Chapter 8

24 1 0
                                    

Umaga
Anyang Highway

Binabagtas ng lumang modelong kotse ang kahabaan ng highway na iyon lulan ang tatlong tao. Mayamayay nagbagal ito at nag park sa emergency lane malapit sa mismong pinangyarihan ng Anyang Road Accident.

Ilang saglit pay nagbukas ang mga pinto nito at lumabas ang mga sakay nitong tao.
Si Ryan,  Cherry at si Jamie.

"Ano bang gagawin natin dito Doc?"

Usisa ni Ryan kay jamie na halata sa mukha ang pagkainosente.

Nagkatinginan tuloy si jamie at Cherry.

Hinawakan ni Jamie si Ryan sa kamay at hinatak ito sa gilid ng kalsada.

" Wala ka bang naalala sa lugar na to?"

Tila batang paslit si Ryan na pilit pinipikit ang mga mata, nagbabakasakaling kahit piraso ng ala ala sa kalsadang iyon ay may maalala siya.

Maya mayay dumilat ito at ngumiti.

Dali dali namang sabay na nagtanong si Cherry at Jamie.

"Ano? May naalala kana?"

Sumagot ang binata na iniiling iling lang ang ulo.

"Wala parin akong maalala ni isa.Puro dilim lang ang nakikita ko sa isip ko."

Biglang natawa si Cherry sa sinabing iyon ni Ryan. At pangisi ngisi itong humarap kay Jamie at nagsalita.

"bakla! Awatin moko! Aalisan ko lalo ng memorya yang pasyente mo.Abay niloloko yata tayo ng lalaking yan eh. Natural puro dilim ang makikita mo. Sino ba namang nagsabi sayong pumikit ka. Eh talagang dilim nga ang makikita mo. Kaya kanga dinala dito para makita mo itong paligid ng lugar na ito para may maalala ka tapos pipikitan mo. Nakuuu!! Ryan kung dika lang pogi at papabol eh. "

Sinaway naman agad ni Cherry ang kaibigan.

"Tumigil ka nga bakla. Nakita mong nahihirapan parin ang tao sa kundisyon niya eh. Unawaain na lang natin siya."

At nag aya na lang na magpunta sa mall si Jamie upang ibili si Ryan ng mga damit. Dahil yung uniform parin ng Hospital staff na inagawan nito ang siya paring suot suot ng binata.
Pinahiram niya muna ang lumang winter jacket ng papa niya dito para hindi maging agaw pansin sa mga tao sa puountahan nilang mall ang suot nitong medical uniform.
Dahil sa awa ni Jamie at pagmamalasakit naisip niyang asikasuhin na ang mga pangangailangan ng binata.

Sa loob ng Mall.

Cherry: bakla. Ito bagay sa kanya to.

Bitbit ni cherry ang isang black coat na maaring isuot pang pormal man o casual outfit. At sinamahan panila ito ng ilang plain dark t shirt, black pants, black leader shoes na puwedeng pang rugged at pang pormal, mga ilang underwear na tawa pa nang tawa si Cherry habang palihim nila itong binili ni Jamie sa mens undies section habang nasa fitting room ang binata.

Sinipat sipat lahat ito ni jamie habang tinatapat sa katawan ng nakatayong binata na may suot na medical facemask upang di ito makilala ng publiko.

Nakailang sukat din ang binata sa fitting room. Paminsan minsang sinisilipan itong pilit ni Cherry na agad namang hinahatak ni Jamie.Na makikita sa impression ng mukha ni Cherry ang ngiti na may pakagat kagat pa ng labi.

Yung huling sinukat ni Ryan bago ito lumabas ng fitting room ang siyang bumagay nang husto sa binata. Black coat na may dark grey t shirt sa loob, black pants na tinernuhan ng black leather shoes.

Na impress nang husto ang dalawag dalaga na kapwa mahilig sa goth fashion. Lalo na nung sumikat sa korea ang drama series na BLACK at GOBLIN.

Napatili sa sobrang pagka amaze si Cherry na para bang isang teenager na kinilig nang makita ang isang iniidolong artista.

