Chapter Thirty Nine

4.2K 68 28
                                    

"The Hunt is On"

*************************

MIKA's POV

Grabe tong si bes, may stalker na't lahat lahat wala paring balak sabihin sakin. At grabe pa siya laki naman ng galit niya kay bes inaano ba siya nung tao? Eh sa apat na taong pag aaral ko dito sa La Salle wala pa akong nakitang nakaaway o nakagalit niya kaya nakakapagtaka lang din.

Pero on the other hand napakaswerte niya sa boyfriend niya, kaya nakakatuwa lang talagang tignan yung expression ni Thomas kagabi sobrang maalalahanin.

.

**Booogsh!!**

.

"Ay naku Des, sorry sorry di kita nakita" eto namang babaeng to oh ayan nagkalat ang nga gamit niya sa sahig "Naku ate Miks wala yun sorry nagmamadali kasi ako masyado, sorry po talaga" sabi niya habang pinupulot yung mga nagkalat na papel sa hagdan.

"Ang aga mo naman atang umalis ngayon Des?" tanong ko sakanya bigla naman siyang napaigting anong meron sa batang to? "A-ah eh may gagawin pa po kasi ako sa library kaya kailangan ko maging maaga s-sige po ha" sabi niya sabay labas ng pinto tsktsktsk masyadong dedicated sa pag-aaral. "T-teka huy naiwan mo to!" kakaapura niya naiwan niya fone niya si des talaga.

Oo nga pala ngayon na pala ang championship game ng DLSU vs NU naku sana makapag focus si Thomas at siyempre kasama nadun yung mahal kong si Je, siyempre support your own first before the others diba?

.

To: Je<3

Good luck babe sa game later! galingan mo ha love u!

-sent-

.

Hehe landi ko na ba? mas malala diyan si bespren siya ang perfection evolution ng Maria Calara ver. 2.0 from super mahinhin old fashion, man hater, walang magboyfriend eh yun pala choosy lang kailangan mga hawigan ni Bimby kaya pala di pinapansin yung mga gustong manligaw sakanya dati hehe.

"Bes ang aga aga para kang timang ngumingiti ka mag isa"

Napatigil ako sa aking pagda-daydream ng marinig ko ang boses ni bes pababa siya ng hagdan and as I expected simula nung nalaman ko kay Thomas kagabi ang pinagdadaanan ni bes di na ako magugulat na mukhang di nanaman nakatulog ng maayos to.

"Wow bes ganyan ba ako kaganda sa umaga para mamesmerize ka ng ganyan?"

Natatawang sabi ni bes na kinatawa ko din kasi kahit papano nakakapambully pa siya and its a sign na kaya pa niya pero alangan namang hintayin ko pa sa point na bibigay na diba? Suportahan ko na gang maaga pa.

"Oo bes, ang ganda mo" sabi ko na kinagulat naman niya "Ganda mo sapatusin! Ang aga aga lakas ng hangin dito sa sala lika ka na nga mag almusal na tayo!" oo nga pala kaming dalawa lang ang andito ngayon dahil termbreak yung iba samin umuwi saglit ng mga bahay nila eh 3days lang yun uuwi paba ako ng bulacan? wag na uy.

"Coffee?" tanong ko kay bes "Yes please" sabi niya sabay ngiti "Kamusta pala tulog mo bes? napasobra ata at mukha kang zombie hahaha" sabi ko para pagaanin yung mood kailangan ko na siyang kausapin tungkol dun at ng malaman na namin kung sino yung nagbabanta sakanya.

"Lalim ng iniisip baka naman di na makapaglaro si Thomas niyan" pabiro kong sabi habang nilalapag yung kape at pandesal na may palaman sa mesa, bigla naman siyang tumawa yung mapaklang tawa. "Grabe pag may iniisip siya agad? di ba pwedeng si mama muna?" sabi niya sabay higop sa kape niya tumango naman ako.

"Bes" panimula ko tumingin naman siya sakin "Pwede ba kitang tanungin?" sabi ko tumango naman siya habang hinihigop yung kape niya huminga naman ako ng malalim bago simulan tanungin.

i'll Learn to Love AgainWhere stories live. Discover now