F3. The First Fool's Card

Start from the beginning
                                    

Napahalukipkip siya at hinarap si Yuna. "Your three minutes starts now."

May pagtutol na gumuhit sa mga ni Yuna ngunit hindi na rin isinatinig iyon. "What you saw in there... It's not what you think it is."

"And what do you think I think it is?" Aya asked mockingly.

"Look, Aya. Wala kaming relasyon kung iyon ang iniisip mo."

"Sure. Is this another Simon incident? Have I jumped into wrong conclusion for the second time?" May halong panunuya sa boses ni Aya sa tanong na iyon.

"Hindi sa gano'n— "

They were interrupted by a knock on the door.

"Aya..." It was her mother.

Napapikit sa pagkainis si Aya. Kahit kailan talaga ay ang hilig mangistorbo ng ina. Napailing siya at binuksan na ang pinto. "Ano po ba 'yon, 'Ma?" sinikap niyang huwag marinig sa boses ang nararamdamang inis.

"Aalis ako. Pupunta ako ng orphanage para dumalaw," paalam nito at tiningnan silang dalawa ni Yuna, "kayong dalawa... Kung ano man 'yang pinag-aawayan niyo ay ayusin ninyo, ha. At kung maaari ay huwag kayong magbabasag," istriktang bilin nito at tumalikod na.

Hindi alam ni Aya kung lalong maiinis  o matatawa sa ina.

Nang mawala ang mga yabag nito ay pabagsak niyang isinara ang pinto.

Nakita niyang may naglalarong munting ngiti sa bibig ni Yuna. Pinaningkitan niya ito at agad naman itong nagseryoso ulit.

Blame her mother for ruining the momentum.

"Your three minutes is running," babala ni Aya dito.

"It was really nothing, Aya," paninindigan pa rin ni Yuna.

"Nothing?" patuya niyang tanong at bigla na namang bumangon ang galit sa dibdib. "His hands are all over you, rubbing and feeling you up! Halos magkapalit na nga kayo ng mukha sa sobrang lapit sa isa't isa, tapos sasabihin mo it was nothing?" gigil na wika niya. Puno ng hinanakit ang boses.

"I'm telling the truth. Will you listen to me?" Yuna was getting upset too.

"Then what was that?!" galit na sigaw ni Aya. "Huwag mo nga akong inuuto-uto, Yuna."

"He's my childhood friend. We were just really close and he's like a family to me. We haven't seen each other for so long. We were just reminiscing the times we missed. That's just it," mabilis na paliwanag ni Yuna.

"Come on, Yuna. Huwag mo nga akong ginagawang tanga. Ang sabihin mo, flirt ka lang talaga! Because you seem to enjoy it very much when his hands are all over you, and both of your faces were so close to each other, laughing at something who knows what. I wasn't born yesterday!" she added the last statement in a high-pitched tone.

The redhead was taken aback by her outburst. Tila nahirapan na din itong mag-apuhap ng sasabihin. "Aya, please..."

"What? Wala ka nang masabi? Kasi sinungaling ka. I've been very close with some men too, but I know the reservation in between. That's not how you treat your friend!"

"Whether you believe it or not, it was really nothing," paninindigan pa rin ni Yuna.

Yuna may looked like she was telling the truth, but Aya was not having any of it. "Your three minutes is up. I'm sorry but you didn't manage to fool me this time."

"Aya, please— "

"— get out!"

Yuna still didn't move.

Aya's Confusion(Book 1)[Gxg] Where stories live. Discover now