"Iiiiiiiiihhhh!!! Shit. GONG YOO ikaw ba yan?!
Huhugutin ko na ang ispada sa dibdib mo.!!"

Nagulat si Jamie sa inasal ng kaibigan kaya bigla niya itong binatukan. Pero halata din naman ang malagkit niyang titig sa itsura ni Ryan sa mga oras na iyon.

"Sira ka bakla! Para kang baliw diyan. Nakakahiya ka. Tumigil ka nga sa asta mo na yan. Hindi si Gong Yoo yan. Si LEE DONG WOOK yan yung GRIM REAPER. Sinusundo na ang kaluluwa mo."

Sumimangot namn  si Cherry sa saway ng kaibigan. Biglang itong inangkla ang mga braso  sa braso ng binata na pangiti ngiti lang sa mga oras na iyon.

Bago sila umuwi, kumaen muna sila sa isang restaurant doon.
Habang kumakaen bigla na lang napasulyap si Ryan sa labas ng restaurant.Tanaw kase dito ang labas sa mga salamin nitong dingding.
Isang batang lalaki na pulubi ang nakita niyang nakatayo sa tapat ng dingding na salamin ng kainang iyon. Nakatanaw ito sa kanila at halata sa mukha nito na itoy gutom na gutom.
Hindi natiis ni Ryan ang nakikita sa sandaling iyon kayat tumayo ito at kinuha ang isang naka box na pagkain.
Nagulat ang dalawang dalagang kasama nito. Biglang hinawakan ni Jamie sa braso si Ryan.

"Hoy! Lalaki san ka pupunta at bitbit mo yan?"

Sumagot naman agad ang binata na itinuro ang bata sa labas.

Lumabas ang binata at nilapitan ang paslit na akma na sanang tatakbo dahil sa pagaakalang siyay pagagalitan ni Ryan.

"Bata,  gutom ka na? Huwag ka matakot sakin. Eto oh. Sayo na lang itong pagkain.Kumain ka"

Agad namang inabot ng paslit ang pagkain at nagpasalamat ito sa binata.

"hyeong, (korean term for kuya) maraming salamat po. Gutom na gutom na po ako eh."

Hinimas lang nj Ryan ang ulo ng paslit at ngumiti ito.

"Sige kain ka lang diyan ha. Pasensiya kana gustuhin ko mang tulungan ka o ampunin ka. Magkapareho lang tayong dalawa."

Tumayo na ang binata at lumakad pabalik sa loob ng reataurant.

Sa mga oras na iyon, tinutukso ni Cherry si Jamie. Nahalata niya kasing malagkit ang titig nito sa binata mula pa sa labas hanggang sa papasok na ulit ito sa reataurant.

Cherry:  Ayiiiii... Inlababo na siya sa pasyente niya.

Jamie: Hindi ah.. Inlababo ka diyan. Oo guwapo siya at matangkad. Pero malay ko ba kung nagkukunwari lang yang may amnesia at mabaet diba.

Cherry: ikaw masyado kang judge mental sa tao. Diba nga ikaw na mismo nagsabi na posibleng may amnesia nga talaga siya. Tsaka pag may amnesia ba nakakalimutan din na badboy siya dati?  Kung totoo man yang sinasabi mo na magkukunwari lang siyang mabait.

Jamie :  Malay ko. Di namn ako psychiatrist eh. Tsaka wala ako pakialam kahit dina bumalik ang memorya niya. Ang mahalaga  makuha natin yung nasa dibdib niya.

Cherry: Namaaaaan. Bakla. Basta promise pag nakuha na natin yun. Sakin na titira si Ryan ha. Baka nga kase di na bumalik ang memory niya. So dahil sa napakabusilak ng kalooban ko, iooffer ko nang buong buo ang pag ampon sa kanya. And we will live happily ever after. Hahaha diba bongga ang fairytale plans ko hehhee.

Jamie.:bahala ka sa mga plano mo. Tumigil ka na palapit na yung tao.


The Devil Has AmnesiaDonde viven las historias. Descúbrelo ahora