Jennie's POV:
Tinawagan kami (Ako,Zandria,Kristine,Donna,Ayen and Bridget.) ni Emman pinapapunta kami sa school ng sobrang aga... kaya eto kami ngayon..naglalakad papuntang school na parang lashieng dahil kulang sa tulog🤦🏻♀️.
Pagkadating namin sa room ay si napanganga kami sa nakita namin..well..maliban kay Kristine na nagfi -feeling ngayon.. "Oh my ghad...I can't believe this.."pinapay niya ang ilalim ng mata niya na parang maiiyak na..."Y-you know boys..I appreciate the effort but...I-I'm sorry b-because y-you know..study fir--aray naman oh..."pinutol ni Donna ang pagfi-feeling niya sa pamamagitan ng pagbatok dito..
"Emman nagpaalam na ba kayo kay Miss tungkol dito?"tanong ni Donna. Nga naman...
"Syempre..si goody good boy ba naman.."sabi ni Andrei tsaka inakbayan si Emman..
"Sana wag niyong kalimutan na ako ang nag-ayos nito at nagpaalam kay ma'am. Nandito ako oh di ako hangin."singit naman ni Zildjan kaya napatawa nalang kami.
Kristine's POV:
Napatingin ako kay Zandria ng hindi siya tumawa at nakita ko siyang nakatingin sa ginawa nila Emman habang nagpipigil ng luha..may gusto ba talaga siya kay Emman?
Nagulat nalang ako ng tumakbo siya palayo.."ZANDRIA!!"sigaw namin pero hindi siya lumingon patuloy lang siyang tumatakbo sa hallway...
"Zandria...."bulong ko sa hangin..nasasaktan ka ba ngayon?
Zandria's POV:
Nandito ako sa garden at umiiyak. Tinatawagan ko si Jeanne pero hindi siya sumasagot..kanina pa ako humihikbi..
(Hoy may tumatawag sayo! Hoy may tumatawag sa---)napahinga nalang ako ng maluwag ng sagutin na niya..
[Zandria?]
"Ji-Jeanne.."humihikbing tawag ko sa pangalan niya...
[Zandria umiiyak ka ba?]
"N-nasan ka *huk* nga-ngayon?"
[Naglalakad papuntang classroom bakit?]
"W-wag..pu-pumunta ka muna di-dito sa garden *huk*"ibinaba ko agad ang tawag pagkatapos kong sabihin yun..
Jeanne's POV:
Pinapunta ako ni Zandria sa garden kaya eto ako ngayon,hinahanap si Zandria dito..
"Zandria???"sumilip ako sa isang puno at duon ko siya nakita..umiiyak.
Lumuhod ako sa gilid niya..
"Uy ba't ka umiiyak?"takang tanong ko sa kanya.
"J-Jeanne..."nagulat nalang ako ng yakapin niya ako tsaka umiyak sa balikat ko.
"U-uy! A-ano bang nangyayari sayo! Haha..."sabi ko pero patuloy parin ang pag-iyak niya..
"Naman eh! Hindi naman ikaw yung aalis eh! Ako dapat umiiyak bakit ikaw pa?"natatawa ng sabi ko..
"A-aalis ka? Jeanne?"nanigas kaming dalawa ni Zandria sa pwesto namin ng marinig namin ang boses ni Bridget..
3rd Person's POV:
Flashback~
"Sinagot ko yung tanong mo,ngayon sagutin mo tanong ko. Bakit hindi mo sinabi samin?"
"K-kasi..a-ayokong mag-alala kayo...--"
"Bakit naman kami mag-aalala? Aalis ka lang naman diba? Babalik ka pa naman...diba?"
YOU ARE READING
Red String
Teen FictionWalong tao na magkaka-ibigan. Tutulungan ng isang taong bitter?! Pakielamera na kung pakielamera. Atlis walang sariling problema. Yan ang motto ng nag iisang Zandria Vastra. Ang match maker sa mga storyang naririto na dinaig pa ang bida sa dami ng P...
