kapahamakan

3.2K 114 19
                                    




Nalaman ko mula kay Meldina na pupunta sila ngayon sa gubat upang kumuha ng mga panggatong.

Si Radleigh naman ay may pinuntahan daw ata sa bayan kaya wala siyang nakabuntot sa akin ngayon .
Kaya heto, masaya ang buhay ko kasi walang aali-aligid.

Asus , namimiss mo na ata siya eh.

Naisip ng left brain ko.

Pero siyempre, hindi naman magpapatalo ang right brain ko no.

No way! I won't miss that jerk.

O ha? Pati utak ko nagtatalo na dahil sa kaniya.

Hayss, nababaliw na ata ako.

Ang mabuti pa ay sumama na lang ako sa mga tauhan ng hacienda Polavieja na pupunta sa gubat.

Balita ko kasi na may magandang lawa daw doon.

Ang lawa ng "nagsabatan". Isang salita ng mga Ilokano na ang ibig sabihin sa salitang Tagalog ay " Tagpuan "

Ibig sabihin daw nito ay ang lugar kung saan nagtagpo ang lawa at ang dagat.

"Binibini, sigurado po ba kayo na sasama kayo sa amin sa gubat?" Magalang na tanong ng isa sa mga tauhan ng hacienda.

Agad naman akong tumango at ngumiti sa kanila.

"Opo tatang, sasama po ako. Kasama ko naman po si Meldina kaya ayos lang." Nakangiti ko namang sagot.

Nagtinginan ang mga tauhan ng hacienda at para bang nag-uusap sila gamit ang kanilang mga mata kung isasama ba nila ako o hindi.

Nakuha ng isang binatilyo ang pansin ko ng lapitan nito si Meldina. Mukhang magkasing-edad lang sila.

May sinasabi ito kay Meldina at halatang naiilang namang makipag-usap ang dalagita dahil namumula ang pisngi nito.

Aba! Lumalove life na ang batang ire? Nakakacurious naman.

Nakangiti ko silang pinagmamasdan pero nawala ang ngiti ko ng mapatingin sa akin si Meldina.

May sinabi pa atang iba iyong binatilyo kanina sa kaniya at siguro ay tungkol sa akin kaya napatingin sa akin ang dalagita.

Maya-maya ay bigla akong nilapitan ni Meldina.

"Ah binibini, ipagpaumanhin ninyo pero mas makakabuting dumito na lang po kayo sa mansyon." Nakayukong sabi ni Meldina sa akin.

Nalungkot naman ako dahil ayaw pala ata nila akong isama sa gubat.

Iyon siguro ang sinabi ng binatilyo kanina. Pero determinado akong sumama eh.

"Ayaw niyo ba akong isama?" Pinalungkot ko ang boses ko para maging mas kapani-paniwala ang acting ko .

Nakuha ko naman ang atensyon ng lahat.

Tumikhim ang isang matandang napapanot sa gilid na parang naniwala sa acting ko na malungkot ako.

"Binibini, ang gubat ay masyadong mapanganib para sa inyo. Siguradong magagalit si Senyor Radleigh kapag isinama ka namin na kumuha ng mga panggatong."

Sinang-ayunan naman ito ng iba kaya medyo nainis ako.

Nakita ko silang napayuko at parang natakot ng makita ang inis sa mukha ko.

Siyempre dahil mabait ako ay nakonsensiya naman ako kaya pinilit ko na lang ngumiti.

Hay, si Radleigh na naman kasi ang dahilan kaya ayaw nila akong isama.

" Isama niyo siya kung gusto niya talagang sumama." Isang mahinhin na boses ang narinig ko sa aking likuran.

" Binibining Minerva. Magandang-umaga po." Magalang na bati ng mga tauhan ng hacienda sa bagong dating.

Back in 1763Where stories live. Discover now