tunog bitter ako ngayon. Asar!

Kumunot naman ang noo ni Radleigh sa narinig. Kaya dinagdagan ko ang sinabi ko.

"Oo nga pala. Nagtagumpay ang plano nating iligtas si binibining Minerva. Magaling ang ginawa ninyo."

Tumalikod ako sa kaniya at muling humarap sa dagat. Akala ko ay hindi na magsasalita pa si Radleigh.

"Umamin si Don Gustavo na walang kasalanan si binibining Minerva bago siya bitayin. Kaya mas lalong lumakas ang mga ipinakita naming katibayan na walang kasalanan si binibining Minerva."

Narinig kong sabi niya sa likod ko.

"Binibini ko.. Bakit parang unti-unti kang lumalayo? Hindi ko ibig ang ganito. Parang kay hirap mo na namang abutin.."

Nagigilan ako ng marinig ko ang mahinang bulong ni Radleigh. Napalunok ako bago marahas siyang nilingon.

"Ikaw ang napakahirap abutin! Palagi mo akong pinapangakuan ng mga matatamis mong salita pero sa huli ay palagi ko namang nakikita na may nararamdaman ka pa rin kay binibining Minerva." Pinunasan ko ang luhang muling lumandas sa mga pisngi ko.

Umiling si Radleigh at akmang lalapit sana sa akin.

"Huwag kang lumapit sa akin pakiusap.." Nasaktan ako ng makita ko ang pagdaan ng sakit sa mga mata ni Radleigh pagkatapos marinig ang sinabi ko.

"Ikaw lang ang tanging binibining nagustuhan ko ng ganito.." Nakatitig siya sa mga mata ko habang sinasabi ang mga katagang iyon.

"Nakita ko kayo ni binibining Minerva kanina sa plaza Ortiz." Sabi ko sa kaniya imbes na pansinin ang mga salitang sinabi niya na nagpabilis sa puso ko.

Ayaw kong basta na naman maniwala sa kaniya tapos makikita kong may nararamdaman pa siya sa ibang babae.

"Malapit na pala kayo sa isa't isa. Masaya ako para sa i-inyo." Pumiyok ako pero nagawa ko pang ngumiti sa kaniya.

"Acilegna.." Tanging nasabi lang ni Radleigh.

"Ayos lang sa akin na aminin mo na na may nararamdaman ka pa para kay binibining Minerva. Alam ko namang may nakaraan kayong dalawa at siguro ay hanggang—" Natigilan ako sa pagsasalita ng makita ko ang seryosong mukha ni Radleigh.

"Hindi ayos sa akin binibini. Wala kaming naging relasyon ni binibining Minerva noon man at maging ngayon. Kaibigan at kakilala ko siya mula noong mga bata pa kami pero kahit kailan ay hindi ko siya nagustuhan ng katulad ng nararamdaman ko para sa iyo."

Back in 1763Where stories live. Discover now