Chapter 12

94 1 0
                                    

Mitch's POV

Grabe! 2am na kami nakatulog kagabi. Kaya ito,para kaming mga walking zombie sa itsura namin. Tinext ako ni Kenneth na hindi niya na daw ako susunduin dahil kasama ko naman daw sila ate Pearl. Nag thank you ako sa kanya dahil sa ginawa niya.

"Mitchie,ang sakit ng ulo ko" Hinihimas ni Raven yung ulo niya. Nasa cafeteria kami ngayon. Hindi pa nagbebell.

"Grabe yung The Purge. Hindi ako nakatulog kagabi" Reklamo ni Jonalyn.

"Ikaw tong nagyaya ng the purge tapos magrereklamo ka? Ay nako" Sabi ni kuya James. Pano' nagtakutan pa kami kagabi. Hindi nakatulog sila Angelo. Haha!

"Nasan si Kenneth?" Tanong ni Ate Pearl.

"Ah papunta na daw siya ng school" Tumango sila.

Lahat sila naka heads down sa lamesa. Pustahan nasa detention nanaman sila mamaya dahil paniguradong matutulog nanaman sila sa klase.

-Ringgggggg-

Nag kanya kanya na kami puntahan sa mga classroom namin. Si Igi yung taga bitbit ng bag ko kahit na antok na antok siya. Wala pa kasi si Kenneth eh.

Nandito na kami sa classroom,wala pa naman si Sir. Nilapag ni Igi yung bag ko sa upuan sabay heads down niya. Kinalabit ko siya pero hindi na umiimik,nako bagsak.

"Mitch" Tumingin ako sa pinto at nakita ko si Kenneth.

"Good morning" Bati niya. Ngumiti ako sa kanya.

"Oh kamusta naman yung overnight niyo? Masaya ba?" Jusme,sana wag ako antukin.

"Ahh oo,sobrang saya nga eh. Salamat Kenneth ha" Nginitian niya lang ako.

"Wait,magheheads down lang ako" Nag-wait sign ako sa kanya.

Haaaaay. Kahit 5 minutes lang,gusto ko makatulog.......

-

Bat' ang tahimik? Uwian na ba? Kinusot-kusot ko yung mata ko.

"Oh gising kana pala. Tara,lunch na tayo" Nanlaki yung mata ko sa narinig ko.

"Kenneth?! Anong ginagawa mo dito? Teka! Nasan na yung mga kaklase natin?" Inikot ko yung mata ko sa paligid. Shax,kaming dalawa nalang ni Kenneth yung nandito.

"12:15 na kasi Mitch. Ang haba kaya ng tulog mo! Buti nga hindi ka nahuli ni Mam.Jas kaninang last subject eh" Tumayo ako at inyos yung sarili ko

"Oh bat' nandito ka pa? Diba dapat nasa cafeteria kana?" Kinuha ko yung bag ko, pero inagaw niya. Sinamaan ko tuloy siya ng tingin.

"Malamang,hindi kita pwedeng iwan ng ganyan.Gusto mong pinagtripan ka nanaman? Manliligaw mo ko,at soon-to-be boyfriend and husband mo na. Kaya masanay kana,okay? Tara na" Naka-3 kurap ako sa sinabi ni Kenneth. Shex! Kinikilig ako. Hahaha! Hinila niya yung kamay ko papunta sa cafeteria.

Bakit ba ang swerte ko? Ngayong 4th year lang ata ako nabiyayaan.

Pagkarating namin sa cafeteria,pinagtinginan at pinagbulungan kami dahil nakahawak sa kamay ko si Kenneth tapos bitbit niya pa yung bag ko. Pero para sa kanya,wala lang. Hindi niya ako kinakahiya. Hawak niya pa rin kamay ko kahit ang dami ng nakatingin samin.

"Dont mind them. Nasan na sila Pearlez? Sasabay kami sa inyo nila Seth" Hinarap niya ako sa kanya.

"Eh nasan sila Seth?" Ginala niya yung tingin niya sa buong cafeteria.

"Ayun sila!" Hinila niya nanaman ako papunta sa table nila Seth.

"Diba sabi ko sasabay tayo kila James ngayon? Bat' nauna na kayo?!" Sigaw niya kina Michael. Pano',ang sarap ng kain nila.

Everything Was UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon