"And so?"napatingin ako ng may biglang nalapag ng juice sa harap niya, tea ang akin...and I found Zander, nakatitig siya ng mariin kay--hell hindi ko pa rin pala alam ang name niya--Kuyang Sulpot. Pagkatapos niyang ibigay yun ay umupo siya sa tabi ko, kinuha niya ang pinakamahabang unan sa sofa tsaka niyakap ang kalahati nito, yung kalahati naman ay nakatakip sa katawan ko- na natakpan ko na- pero mas secured.

My bro so sweet. (>•<)

"I'm here to help."labas ngipin ang ngiting ibinigay niya sa akin, at bago pa ako makapagsalita, inunahan na ako ni Zander.

"Leave."nakatitig niyang sabi kay Kuyang Sulpot.

Wut?

Wews, ayaw niya rin kay Kuyang Sulpot? Cool, twinnie ko talaga to.

"I said leave, Zandria."napanganga nalang ako sa sinabi niya, helvete(hell) nag-assume ako eh! Dapat kasi nililinaw niya, tsk!

At dahil 'nakakatandang' kapatid ko ang tingin niya sa sarili niya, hindi na ako nag protesta at pumunta nalang ng kusina..dala dala yung tsaa na binigay ni Zander.

Just, why would he make me leave?

Kuyang Sulpot's POV:

"Does Zandria knows your name?"tanong sakin ng kapatid/ pinsan yata ni Ms. Deathnote.

"Uhh..No?"hindi talaga ako sigurado. Tuwing tinatawag kasi ang pangalan ko sa school ay nakatitig lang siya sa dalawang tao na mag best-bud at parang wala siyang ibang naririnig.

"Then I won't ask for your name. I'm Zander, Zandria's big brother."dang, ang seryoso.

"FYI, mas matanda ako ng ilang minuto at kambal tayo!"

Nakita kong napapikit ng mariin ang lalaking kaharap ko nang marinig namin yung boses ni Zandria.

"Well, I'm more matured."matapos niyang sabihin yon ay lumingon siya sa kusina at sumigaw,"Don't listen to us! Bibilhan kita ng spicy buttered chicken at ice cream!"

"Okay!"

"Uhm..hindi naman naiiwasan ang makarinig diba?"I asked, or is it possible?

"In her case, yes. Magaling siyang magbingi-bingihan. Nasanay sa mga trashtalk tungkol sa kanya...na parang wala naman. Though kapag tungkol sa mga taong malalapit sa kanya yung trashtalks daig niya pa lobo kung makarinig at makaatake."pinagbubuhat niya ba ng bangko yung kapatid niya?

"I see.."wala na akong masabi. Ibinaba ko ang tingin sa tsaa na inilapag niya sa harap ko kanina. And there I can see some traces of milk.. American Tea?

"Anong plano mo? Or should I say niyo?"nang iangat ko ang paningin ko ay magkasalubong na yung mga kilay niya.

Napaangat ang gilid ng labi ko..

"Anong ibig mong sabihin?"

"Don't you dare try to be my sister's boyfriend even with the help of her friends."..so siya yung dahilan kung bakit single pa rin yung kapatid niya kahit na ilang beses ng pinagsasabi ng mga kaibigan niya na medyo may nagkaka-crush sa kanya?

"Bakit naman? Ano ka ba maliban sa pagiging kapatid niya para pigilan siyang mag boyfriend?"tinapatan ko ang matatalim niyang mga mata. If looks could kill, then I'm damned.

"Her priorities."priorities? Shouldn't it be priority?"her priorities to be my mom-like sister, to be close to me, to be her bestfriends's closest friends and her promise to not cry at night because of mom's death. Those are more than enough."

Oh..

I suppressed the smile that's starting to form on my lips..

Now I'm liking her more.


Zandria's POV:

Inangat ko ang tingin ko mula sa tsaa na nagsilbing drawing tablet dahil ginagawan ko ng designs, only to find Zander across my seat staring at me worriedly.

Mula sa magkasalubong kong mga kilay dahil sa pagtutok sa tsaa ay lumamlam ang mukha ko.

"May problema ba?"tanong ko.

"Ate.."nabitawan ko ang toothpick na hawak ko na ginagamit ko para isaayos ang design dahil sa panimula niya.

That was a first.

"Gusto mo na bang magka-boyfriend?"I can perfectly see a hopeful emotion by his eyes.

Gusto niya ba akong magka-boyfriend?

Dati pa nga lang ayaw ko na..

Ngayon pa kayang tinawag niya akong ate?

Ayaw kong malungkot siya but still..

"Ayaw. Ikaw tsaka si papa lang kaya ang mga lalaki at magiging lalaki sa buhay ko."I was expecting to see a glimpse of disappointment at his eyes but I saw happiness intead.

"Talaga?"okay..another first. Ngayon lang siya umaktong parang bata simula ng tumungtong kaming highschool. Which I found so loving.

"Syempre naman."nagulat nalang ako ng patakbo siyang lumapit sa akin at niyakap ako ng sobrang higpit.

God, kung hindi ko lang kapatid to, pipiliin kong magpakasal sa kanya kaysa tumanda ng walang asawa.

I closed my eyes and hugged him back.

Nakaramdam ako na may nakatitig sa akin kaya pasimple ko iyong tinignan only to find Kuyang Sulpot looking at me with amusement at his eyes.

Now I'm curious about what they talked about... pero mas gusto ko yung chicken at ice cream, plus I hold on to my word kaya hindi ako nakinig.

Binalewala ko nalang siya at pumikit nalang ulit para mas lalong damhin ang yakap ng kapatid ko.

Once in a blue moon lang to noh, sulitin na.




_____

Zander is the best brother I never had.

(*'︶'*)

Red String Where stories live. Discover now