Chapter 16

93 1 0
                                    

This is not a typical love story lang guys.Maybe a little. Yung nangyari kay Zac yung first clue para sa twist ng story na to. And just to remind you,plotted na siya. Wala na akong gagawing changes kasi nakaka-limang ulit na ako sa plot. Basta please,basahin niyo. Hindi kayo magsisisi.Sorry for being not a good writer but im doing my best na masulat ng maayos. Thank you!

------

Mitch's POV

Lahat kami dito sa room tahimik. Walang kumikibo at walang nagsasalita. Lahat kami gulat sa nangyari kagabi and wala pa rin kaming balita kung ano kalagayan ni Zac ngayon. Gahd,sana nasa maayos siyang kalagayan.

Bumalik na kami sa mga diwa namin nung bumukas yung pinto ng room. Si Mr.Dimalanta.

"Students...." Nilapag niya yung gamit niya sa table. Tumingin muna siya samin. At base sa nakikita ko sa expression ng mukha niya,parang makakaramdam ka ng lungkot. Shet,kinilabutan tuloy ako. Tapos lumapit sa upuan ni Zac. Ano gagawin niya?

May kung ano siyang kunuha sa likod niya. Napaluha ako nung nakita kong naglagay siya ng isang pirasong rose sa upuan ni Zac. Oh shit.

"No..." Yun lang nasabi ko at nag breakdown ako. Iyak lang ako ng iyak. Nakayakap lang si Kenneth sakin at yung iba kong classmates umiiyak na rin.

"Zac died exactly 11:45 kagabi. Nung dinala daw siya sa hospital buhay pa,pero nakulangan ng dugo dahil sa dibdib siya nasaksak kaya ayun. Zac is a great loss. Siya ang top 2 sa klase natin. Im sorry guys. Nasa bahay nila siya nakaburol. Punta kayo kung gusto niyo." Lumabas si Mr. Dimalanta. Halos lahat na ata kaming babae nagsisiiyakan.

"Shhh...Tama na Mitch.." Pagcomfort sakin ni Kenneth. Wala akong ni isang salita ang nabitawan. Im in pain. Nawalan ako ng kaibigan. He's such a good friend. He dont deserve to die...Not this time.. He is too young...

---

Lunch na pero wala pa rin ako sa wisyo ko. Hinawakan ni Kenneth yung kamay ko at ngumiti. A gave him a weak smile. Kinuha niya yung bag ko at pumunta na kami sa canteen. Pinuntahan namin yung barkada.

"Shit,anong nangyari kagabi pre?" Sabi ni Seth na katabi si Jonalyn.

"Hindi ko alam. Ang bilis ng pangyayari" Inalalayan ako ni Kenneth umupo tapos tumabi siya sakin.

"Pakiramdam ko planado kasi yun eh. Natsempuhan walang tao sa taas tyaka gumawa ng move yung taong pumatay sa kanya" Sambit ni Igi. Napalingon kami sa kanya.

"What do you mean?" Tanong ko.

"Planado yun Mitch. On his birthday? May galit yung taong gumawa sa kanya nun. Impossibleng trip trip lang" Bigla siyang lumingon kay Kenneth na kadahilanan ng pagkabadtrip ko.

"So anong pinaparating mo ha Miguel?!!" Tumayo ako at sinigawan siya. Nakuha ko yung atensyon ng mga students sa cafeteria. Nakakainit ng ulo eh.

"Wala naman akong sinasabi eh. Ang sinasabi ko lang may galit yung gumawa sa kanya nun. Bakit may kilala ka ba?" Aba't nakakagago na to ah.

"Eh gago ka pala eh! Nantatarantado ka ba ha Miguel Santos?! Alam ko ang ibig mong sabihin. Gago ka. Wag mo ko kakausapin" Binigyan ko siya ng masama na tingin bago pa nag walk-out sa cafeteria. Busit! So si Kenneth ang pinaghihinalaan niya? Eh si Kenneth lang naman may galit sa kanya nung gabi na yun eh! Impossibleng gawin ni Kenneth yun!! Naglalakad ako papuntang ewan dahil sa sobrang pagkabadtrip ko sa bestfriend ko.

Hindi ko namalayan na nandito na pala ako sa rooftop ng school. Sana lang walang makakitang admins sakin dito kundi patay ako. Umupo ako isang bench na meron dito. Pucha,ang init init nandito ako. Hindi ko na napigilan yung luha ko. I covered my face using my hands. Nakakainis! Bakit si Zac pa? At sinong gago naman ang gagawa sa kanya ng ganun?

Everything Was UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon