Married 12

9.3K 341 58
                                    






* * * * *




After 8 months...



~Park Baekhyun~




Mabilis ba ang panahon? Oo. Mabilis nga at hirap na hirap na ako sa pagbubuntis na to. Pero isang month nalang baby... Isang buwan nalang, makikita ka na namin.



Hindi na masyadong pumapasok si Chanyeol sa trabaho kasi mas sinasamahan na niya kami sa bahay. Kahit pa madalas na ang KaiSoo at HunHan doon, ayaw niya paring pumasok.



At isa pang nangyari sa 8 months na yan. Nawala si Michaela isang araw. Basta hindi na siya pumasok. Pina-hold niya ang shares niya sa kumpanya.



Hindi ko alam kung nasaan na siya ngayon. Ang tagal na ding wala kaming narinig galing sakanya.



"Higa na dito, Baek." tawag ni Luhan habang inaayos ang gagamitin niya sa ultrasound.



Napa-pout ako at tumingin kay Chanyeol. "Channie~ Ayoko na talagang magpa-ultrasound." sabi ko habang naiiyak.



Pinunasan ni Chanyeol yung mukha ko gamit yung daliri niya. "Hush, baby. Kailangan nating malaman ngayon. Part ito ng check up mo eh." explain niya at hinaplos yung mukha ko.



Tumango nalang ako habang naiiyak parin. Ayoko talagang malaman yung gender ng anak namin. Gusto ko kasi... SURPRISE!!! Eh kasi naman eh. 



Humiga nalang ako dun sa tinuturong higaan ni Luhan. Saka naman niya sinimulan yung mga orasyon tuwing ultrasound.



"There!" sigaw ni Luhan sabay turo sa monitor. "Can you see the baby?" nakangiting tanong niya sa amin.



Napa-irap ako. "Malamang Luhan! Andiyan nga sa monitor diba? Niloloko mo ba ako? Sinasabi mo bang bulag na ako o malabo ang mata? Ha?"



Nanlaki naman ang mga mata ni Luhan na tumingin sakin. Naiiyak nanaman ako kaya pinikit ko nalang yung mata ko.

Cinde-BAEK-la 2: The Married LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon