Chapter 4

13 0 0
                                    


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.





CHAPTER 4

Ospital
Umaga

Nagkamalay na ang binatang pasyente na si Ryan Ho. Eksaktong may dumating na attending nurse upang mag check sa kanya.

Good morning sir.

Ang bati ng babaeng nurse. Sabay yukod.

Halata sa mukha ni Ryan na hirap pa siyang gumalaw. Nilingon niya dahan dahan ang nurse.

Ryan: Bakit ako naririto miss? Ano ba nangyare sakin?

Bago pa masagot ng batang nurse ang tanong niya ay pinutol na ito ng dumating na tao.
Si Dr. Jamie.

Jamie: nurse. Sige labas ka muna ako na bahala dito.

Ilang segundong nawalan ng imik si Ryan habang nakatitig lang Kay Jamie.

Si Jamie ang unang kumibo habang inaayos ang swero ng binata.

Jamie.:huwag ka muna magkikikilos. delikado pa ang kalagayan ng katawan mo.

Ryan: Ahhmm doc, ano ba nangyare sakin?

Nilingon ni Jamie ang binata habang binabasa ang daily reports ng pasyente.

Jamie: wala ka bang natatandaan?

Ryan: wala doc. Pano ba ako napunta dito at bakit pati pangalan ko hindi ko maalala.

Biglang napatigil sa pagbabasa si Jamie at inilapag ang report folder sa maliit na mesa na nasa gilid ng kama. Tumayo siya at lumapit sa binata tsaka hinipo paikot ang ulo ng binata.

Jamie : weehh.. Wala daw maalala. Huwag mo nga akong niloloko. Kahapon pa lumabas ang ct scan results ng ulo mo. Walang tama ang bungo mo at siyempre pati ang utak mo safe din sa anumang damage gaya ng bloodcloth.

Matapos icheck Kung may bukol sa ulo si Ryan ay umupo siya sa tabi ng kama nito at tinanong ang binata.

Jamie: Hindi nga.. Mr. Ryan Ho. Gusto ko Yung honest na sagot. Kase Kung magsisinungaling ka, eh Baka mas mapasama ang Kalagayan mo at Kung ano ano ang gawin sa iyo ng mga Doctor dito. Hindi biro yang sinasabi mo. Ang pinagtataka ko lang kase Kung bakit mo nasabing wala ka maalala eh ni isang galos walang Tama ang bungo at utak mo. Lahat nga ng laboratory procedures ginawa agad namin just to know Kung meron ka bang fracture o anumang sugat na na tamo sa aksidente. Isa lang ang alam ko.. Meron nakatarak na bagay diyan sa puso mo at delikadong bunutin yon nang basta basta kundi mamamatay ka. Hindi Yung sinasabi mong memory lost ang I naalala ko Mr. RYAN. Ang labis kong pinag aalala ay yang status ng puso mo. Kumusta ba ang paghinga mo? Hirap ka ba? May nararamdaman ka bang kirot sa puso mo tuwing hihinga ka o mag sa salita.?

Tulala lang si Ryan sa mahabang sinabi ng doktor. Mayamaya'y kumibo ito. Habang kinakapa ang dibdib.

Ryan: Doc, wala akong nararamdaman kahit anong kirot sa dibdib ko.Ano ba Kase nangyare bakit po wala akong maalala. Sino ako at bakit ko sinapit to?

Sa na ulit na tanong na iyon ni Ryan. Napaisip na si Jamie. At bigla itong lumabas ng silid na iyon saka hinugot sa bulsa ang kanyang cellphone.

Jamie: Doc Cathy, may I papa neuropsychological test ako. Asap.

Mayamaya nasa loob na ng neurology room si Ryan upang mag undergo ng neuro test. Inakala Kase ni Jamie na Maaring nagkaroon ng traumatic effect sa binata ang aksidente nitong pinagdaanan.

Dahil sa nagwawala ito, napilitan ang mga Doctor na tarakan siya nang Pampatulog.

Dr. Cathy: later na natin siya balikan. Hayaan na muna natin siya makapag pahinga. Maaring traumatised pa siya sa aksidente kaya dipa stable ang isip niya. Baka pag gising niya kalmado na siya. Saka Natin siya kausapin. For the meantime,since tulog siya proceed tayo sa lab for brain scanning.

Samantala, si Jamie ay kasalukuynag kumakaen sa canteen ng ospital sa mga oras na iyon
kasama niya ang kanyang bestfriend.

Cherry: Ano na bakla? NUMPETSA na oh?!! Kelan mo ba makukukuha yung flash drive sa dibdib ng pasyente mo?!!

