Binasa ito ni Governor Alfonso. "Oo nga, 'no! Bakit ikaw ang pinasahan niya ng kanyang position at hindi ang asawa niya?"

Nagtaka rin ang asawa ng namatay na vice governor at tiningnan ang mga papeles. "It says here na isa kang Indian national? Paano ka magiging vice governor namin, eh nasa Pilipinas ka?"

"Nagsalita ang isang American citizen," pang-iinis si Don Lighi Totnak kaya't napatigil ang ginang.

"You know, there's no rule habang nakaupo si Governor Alfonso. Alam ko ang lahat ng sikreto mo Gov. Malapit ka sa presidente ng Pilipinas at alam ko ang lahat ng baho mo. Kaya alam ko ring hindi mo tatanggihan ang contract na 'to na palitan ko sa pagiging vice governor ang namayapa," ngisi ng unano.

"Teka! Unfair naman yata 'yan!" pagsingit ni Henry.

"I'm sorry, hijo, pero pagbibigyan ko siya para fair. Pinagbigyan ko ang ama ninyong maging vice ko kahit American citizen siya kaya papayag din ako sa kagustuhan ni Don Lighi Totnak," ani Governor Alfonso.

"Pwede rin bang ipakasal n'yo sa akin ang anak niyong babae," ani ng Don Totnak at nakipag-eye to eye siya kay Maryan. Nginitian niya ito at dumila pa habang pinapakita ang pilak na ngipin nito.

Narindi naman si Maryan sa pinaggagagawa nito at nag-eyeroll.

"Sorry, Don Totnak, pero may lalaki akong gusto ko para sa anak ko," ani ng Gov at ngumiting natutuwa naman si Maryan. Ngunit, sumingit ang kambal.

"Kami po, gusto n'yo po ba kami para sa anak n'yo?" Nagsalita sina Henry at Denis.

Sa sobrang inis sa sinabi nila, pinagbabatukan na naman sila ni Maryan. "Humihirit pa kayo, eh 'no?!"

Habang pauwi na sina Maryan at ang ama.

"Dad, I'm scared. Hindi pa alam kung sino ang killer ng vice n'yo. Baka kayo ang isunod," takot na sinabi ni Maryan.

"Don't worry, hija. Madami akong bodyguards. Maaasahan natin si Baby. Lagi akong may bulletproof vest, hija. Ano pa ba ang dapat mong ikabahala?" tanong ng ama.

Agad niyakap at sumandal si Maryan sa dibdib nito. "But, Dad, iba pa rin ang nag-iingat. I don't know what will happen to me 'pag kayo ay nawala."

Hinalikan naman ng governor ang anak sa ulo na tila nalungkot.

***

Pagkarating ni Maryan sa mansion nila ay tinawag niya si Kuracha gamit ulit ang megaphone kaya't dumating ito agad-agad.

"Ready na ba ang isang balde ng dugo ng virgin sa bathtub ko?" sigaw ni Maryan.

"Oho. Pero, senyora, pinasasabi ni Baby na hindi raw niya pinatay ang kada nakikita niyang madre. Humingi na lang daw siya ng blood donors kunwari. Ang bait pala ni Baby. Ang laki-laki niyang mama. Ang laki-laki din ng kanyang puso. Sa palagay n'yo ba, malaki din ba ang ano niya?" At nag-beautiful eyes pa ang manang.

"Ano ba 'yan, Yaya Kuracha! Lumalandi na naman kayo! Sige! K lang kahit hindi niya pinatay iyon. Ang mahalaga ay mailubog ko ang katawan ko sa dugo ng mga virgin. At saka, secret lang 'yon, ha! Baka may pagsabihan ka!"

"Naku! Wala po, senyora. Pramis! Peksman!"

***

Pagkapasok niya sa loob ng kanyang banyo, agad na niyang nilubog ang kanyang katawan sa bathtub na puno ng dugo ng virgin. Biglang may tumawag sa cell phone niya kaya't hindi natuloy ang paglubog niya saka ito sinagot.

"Hello! Lintik na! Kuracha! Bakit ka tumawag?" sigaw muli ni Maryan.

"Yung mga kaibigan n'yo pong tatlong babae at isang bakla ay nandito."

"Papasukin mo sila rito sa banyo." Ibinaba ni Maryan ang pilak niyang telepono at inilagay ang dalawang cucumber sa kanya mata bago inilubog ang sarili sa bathtub ng dugo ng virgin.

Pagkabukas na pagkabukas ng pinto ay ang Fancy Girls ito kasama si Ritchie. Bigla silang nagulat at tumakbo papalapit sa bathtub at nagsiiyakan nang sobra.

"Maryan! It's not the end of the world! Bakit mo kami iniwan? Bakit ka nagpakamatay!" sigaw ni Ritchie.

Sinabayan siyang humagulgol nina Paola at KC habang duguan din ang kamay sa pagkakayakap sa kaibigan.

Sa sobrang inis habang luhaan din si Kaye ay bigla niyang pinagsasapak si Maryan. "Gumising ka, Maryan! Sinabi mong mahina ako dahil kay Ethan tapos ito ka pala, tatapusin mo ang buhay mo dahil kay Max!"

Agad dumilat si Maryan sa sobrang sakit ng sunod-sunod na sampal ni Kaye. Kaya naman pinigilan niya ito.

"Araaay! Kaye naman! Ano ba'ng pinagsasabi n'yong nagpakamatay? Ang sakit-sakit na ng palad mo, 'nyeta ka! Di ba, sinabi ko sa 'yo, 'wag mo 'kong sapakin dahil pasmado ka!" nanggigil na sigaw ni Maryan habang hawak-hawak ang pisngi.

"Eh, bakit duguan ka?" tanong ni Ritchie at suminga siya sa kanya panyo.

Agad nagsinungaling si Maryan. "Binabad ko ang sarili ko sa dugo ng baboy. Kasi pampakinis ng balat."

"Eeww, yuck! Tara na, gurls, iwan natin siya! Eww!" At umalis sina Ritchie na tila nasusuka pa kasunod sina KC at Paola.

Paalis din si Kaye sa banyo ni Maryan nang sumigaw ito. "Hihintayin ka na lang namin sa lobby, ha!"

Pagkalabas nila at pagkasarang-pagkasara ng pinto ng banyo ni Maryan ay sabay-sabay na silang nagsususuka.

"Muudeer! Anyare kay Maryan? Bagong karelasyon yata niya ay matador?" pag-iyak ni Ritchie habang punong-puno na ng suka nila ang maputing carpet.


Gold Digger Where stories live. Discover now