58. Stubborn and Dictator

Start from the beginning
                                    

"Sorry at natagalan ako." Hinge ko ng paumanhin rito. Nakakahiya dito dahil naghintay talaga ito. Sana pinauna ko na lang talaga ito.

Ngumiti naman ito sa akin ng makita ako. "Okay lang yun. Natapos ko din ang assignment." Tumayo na ito mula sa upuan at kinuha ang kanyang mga gamit. "Ano pala sinabi ni Sir sayo?"

"Hhmm... He wanted an interview. I still cannot provide the details." Saad ko rito. Kahit hindi ako sinabihan alam ko na confidential iyon. It is not my position to tell her the details lalo na at hindi pa nga ako pumapayag.

"Talaga? Ay ayos yan tapos si Sir pa mag-iinterview sayo, ibig sabihin you will have a lot of time together after class." Saad nito at patungo na ito sa akin palabas na kami ng classroom. "Sana ako din mainterview ni Sir. Ang sarap kaya ng ganun yun araw araw may inaasahan ka at—" napahinto na lang ito bigla at parang nabato sa kinatatayuan.

Napatingin naman ako sa tinitingnan niyo sa likuran ko. It's Cayden with a grim on his face. Hindi ko alam bakit hindi na ako nagulat at nakita ko siya rito. Hindi ako nagpaapekto kay Cayden. I kept reminding myself that he is no longer part of my life. I should start to move on so I should treat him like a casual being.

"Next class niyo ba dito?" Tanong ko pa rito but I am one hundred percent sure na tapos na ang klase nito. Lahat naman kami pareho ang schedule, magkaiba nga lang ng subject bawat year at class.

"You really did not follow me, did you?" I can sense the hint of sarcasm on his voice.

"It's because it's not my responsibility to follow an unreasonable order." Sagot ko naman rito at tumingin ako kay Tonet. "Tara na Tonet, baka maka-disturbo pa tayo sa klase nila dito.

Hinawakan ko sa siko si Tonet at hinila ko ito. Naglakad ako derecho kay Cayden na nakaharang sa daan. Ayaw niyang tumabi? Ang haharang tibag. Binangga ko ito ng walang pag-alinlangan pero para lang akong bumangga sa isang pader na matayog. Ni hindi ito natinag.

Shit. Bakit ko ba nakalimutan kung gaano ito kalakas? What made me think that I can push him that easily?

"Pwede bang umalis ka diyan? Hahara-hara ka." Saad ko rito. I don't care if I sounded disrespectful to him. Sa lahat ng ginawa niya sakin ay kulang pa nga ito.

"You are really fearless now August... Ano ang ipinagmamalaki mo? Yung Gusion na yun?" Shit nagtagalog na ang bakulaw. This means, he's angry.

"At paanong napasok naman sa usapan si Sir Gus dito? Ipinagmamalaki ko? Pinagmamalaki ko ang bilang ako kaya umalis ka dyan bago pa mag-init ang ulo ko at tuluyan na kitang patulan dyan." Banta ko rito.

Si Tonet ay parang istatwa na nakatayo sa tabi ko. Alam ko na kinakabahan ito dahil sinasagot sagot ko si Cayden. Who would dare? Pero hindi nila alam kung ano kami ni Cayden and I don't have any plans na sabihin sa kanila kung ano kami dati.

"Patulan?" At tinaasan ako ng kilay ni Cayden. "Why don't you try it. Malay mo magustuhan ko yun." Ngumisi pa talaga ito ng nakakaloko.

Ngumisi naman ako. "Gusto mo talaga?" Binitawan ko si Tonet at lumapit ako kay Cayden. I even close the distance of our face na halos mahahalikan ko na siya. I can see the spark dancing in his eyes. Anticipation and something else. Ngumiti muna ako ng malapad at hinawakan ko ang tenga niya at piningot yun. Lumayo ako sa kanya ng konti at hinila ko yun pababa at sumunod naman ang katawan ni Cayden.

"Fuck! Stop! August!" Hindi na magkamayaw si Cayden sa pagmumura. Namumula ang mukha, leeg at tenga nito. "Fuck! Ouch! You witch, let go of my freaking ear!"