Jamie: Yun nga ang problema eh. May possibilities kase na mamatay siya sa oras na bunutin namin Yung flash drive sa puso niya.

Cherry: eh confirm ba yan. Baka nman may iba pang klase ng operasyon na puwede gawin sa kanya nang hindi siya machuchugi.

Jamie : wala na cherry. Alam na alam ko yan kase bukod sa isa ako sa team ng mga doctor naka assign sa kaso niya eh, mas kabisado ko ang parte ng katawan ng tao at mga senaryong fatal dito.

Cherry: ay oo nga pala
Ang tanga tanga ko. Nakalimutan Kong pathologist ka nga  rin pala.
So pano yan. Malabo nang matupad mga pangarap natin

Jamie: teka nga bakla, siyanga pala, eh since 6 years old pako nag exist yang flash drive na yan, eh hello hologram age na ngayon bakla. Masyado na siyang obsolete. Tingin mo marerecover pa natin Yung laman ng flash drive.

Cherry : Alam mo bakla, Kung ikaw eksperto ka sa pagaanalisa ng kaso ng kamatayan ng isang bangkay at sa mga parte ng katawan ng tao, eh ako naman po ang Diyosa ng makabagong teknolohiya.

Napa ngiti si Jamie sa sinabi ng iyon ng kanyang kaibigan

Jamie: ang yabang mo bakla. Diyosaaa..aber pano mo makukuha Yung files.

Cherry: Kung dimo na itatanong bakla, collectors din ako ng mga obselte gadgets at computers Kaya sakali mang mabunot mo na yung kerubim sa puso ng poging iyon, eh madali na lang nating makuha Yung files. Isasaksak natin yun sa isa sa mga lumang computer sa lab ko.

Jamie.: wow. Kaya bespren kita eh, lagi kang may reserbang solusyon sa mga problema hehehe.

Cherry: namaaaan... Ako pa ba.? Bakla. Eh sayang namn ang scholarship ng foundation ng daddy mo sakin Kung hindi ako magpapaka henyo hehehe.

Sabay nag high 5 ang dalawa.

Samantala,

Sa loob ng neuro diagnostic laboratory nagkamalay na si Ryan. Unti unting gumalaw ang kayang mga daliri.at dahan dahan dumilat ang kanyang mga Mata.
Puro puting paligid ang kanyang nakita. May mga linya ng liwanag at dinig niya ang isang kakaibang ugong. Isang tunog ng umaandar na makina.
Nang siya ay bumangon ay bigla siyang Nauntog.
Kaya napahiga ulit siya. Iginala niya nag kanyang paningin. Sa kanyang uluhan, sakanyang harap, tagiliran at sa kanyang paanan. Doon niya nalaman na nasa loob pla siya ng isang laboratory machine. Sa loob ng MRI.

Kaya, naiisip niyang dumausdos pababa Para Maka labas sa masikip na makinang iyon.
Nang makalabas na siya. May biglang pumasok sa silid na iyon. Isang lalaking naka suot ng puting laboratory gown. Nagkagulatan sila at nagka titigan.
Maya mayay, dahan dahan dinukot ng lalaki ang cellphone sa bulsa ng lab gown. Doon naman biglang dinaluhong ni Ryan ang lalaki. Nagsisisgaw ang lalaki Kaya wlang choice si Ryan kundi bigyan ito ng isang karate chop sa leeg na siyang nag patulog dito.

Sa labas ng laboratory, biglang bumukas ang pinto nito. May lumabas na lalaking nakaputing laboratory gown. Mabilis ang pag lakad ng lalaki na may suot ding laboratory mask sa Kalahati ng mukha niya. Dumeretso ang lalaki sa sa emergency exit door ng ospital. Tumagos iyon sa hagdanan pa baba ng basement parking.
Payuko ang lalaking tumakbo pa lapit sa mga kotseng nakaparada doon.
Aksidente niyang nasandalan ang isang van na may alarm pala.Umatungal nang pag ka lakas lakas ang alarm ng sasakyan na siya namang nagpatakbo palapit sa parking sa isang guwardiyang naka duty doon. Nagbukas ito ng flash light upang isearch ang madilim na parking.
Samantala, maingat namang gumapang ang lalaki sa pagitan ng mga kotseng naka park. At nang malapit na ang guwardiya sa kinaroroonan niya, tumakbo ito pa lapit sa madilim niyang puwesto at itinutok doon ant flashlight. Pero wala itong nakitnang tao.
Maya mayay, isang kotseng pula, ang dahan dahang nagsara ng compartment. Sa loob nitoy isang tao ang maingat at tahimik na pumuwestong pabaluktot.

The Devil Has AmnesiaWhere stories live. Discover now