Plaza Ortiz

881 43 3
                                    

Ilang araw na ring pabalik-balik si Radleigh sa hukuman para magsilbing testigo sa paglilitis kina Don Gustavo at ng mga tauhan nito. Tatlong araw mula ngayon ay bibitayin na ang mga ito sa plaza ng bayan. Ang mga gumahasa kay Meldina at si Don Gustavo ay papatayin sa pamamagitan ng garote. Ang ibang mga kasabwat naman nila ay papainumin ng lason.

Nahindik ako sa mga nalaman ko at noong tinanong ako ni Radleigh kung nais ko bang masaksihan ang kaparusahan para sa mga kriminal ay agad akong tumanggi. Ayaw kong tumatak sa aking isipan ang kanilang mga mukha. Baka gabi-gabi akong bangungutin sa future.

Habang wala si Radleigh ay inabala ko na lamang ang aking sarili sa pagpinta kasama si Alfonso.

"Bakit malungkot ang senyorito?" Malambing kong tanong sa bata. Kanina ko pa kasi napansin ang pananamlay niya.

"Ate Acilegna. Kailan po uuwi si ina?" Natahimik ako sa tanong ni Alfonso. Nasaan na nga ba si Minerva?

Dahil hindi ako makasagot ay inalis ko na lamang ang takip ng aking obra. Kay Alfonso ko na lang ito unang ipapakita ng sa ganoon ay mawala ang pagtatanong nito tungkol kay Minerva.

Mukhang epektibo naman aking ginawa dahil napanganga at napapalakpak si Alfonso. Kumikislap pa ang mga mata nito sa tuwa.

"Ang aking tiyo Rafael." Napangiti naman ako sa sinabi ng bata.

"Mas bagay siyang tawaging Radleigh." Nag-isip ng mabilis ang bata bago ito tumango sa akin.

"Ilalagay ko sa likod ang buong pangalan ni Senyor Radleigh." Masaya akong pinanood ng bata habang sinusulatan ko ang likuran ng painting.

"Ayan tapos na." Pati ako ay napapalakpak. Sa wakas ay nakatapos din ako ng isang obra maestra. Muli ko itong binalot ng malinis na tela at saka maayos na nilapag sa lamesa.

Pagkatapos ay tinuruan ko si Alfonso kung paano magblend ng iba't ibang kulay. Ilang oras din ang ginugol namin para sa pagpinta. Napansin kong napahikab na ang bata sa pagod kaya pinatigil ko na ito sa ginagawa.

Napangiti ako ng makita kong mahimbing ng natutulog si Alfonso. Marahan ko siyang kinumutan bago ko dahan-dahang iniligpit ang mga kalat.

Kinuha ko rin ang painting ko sa lamesa bago ako tuluyang lumabas sa silid. Napangiti ako habang iniisip ang magiging reaksiyon ni Radleigh kapag nakita niya ang larawan niya.
This painting would be my first gift to him. I hope it would not be the last one.

Pumasok ako sa silid ni Radleigh saka naghanap ng magandang lugar kung saan ko ilalagay ang painting. Napatingin ako sa tapat ng kama. Doon na lang siguro. Kapag nanonood ako ng teleserye ay doon karaniwang isinasabit ang portrait ng mga tao eh. Hindi ko inalis ang manipis na tela na tumatakip sa portrait dahil gusto kong si Radleigh na ang mag-alis doon.

Napapalakpak pa ako ng maganda ang kinalabasan. Maya-maya pa ay narinig ko na hinahanap na ako ng mga katiwala sa mansiyon kaya mabilis na akong lumabas sa silid ni Radleigh. Mabuti na lamang at wala namang nakakita na galing ako doon. Mahirap ng ma-issue no.

Binisita ko si Meldina ng hapong iyon at nagulat ako ng nasa labas na ito ng kanilang kubo at nagpapahangin. Unti-unti ng bumabalik ang sigla sa mukha nito.

Araw-araw ko siyang binabalitaan tungkol sa nangyayari sa mga dumukot sa amin. Alam na rin niya na bibitayin na ang lahat ng may kasalanan sa kaniya sa susunod na linggo.

"Kumusta ang pagbisita ni Ginoong Ponciano Basco?" Lumiwanag ang mukha ng dalagita ng banggitin ko ang pangalan ng butihing manggagamot.

"Napakalaki ng naitulong niya sa akin binibini. Nagpapasalamat ako sa inyong dalawa ni Senyor Radleigh dahil nakilala ko si Ginoong Basco. Mahusay siyang manggagamot." May kaunting kislap siyang nababasa sa mga mata nito.

Back in 1763Where stories live. Discover now