"Ha! Diba gusto mo to? Gusto mong patulan kita di ba? Kaya ito ang nababagay sayong control freak ka! Pasalamat ka at hindi kita binayagan hayop ka. Hahara-hara ka pa sa daan na akala mo kung sino ka!" At yan nagwala na nga ako at piningot ko talaga ng todo ang tenga ni Cayden. Puro daing si Cayden dahil sa sakit na nararamdaman.

"A-ah... August jusko, tama na yan. Please, gusto ko pang mabuhay." Natatakot na pigil naman ni Tonet sa akin at hinawakan na nito ang kamay ko at pinapaalis yun pagkakapingot ko dito.

"Teka, kinakampihan mo ba ang buwiset na to?" Mapanganib na tanong ko kay Tonet.

😰<< Tonet.

"E-eh, hindi naman sa ganun August... pero prinsipe si Prince Cayden. Parang humihingi na tayo ng kamatayan dahil dito." Natatakot na sagot nito sa akin.

Napatingin naman ako kay Cayden. "Eh di ipapatay niya ako! Ano Cayden? Papatayin mo ako? Sagot!"galit na tanong ko kay Cayden. Hindi naman makasagot si Cayden dahil puro aray ang lumalabas sa bibig nito.

"Jusko tama na please!" Di magkamayaw si Tonet at yun nga nabitawan ko ang tenga ni Cayden at agad na lumayo si Cayden sa akin. Pulang pula ang mukha nito at leeg. I can see the pain on his face. He's holding his ear like it gonna torn off any moment.

"You witch!" Ano pa ba ang bago? That was my trademark to him before. From love to witch. Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil biglang nagdowngrade ang tawag niya sa akin.

"Naghahamon ka at pag pinatulan ka ikaw pa ang galit? Mahiya ka! Tse! Diyan ka na nga!" At walang lingon likod ay iniwan ko si Cayden doon sa room na nagpupuyos ng galit habang hila hila si Tonet.

Hindi ko na alam kung gaano na kalayo ang nilakad ko basta nadatnan ko na lang ang sarili ko na nasa tapat na ako ng dorm. Hindi man lang ako nakaramdam ng hingal pero si Tonet ay halos malagutan na ito ng hininga sa hingal.

"Goodness, alam mo ba ang ginawa mo dun August? Jusko sabihin mo sinapian ka ba? Anong nakain mo at pinatulan mo si Prince Cayden? Jusko naman August, patay tayo nito." Nag-aalalang saad ni Tonet. Well nag-aalala is an understatement because she's freaking out!

"Tss. Walang mangyayari sa atin. Mas nakakahiya kung palalakihin niya pa ito. Mas nakakahiyang malaman ng lahat na sa isang pingot lang mapapatumba ang hari ng kayabangan na si Cayden." Saad ko rito. Alam ko naman na walang mangyayari sa amin. Not unless kung talagang wala na siyang pakialam sa akin but as far as I can see, he still cares. At hindi yun susugod dun kanina kung wala na siyang pake.

"Pero August, nakita mo ba itsura niya? Galit na galit." Natatakot na saad nito sa akin.

"Laging ganun ang mukha niya. Natural look niya yun kaya magrelax ka na lang dyan. He is not someone who will eat us alive." Sagot ko naman rito.

Pero kahit anong sabihin ko ay alam ko na hindi maaalis ang pangamba ni Tonet. They are thinking that Cayden is the Prince of Veneesha and a person that should not be messed with. But I know the real Cayden. The Cayden behind the prince title.

But shit, sana hindi bumalik sa akin ang ginawa ko kanina. I have this big feeling na gaganti si Cayden.
Pumasok na kami sa dorm para makapagpahinga. Medyo magkalayo ang room namin ni Tonet pero okay lang naman yun dahil same dorm lang din naman kami.

I wanted to rest to start a new day tomorrow. I just hope, there is no longer ang Cayden related event.

"Jeez..." Naisambit ko na lang sa hangin.
_____________________________________________

To be continued...

THE ADVENTURE OF AUGUST BACK TO EARTHWhere stories live. Discover now