Married 13

8.5K 337 106
                                    




* * * * *



~Park Baekhyun~




Sobrang konti ng tao dito sa mall na pinuntahan namin kaya naman medyo nakaka-panibago. Walang masyadong kotse sa parking lot pero kung meron man, mamahalin lahat. 



Humawak ako sa braso ni Chanyeol habang buhat-buhat niya si Chan Hyun. "Channie, bakit walang masyadong tao dito sa mall ng pinsan mo?" tanong ko habang tumitingin sa paligid. Tama, hindi kami sa mall namin pumunta kasi... trip lang ni Chanyeol. Adik no? 



Napa-shrug siya at ngumiiti. "As you can see my dear Baekhyun, walang masyadong tao dito. Mas private. And lahat kasi dito, branded. So mas masaya mamili." he answered. 



Chan Hyun squirmed at sinabing gusto niyang bumaba. Chanyeol bent down to drop him at agad na pumunta kina Luhan. Haaay. Sayang nga at walang anak ang HunHan eh. Hindi ko alam kung bakit. 



Pumunta kami sa isang boutique at agad na namili sina Kai at Chanyeol ng mga strollers, crib, walkers at kung ano pa. 



"Bat hindi niyo ba gagamitin ulit yung mga ginamit ni Chan Hyun noon?" tanong sakin ni Luhan habang tumitingin ako ng mga damit. 



I shrugged. "Ayaw ni Chanyeol eh. Sabi niya, boys are boys and girls are girls daw. Arte no?" natatawang sagot ko. 



Natawa naman si Luhan. "Sinabi mo pa." sagot niya na nagpatawa sakin. 



Alam kong girl si Baby namin pero sina Kai at Chanyeol ang magaling mamili. Sobrang cute ng mga napili nilang baby stuffs kaya naman, nag-stick nalang ako sa pamimili ng mga damit, laruan, bote at kung ano pang minor na gamit. 



"Baek, samahan ko lang sina Chan Hyun at Ji-eun sa ground floor. May playland pala dun eh." pagpapa-alam ni Sehun habang hawak sa magkabilang kamay ang dalawang bata. 



Tumango ako at tumingin kay Chan Hyun. "Anak, be good ah. And make friends!" masaya ko sabi. Napakamot naman sa ulo niya si Chan pero tumango at lumapit para halikan ako sa pisngi. 



Pinanood ko lang silang lumabas hanggang sa kalabitin ako ni Chanyeol. "Babe, what do you think? Ayos na ba lahat ng yan?" sabay turo sa sobrang daming gamit. 

Cinde-BAEK-la 2: The Married LifeWhere stories live. Discover now