Chapter 2

37 1 0
                                    

Chapter 2

Habang wala ang mag ama sinamantala naman ng dalawang demonyong anghel ang pagkakataon na mapakialaman ang timemachine.

Belzi: Master bakit ka umupo diyan baka abutan ka ni Dr. Raiko.

Luci: Matagal pang babalik yon. Huwag ka nga umepal diyan. Nagmomoment ako ngayon dito. Magbantay kana lang diyan sa may pinto. Aaaahhh... Ito na ang pinakahinihintay kong sandali. Ang maupo sa trono ng tadhana at matamis na kapalaran. Muwahahhahaahaha!!!

Humalakhak din ang tanga niyang alalay na agad din namang inawat ni Luci sa pamamagitan ng pagtakip niya ng kaniyang hintuturo sa kanyang bibig.

Luci: Sssssshhhhh... Tahimik. Baka marinig tyao sa labas. Teka pano nga pala gamitin to. Tingnan mo nga diyan sa gilid kung may plug na dapat isaksak to.

Belzi: eh master. May plug nga dito sa gilid ng timemachine pero nakasaksak naman sa outlet. Baka may pinipindot diyan sa harap niyo.

At kinalikot nga lahat ni Luci ang lahat ng botton sa dashboard ng timemachine. May digital screen ito at doon makikita ang mga digital button para sa time, day, year at location kung saang panahon at ligar ka pupunta.
Nanlaki ang mga mata ni luci sa tuwa at pagka excite habang kinakalikot ang dashboard ng timemachine. Kasalukuyan palang niyang pinipindot amg settings nito nang biglang bumukas ang pinto at napasigaw sa sobrang gulat ang kanyang alalay.

Belsi: Ay!!! Pitong demonyong impaktong kalabaw!!!

Sa sobrang gulat ni Luci at pagkataranta, hindi sinasadyang napindot niya ang button ng send na ang ibig sabihin ay dadalhin na siya ng timemachine sa naka set na settings nito. Hindi niya inaasahng mapapaaga ang pagtesting niya nito sa di inaasahang panahon, taon, lugar at oras. Ang nakaregister kase sa settings nito ay 20 years ahead sa kasalukuyang panahon.
Nakaset pa ito sa petsang November 16,2038, 6:16 am Anyang Highway, South Korea.Ito kase ang unang Lugar at panahon na pinuntahan ni dr.raiko sa una niyang testing sa makinang iyon.

Naglahong parang bula si Luci kasama ang sinakyan niyang makinang iyon.Naiwan namang Nakatanga at tila tulala sa pagkabigla ang alalay niyang si Belci.
Nawala lang ang pagkabigla niya nang marinig niya ang sirena ng fire alarm sa palapag na iyon.Dun na niya nalaman na ilang segundo na pala siyang kinakausap ng lalaki sa kanyang likod.May mga kasama
ang lalaking iyon.Lahat silay pawang mga naka uniform ng swat.

"Sir, kailangan na po ninyong lumabas,anumang oras maaring sumabog ang buong building na ito. Inaadvice na po na mag evacuate na po ang lahat ng tao sa bawat palapag ng building na ito. ."

Magsasalita pa sana siya na tinuturo ang kinapupuwestuhan dati ng timemachine kaso puwersahan na siyang pinalabas ng mga lalaki.
Naiwan ang apat na lalaki sa grupong nagpalabas kay Belci.Ang isang lalaki ay may tinawagan sa phone.

"Sir, positive, dito nga ina assemble ang
time porter. Kaso wla na dito.mukhang
dinismantel ni Dr.Raiko.bago siya lumabas kanina ng building."

Sumagot ang boss ng lalaking tumawag,

"Ok, search the whole laboratory.kailangan niyo makuha ang blue print, at lahat ng secret files ng project na yan.Siguraduhin nyo lang na hndi kayo maabutan ng mga tunay na swat diyan."

"Copy sir kim.sasabihan ko po ang mga crew naten."

Pero lingid sa grupong iyon, ang mga secret files na naka save sa apat na computer na nasa loob ng laboratory na iyon ay naka automatic delete pala. Sinadya iyon ni Dr. Raiko para kung sakaling may magkainteres na nakawin ang timemachine ay kusang mabubura ang mga files doon at ang mismong timemachine naman ay maactivate ang self destruction system.

Tanging ang nakasave lang sa flashdrive ang maiiwang complete files ng project na iyon.
At nagkataon namang bago lumabas ang mag ama sa laboratory na iyon ay pasikreto namang binunot ni Dr. Raiko ang flashdrive na cherubim na nasaksak sa kanyang laptop. Doble ingat din kase siya sa mga secret files ng project niya at ang files na iyon ay siyang laman ng flashdrive.

The Devil Has AmnesiaWhere stories live. Discover now