“ Wala akong kilalang Cheng.” Teka. Wala nga ba? Parang wala naman. Wala akong matandaang kakilala na Cheng ang apelyido. “Anong haponesa? Get your grammar correct, kuya. Lalaki kaya ako kaya wag mo akong tawaging haponesa. Basic.”

“Anong lalaki. Eh ikaw tong nasa picture o. Pinaglololoko mo pa ako ah. Makakatikim ka sa’kin makikita mo,” inis n’yang sabi. “Akala mo mauuto mo ako ah.” Wheeh? Nauto ka na nga ng mukha ko.

Pahamak talaga tong pagmumukha ko. Nakisama pa ang boses kong hindi pa inaabutan ng puberty kaya hindi pa nagde-deepen. Come at me, puberty! Ngayon na!

“Ayaw pang maniwala eh. Touch my chest,” utos ko sa kanya sabay forward ng chest ko para mapatunayan kong lalaki talaga ako.

“Ano daw?” tanong ng may manipis na boses. Hindi naintindihan ang English ko. “Anong tat’s may tsist?”

“Gad. Hawakan n’yo dibdib ko at nang mapatunayan kong lalaki ako. Tingnan natin if may makapa kayo.” Kainis. Simpleng English lang, hindi pa maintindihan.

“Ano boss?” tanong ng may isang mala-kalabaw na boses sa may kanan ko.

“Ako na ang hahawak,” said the one with the typical voice. S’ya pala ang leader ng mga bopols na to.

Ilang sandali pa eh may naramdaman akong may kumakapana sa dibdib ko. Bakit ganun? Pakiramdam ko nababastos ako, eh lalaki naman kami pareho. Parang something na masama kasi sa hawak n’ya tsaka nakakadiri sila. Kung may choice lang ako, ayokong magpahawak sa mga kumag na ito. Ako na ang maarte. Walang kokontra.

“Tang ina! Lalaki ka talaga!” bulalas ng disgusting creature na humawak sa dibdib ko.

“Dah. Yun nga ang sinabi ko,” I taunted, implying na nabobobohan ako sa kanila.

Walang anu-ano’y naramdaman ko nalang na may sumira sa damit ko, exposing my undershirt.

“Hoy! Rape yan! Get your hands off me you filthy trash!” agad kong react, trying to move away from him.

“Wag mo nga akong ma-english-english tangna kang bakla ka!” bulyaw ng tinatawag nilang boss sa akin.

Although, I was slightly shaken by the intensity of his voice, I was able to keep my composure.

“I’m not gay, you pig!”

“Anong gagawin natin dito, boss? Nagkamali tayo,” tanong ng carabao-voiced guy.

“Todasin na natin to,” suggest ng isa sa gawing kaliwa ko.

Todasin? No way! I need to think of a strategy para ma convince sila na palayain ako. “Wait.

Sandali. Hindi ba mas mabuting pakawalan n’yo nalang ako?” I butted in. “Kasi kung papatayin n’yo ako, hassle sa inyo yun. Madadagdagan pa ang mga kasalanan n’yo.”

“Pakawalan? Asa ka pa,” said the thin-voiced man.

I sighed and calmed myself in order to explain convincingly. “Okay, dumdums, listen. If papatayin n’yo ako, siguradong hindi kayo makakatakas since sigurado ako na nakita ng kaibigan ko kanina ang plate number ng sasakyan na to at siguradong ayaw n’yong mangyari yun.” I made a confident smile before continuing my explanation. “At ayaw n’yo ring tawagan ng kaibigan ko ang tatay n’ya.”

“Bakit, ano pala ang tatay n’ya?” tanong ni kidnapper-with-a-normal voice.

“General ng Armed Forces of the Philippines.” Kinumpleto ko pa talaga ang meaning ng AFP para matakot talaga sila. Siguro naman alam nila kung ano ang Armed forces of the Philippines.

“General ng army,” I supplied. Maninigurado na akong maintindihan nila.

“Weh. Pinagloloko mo talaga kami no?” pang-e-epal ng kidnapper na may matinis na boses na kanina kontra ng kontra sa akin. Napipikon na ako sa boses daga na to ah.

The Fifth SonWhere stories live. Discover now