"Bakit mag-isa ka lang dito?" Napalingon ako sa narinig kong boses.

"Kenneth....." Lumapit siya sakin.

"Ang hilig mo mag walk-out kamo babe. Halika nga dito" Niyakap niya ako ng sobrang higpit, in that reason na mas lalo akong umiyak.

"Shh. Stop crying... Ang ganda ganda mo umiiyak ka? Ay di bale,kahit naman umiiyak ka maganda ka pa rin eh" Pinalo ko siya sa braso.

"Tigilan mo nga yang pambobola mo" Humiga ako sa chest niya pero nakaupo pa rin kami.

"Bakit ka nanaman nag walk out ha?" Pinaglalaruan niya yung buhok ko.

"Nakakabadtrip si Igi. Pinaghihinalaan ka niya na ikaw daw pumatay ka Zac kasi ikaw lang naman kaaway niya nung gabing yun eh. Kaya yun. Ugh,i hate him" Hinimas niya yung ulo ko.

"Hindi ko hahayaang masaktan ka. And i know na pag may nanakit isa sa mga kaibigan mo,alam kong masasaktan ka. So hindi ko gagawin yun,and besides kahit galit ako kay Zac kagabi,hinding-hindi ko magagawang pumatay ng tao" Cold niyang pagkakasabi. Inangat ko yung ulo ko.

"Can we visit him? Please? Tutulong ako sa paghahanap dun sa pumatay sa kanya" Napansin kong umiwas siya ng tingin at medyo namutla "Is there something wrong,Kenneth? Kagabi ka pa namumutla" Hinarap ko yung mukha niya sakin pero umiwas talaga siya.

"A-a-ahh....Wa-wala....Let's go..." Dali-dali siya tumayo at bumaba. Ano poblema nun?

---

Mag-isa ko nalang dito sa classroom. Pinauna ko muna yung mga kaklase ko bago ako lumabas. Si Kenneth nasa office may dinaanan lang.

"Bat' ba galit na galit ka kanina?" Halos mabitawan ko yung mga libro ko nung may nagsalita sa likod ko.

"Sinabihan na kitang wag mo ko kakauspin diba?" Padabog kong nilapag yung libro ko sa lamesa.

"Feeling mo si Kenneth pinapatamaan ko?" Humarap siya sa lamesa ko at nag smirk.

"Wala akong panahon makipagtalo sa'yo Miguel. Kaya pwede? Wag mo muna ako guluhin" Hinablot niya sakin yung bag ko.

"Just because of that fucking guy gaganituhin mo ko? Hoy Mitchie! bestfriend mo ko! Tapos sasabihin mo sakin wag kitang guluhin?! Hindi ka naman ganyan dati ah! Mas maganda pa nga sanang hindi ka nalang nag kaboyfriend eh!!" Sinigawan niya ako buti nalang wala ng tao dito sa room.

"First of all,wag mong sasabihing FUCKING GUY si Kenneth. Pangalawa,hindi ako nagkakaganito dahil kay Kenneth it's because pinaghinalaan mong killer ang boyfriend ko. Pangatlo,you don't have the rights para diktahan ako kung ano ang gagawin ko.Now,will you please get out of my way?" Kalamado kong sabi  sa kanya,walang halong sigaw. Ayoko muna dagdagan ang depression ko. Kinuha ko yung bag ko sa kanya.

"Hindi mo ba naiisip? Na baka si Kenneth talaga ang pumatay kay Zac? Siya lang ang taong nakaaway niya before the incident happened. Siya lang ang taong pwede maging suspect. Hindi natin alam ang kayang gawin ng boyfriend mo. Mag-ingat ka" Tinitigan ko siya ng masama.

"Bigyan mo ko ng rason para maniwala sayo,sige nga Miguel!" This time sumigaw na ako.

"He's obssesed with you Mitch. He's so deeply inlove with you! And to think na sinabi ni Zac kay Kenneth na may gusto sayo si Zac of course gagawa ng paraan tong si Kenneth para hindi yun mangyari. Remember what he told me? NO ONE can you take you away from him. Isipin mo nga!" Tinawanan ko siya.

"Hahahaha! What a bullshit reason Miguel! Obssesed? Eh 4 days palang kami,obssesed agad? Do you know what obsession means? Hindi magagawa ni Kenneth yun" Hinarangan niya ako sa pinto.

Everything Was UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon