Hawak kamay

3.6K 161 14
                                    

"Ugh! Bwisit na Rafael yan!!!"

Masama ang loob ko habang tinatapos ang paglilinis sa kwadra ng mga kalahi ni petrang kabayo.

" Binibini halina po kayo , oras na para kumain." Pagyaya sa akin ni Meldina.

Pinadala daw siya ni Rafael para tulungan akong maglinis dito at para na rin dalhin ang late breakfast ko.

Grrrrrrrrrrrr.

Napahawak naman ako sa aking tiyan ng bigla itong kumulo ng malakas.

Nagkatinginan kami ni Meldina at sabay na natawa. Pero siyempre sa kaniya ay mahina at mahinhin samantalang iyong akin ay halakhak na ata. Rinig hanggang Maynila charr.




Naubos ko  lahat ng dalang pagkain ni Meldina. As in simot lahat.
Niyayaya ko siyang kumain pero sabi niya tapos na daw siya.

" Meldina sino ba ang nagluto sa mga pagkaing dinala mo?" Habang nakaupo sa labas ng kubo na malapit sa pinaglilinisan naming kwadra ay tinanong ko si Meldina.

Grabe ang sarap kasi ng kinain ko kanina lalo na iyong pakbet at sinabawang tilapia.

Napakamot naman ng ulo ang dalagita.

Ay graveh dami sigurong kuto nitong batang itetch!

Pero siyempre sa isip ko lang, alangan namang voice out diba?

" Ah binibini, hindi daw pwedeng sabihin kung sino ang nagluto sa iyong kinain eh.
Paumanhin." Magalang niyang sagot sa akin.

Tumaas tuloy ang kilay kong perfect plucked.

Ano ito may secret na naman. Tsaka kanina lang lumabas ang pagiging makuwento ni Meldina ah. Kaya nga marami akong nalaman haha.

" Aba at bakit naman?"
Nagtataka kong tanong.

Vibes talaga kami nitong si Meldina. Ako na maraming tanong at siya na maraming dalang impormasyon. Pero ngayon ay marunong ng magsekreto. Aba!

"Bilin po kasi ng nagluto."
May ngiti na sa mga labi niya ngayon. Iyong tipong kinikilig.

Lestsugas!

" Eh diba ang may authority este kapangyarihang mag utos lang naman sa mansiyon ay si............" Pinaningkitan ko ng mga mata si Meldina.

Don't tell me na hindi ang kusinero ang nagluto!!?

Pero imposible naman na si Rafael diba?

Assuming ka gurl!

Sigaw ng isang bahagi ng isipan ko.

" Naku binibini, huwag na pong maraming tanong. Ang importante ay nabusog kayo."

Sabagay.
Pero my curiosity is killing me!

" Ahmm, so hindi naman siguro si Rafael ang nagluto di ba?"
Kapal mukha kong tanong.

Part of me is hoping that the answer is " Siya po". Iyong tipong umaasa ako na sana si Rafael ang nagluto . Even if I feel irritated to that man, may parte pa rin sa akin na humahanga  sa kaniya.

Pero hindi na nakasagot si Meldina dahil biglang may dumating na kabayo.

O la la!
Tapos may nakasasakay na hari sa likod.

Literally ay siya naman talaga ang hari dito sa hacienda Polavieja.

It's no other than the owner himself.

Rafael Amadeo Polavieja.

Kung kagwapohan ang pinag- uusapan ay wala akong maipipintas sa kaniya. Nasalo na ata niya lahat .

Back in 1763Where stories live. Discover now