Zandria's POV:
Eto ako ngayon sa kwarto, binababad ang sarili ko sa mga libro na nerd x jock ang partners.
Make over..
Na-inlove tapos make over..
Umalis, nag make over, bumalik, minahal...
Nagmahal, nasaktan, nagmake-over, naging artista/ model, nagbalik, nagmahal ulit, nagka-forever.
Aish buset!
Hindi naman kailangan ni Jennie ng make over eh!
"AAAAH!!"sigaw ko para ilabas ang frustration ko."KYAH!"tili ko naman ng biglang bumukas ang pinto tsaka nun niluwa ang kakambal kong naghahabol ng hininga.
"B-bakit ka.. sumi--sumisigaw?"sabi ni Zander.
Bago ko sagutin yung tanong niya ay kinuha ko muna ang tubig ko sa side table na di ko pa naiinom tsaka ko binigay sa kanya.
"Kung makapagbabol ka naman ng hininga kala mo tumakbo mula Mindanao hanggang dito."
Nag-👌🏻 sign naman siya sakin tsaka sinabing.."dagdag pogi points pag nag aalala ka ng sobra sa babae."
"Dagdag pogi points o pogo points? Plus, tayong dalawa lang po ang nasa bahay kaya hindi ka parin madadagdagan ng pogi-pogo points na yan."sabi ko tsaka nag-😜.
"Hoy respetuhin mo ko mas matanda parin ako sayo!"
"Mas matanda? FYI magkasunod lang tayong lumabas! Kambal nga diba?"
"Still!..wait. Oo nga pala. Bakit ka sumigaw kanina?"
Napa-gasp naman ako dahil sa realization. Hindi realization na sumigaw ako. Hindi ako slow noh. Kundi realization dahil nasa harap ko na ang solusyon.
"Kuya Zandeeeeer.."malambing na tawag ko sa kanya.
"..."tumayo siya bigla tsaka lumabas ng kwarto ko.
"Uy! Kuya naman eh.."sinundan ko siya hanggang sa makarating siya sa sala.
Kinuha niya yung headphone niyang nasa mesa tsaka yun kinonect sa phone niya tsaka niya sinuot.
Pumikit pa siya na parang wala siyang pakialam sa mundo kaya sinamaan ko siya ng tingin.
( +--+) {🎶}( -_- ){🎶}
Kinuha ko yung unan sa sofa tsaka ko hinampas sa mukha niya.
"What the hell Zand?! Alam mong ayaw ko ng istorbo pag nakikinig ako ng music!"galit niyang sermon kaya hinampas ko pa ulit siya ng unan."Oh come on!"inis niya sabi.
"Oo KUYA Zander alam kong ayaw mong iniistorbo ka pag nakikinig ng music. Kaya nga inistorbo ko nung HINDI ka nakikinig ng music."banggit ko tsaka sinamaan ko ulit siya ng tingin.
"Hindi nakikinig? Zandria hindi ka bulag kaya kitang kita mo na may suot akong headphone!"
"Nakasuot ka nga ng headphone, nakikinig ka ng music, eh hindi ka nga nag play ng kanta!"
"..."huli ka ngayon.
"Kaya kuya Zander...tulungan mo na akoooo..bunso ako diba? Kaya kailangan ko ng tulong mo. Hmm???"
Zildjian's POV:
"Okay class, let's have a recap. If the x-intercept is 3, and the y intercept is 4, what would be their General Form look like?"
Ano raw?
Huh?
General?
Sundalo?
Pulis?
RPG?
Ha?
"3x+4y=1"
Pano..
Pano nagawa ni Maxene yun ?!(classmate namin)
San nanggaling yung 1?!
Bat ganon ?!
"Very good. How about this? If your slope is -7/5, what's your x?"
Huh?
Ano?
Negative ano?
Haaaaaaa?!
"It'll be 5."sabi ng isa ko pang classmate.
Huh?
Bakit 5 ?
Diba dapat seven?
Ha?
"Good job, now would you mind if I ask you to explain why the answers are like that Mr. Clemente? "
Ha?
"Yes sir."
"What?"
"Sira no dapat sagot mo."bulong ni Andrei.
"No raw po pala sir."pinanigkitan ako ni sir ng mata kaya nilakihan ko mata ko. Ngayon kitang kita ko yung paggo-glow ng ulong crystal niya.
"Then go in front. You can use the whiteboard if you want."sir gusto kong sulatan ulo mong kumikinang, pwede ba?
"Sir."nagtaas na ng kamay si Jennie bago pa ako makahakbang.
"Yes Ms. Naluz?"
"Would you mind if I assist him? I'm tutoring him every break time so if his answers are wrong, the shame will be mine."napatingin ako kay Jennie ng sabihin niya yun.
Zandria's POV:
Na kay Jennie atensyon ni sir kaya...
*munch munch*
*crunch crunch*
...kaya eto kami ni Ayen, pasimpleng kumakain ng junkfood. Nilagay namin yung bag namin sa upuan ni Jeanne tapos nilagay namin yung junkfood sa gitna.
(Sa mga hindi nakakaalala ng sitting arrangement nila:
Zandria-Jeanne-Adriene-Kristine-Jennie-Bridget
Bakit nauna sila Kristine at Adriene eh R naman ang apelyido ni Jeanne? Trip lang nila.)
"F-fine. Just this once Ms. Naluz."just this once? Ok lang yan kay zild. Maraming reserba yan. Andiyan si Ayen, si Tine, si Bridget, at kung mapipilit, ako.
Aish antagal mag break.. di ko magagawa plano ko nito eh.
YOU ARE READING
Red String
Teen FictionWalong tao na magkaka-ibigan. Tutulungan ng isang taong bitter?! Pakielamera na kung pakielamera. Atlis walang sariling problema. Yan ang motto ng nag iisang Zandria Vastra. Ang match maker sa mga storyang naririto na dinaig pa ang bida sa dami ng P...
