Chapter 10

76 2 0
                                    

Mitch's POV

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising ako sa alarm clock ko. 5:30 na. Siguro papasok na ako. Dumiretso ako sa banyo at naligo na.

Pagkatapos ko maligo,nagpalit na ako ng uniform at nag-ayos. Same na ayos pa rin. Bumaba ako para mag breakfast. Nakita ko nanaman si mommy.

"Ma! Ano oras ka umuwi?" Ngumiti lang si mommy at nagkiss sa ulo ko.

"Mga 11pm na rin. Oh here's your pancake" Hinain ni mommy yung plato sa harap ko. Ang saraaaaaaap.

"Ma walang bacon?" Pagtatanong ko.

"Hindi kana nagsawa sa bacon" Tumawa lang si mommy. Kinain ko na yung pancakes na hinanda ni mommy. Bumaba na si kuya at umirap lang sya sakin.

"Good morning ma" Kumiss sya kay mommy pero inirapan nya lang ako.

"Hindi ka ba magkikiss kay Mitch?" Tanong ni mommy.

"Why would i? Besides,im not her kuya"Sinubo nya yung pancake na nakahain sa kanya. Binigyan ako ni mommy ng anong-ibig-sabihin-ng-kuya-mo look. Nagkibit-balikat ako.

"Wala ma. Just a misunderstanding between us. Hehe" Napa-ahh nalang si mommy. Tinignan ako ng masama ni kuya.

"So...misunderstanding lang yun para sayo? Misunderstanding lang yung pambabastos mo sa kuya mo ha Mitch?" Napayuko lang ako. Tinitignan lang ako ni mommy.

"Ano yun Mitchie?"

"Look! Im sorry okay? Badtrip lang ako nun kuya. Im sorry please?" Nag-tss lang sya.

"You two. Ayusin nyo yang away nyo. Malapit na ako umalis. Bahala kayo,pag magkaaway pa rin kayo,wala kayong allowance for the next 2 months. Umalis na kayo. Late na si Micthie sa klase nya" Tumayo si Mommy at umalis. Napanganga nalang ako sa sinabi mommy. 2 months walang allowance? Haaay. Kinuha ko na yung gamit ko sa taas at nagmadali bumaba. Baka kasi iwan ako ni kuya.

Sumakay na ako sa kotse at pinaandar na agad ni kuya. Oo nga pala! Si Kenneth? Kamusta na kaya siya? Kaylangan ko sya dalawin mamaya.

Nakarating na kami sa school. Pagkababa ko ng kotse,umalis na agad si kuya. Haaaaay. Namomoblema nga ako kay Kenneth,namomoblema pa ako kay Kuya.

"Mitchie Anne!" Napalingon ako at nakita ko agad si Ate Pearl.

"Ate! Kamusta si Kenneth? Nadala mo ba sya sa hospital kagabi? Anong nangyari sa kanya? Ano daw meron? Ate sumagot ka!" Inalog ko sya at tumawa sya. Umirap lang ako.

"Paano' ako sasagot eh ang bilis-bilis mo magtanong? Hahaha. Okay lang siya,nabundol lang sya ng motor kagabi" Tinaasan ko sya ng kilay.

"Nabundol ng motor? Pero ang daming dugo? Ate naman eh" Umiwas sya ng tingin. Bigla naman nagbell.

"Okay lang siya. Promise! Una na ako" Tumakbo paalis si ate Pearl. Ano bang meron? Tumakbo na rin ako papunta ng classroom. Buti wala pang teacher.

"Bestfriend!!!" Sigaw ni Igi pagpasok ko sa loob ng classroom.

"Napakaskandaloso nito" Bungad ko sakanya.

"Hindi mo ba ko namiss?" Inilagay ko yung bag ko sa upuan at umupo.

"1 araw lang ako hindi pumasok Miguel. Miss agad?" Nag-pout sya.

"Ganyan kana palibhasa pagpapalit mo na ako kay Kenneth" Nag crossed arms sya.

"Hindi kita pagpapalit dun no" Bulong ko sakanya sakto naman pagdating ni Sir.Val,teka....kasama nya si Kenneth. Okay na talaga sya?

Everything Was UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon