Fuck You

3.5K 156 40
                                    

Isang buwan na pala mula ng mapunta ako dito. Ang bilis lumipas ng mga araw. Hunyo 21, 1763 na ang petsa nila dito ngayon. Hindi ko lang alam sa future kung ano ng petsa.

I really don't know.

Parang kailan lang din ng magsimula akong maging tagabantay ni Alfonso.

Napabuntong hininga ako ng maalala na naman ang isang tao na laging laman ng isip ko mula noong una kong tapak sa panahong ito. Nakakalungkot isipin na halos dalawang linggo na siyang hindi bumabalik.

Napatingin ako sa batang inaalagaan ko. Kasalukuyan siyang tahimik na nagbabasa ng aklat ngayon. Bata pa lang siya pero mahilig na siyang magbasa. Nakakatuwang pagmasdan. Kung sana lang ay makita ng mga magulang niya kung gaano siya kaespesyal.

Nagulat ako ng biglang nagsalita si Alfonso.

"Ate Acilegna, kailan po babalik si tiyo?"

Alam ko kung sino ang tinutukoy niya. Maging ako man ay namimis na rin siya. Pero wala akong magagawa kundi maghintay ng maghintay hanggang sa magbalik na siya.

Hinaplos ko ang buhok ng bata na inosenteng nakatingin sa akin ngayon.

"Malapit na Alfonso, malapit na siyang bumalik sa atin." Malungkot kong pangako. Alam kong walang nakakaalam kung kailan siya babalik o kung babalik pa ba siya. Pero gusto ko pa ring umasa. Ayaw ko mang paasahin si Alfonso ay wala akong magagawa.

" Talaga po!? Sana ay may regalo ulit sa akin si Tiyo Rafael pagbalik niya galing sa Espanya." Natutuwang sabi ng bata habang ako ay tuluyang natigilan.

Iyon ang alam ng ibang tao dito sa hacienda Polavieja. Na nasa Espanya daw si Rafael at kasalukuyang nagpapahinga at naipalit daw ang kakambal nitong si Radleigh Amadeo Polavieja sa pamamahala .

Iyon ang sinabi nina Polaris sa mga tao na agad naman nilang pinaniwalaan. Kaya pati si Alfonso ay naniwala din. Ipinilit pa nga niya noong una na si Radleigh ay si Rafael .

Pero itinulak lang siya ni Radleigh ng tangkain niya itong yakapin. Lalo akong nagalit sa lalaki dahil doon. Iyak pa nga ng iyak si Alfonso at halos hindi mapatahan. Buti na lang at mukhang natauhan si Radleigh at nilapitan din ang bata.

Nagulat nga ako ng binuo niya ang kasinungalingang kakambal daw siya ni Rafael at dapat rin siyang tawaging tito Radleigh ng bata.

Hindi ko alam kung bakit naniwala si Alfonso. Simula sa araw na iyon ay ipinakilala nga si Radleigh na bagong amo sa hacienda Polavieja.

Naging close pa agad sila nitong alaga ko.

Pero alam ni Meldina,Aling Sintang, Polaris , Minerva at siyempre ako na si Radleigh ay si Rafael din.

Nakakalungkot lang na walang nakakaalam sa amin kung sino ba sa dalawang katauhan ang tunay niyang katauhan.

Sabi kasi ni Aling Sintang ay bata pa lang si Rafael o Radleigh ay pasalit-salit na ang personality niya.

Ngayon hinihintay na lang namin kung babalik pa ba siya bilang ang conservative at seryosong si Rafael o mananatili na ba siya bilang ang nakakaasar at bastos na si Radleigh.

Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ni Alfonso at napairap ako ng makitang pumasok ang pinakanakakaasar na lalaki sa balat ng mundo.

Damn. Lagi na lang kasi siyang namimiste kapag tinuturuan ko si Alfonso eh.

Pakialamero na nga manyak pa.

Tss.

"Tiyo Radleigh!" Nasisiyahang lumapit dito ang bata at nagpabuhat.

Back in 1763Where stories live. Discover now