Chapter Twenty Eight

7.4K 113 20
                                    

Chapter Twenty Eight:

" Rulebooks Biggest Secrets 1: My Childhood Hero"

------------

ARA's POV

Okay, maaga akong nagising ngayon kasi na-alala ko yung bilin ni motherF sakin na since ako na daw ang bagong kapitana, kelangan daw maging responsable ako. So heto ako ngayon nagreready ng breakfast namin kahit medyo 'di nakatulog ng maayos kagabi.

Maaga akong natapos sa pagluluto 15mins pa bago ko gisingin ang mga bullies at ang ibang LS kasalukuyan akong nagkakape ngayon at binabasa ang aking rulebook medyo matagal din kaming di nagkita.

"5 Signs that you're falling for his trap" muntik kong maibuga yung iniinom kong kape ng may biglang nagsalita sa likuran ko, si bes pala. "Oh ano bes? alam ko maganda ako kahit bagong gising pero wag naman ganun ka OA baka naman lumaki ulo ko niyan hihi." sabi neto sabay tapik sa balikat ko habang tumatawa.

"Whoa pag ganun ang reaksyon bes, maganda kana agad? di ba pwedeng nagulat ako at may nakita akong kap--" napatigil ako sa sasabihin ko ng bigla siyang sumimangot at nagtaas ng isang kilay. "Magandang Kapre.." nag pout naman siya after ko sabihin yun arte talaga forever.

"Hmmp! kung 'di lang kita bespren eh! pero hmm.." sabi neto habang hinihimas ang baba niya "Sige tatake ko yung magandang kapre pero next time isip ka ng mas maganda ha." sabi niya sabay ngiti ay naku mika aereen!

"Oh sure kelan kaba nag request ng hindi ko tinupad diba?" sagot ko sabay tiklop ng notebook na hawak ko baka mamaya-- "Hep hep!! at palagay mo san ka pupunta victonara?" sabay harang sakin aish eto na nga ba sinasabi ko eh.

"Malamang sa kwarto gigisingin na yung iba tsss tabi nga diyan." sabay hawi sakanya pero makulit talaga ang bespren ko promise hinawakan niya ang kamay ko para lang pigilan ako "Ano ba kasi yun bes? baka mamaya malate yung iba magising ako pa masabon ni coach." sabi ko sabay pout at nakita kong nilipat niya ang tingin niya sa hawak hawak kong notebook sabay ngumiti ng nakakaloko ay naku naman oo ang bespren ko ang aga aga may sapi nanaman.

"Oh bakit?" Sabi ko sabay yakap kay rulebook oo nga pala hindi ko pa alam kung sino nagtago neto baka nga isa sakanila naku talaga "Ano yan ha? ha? ha? yan ba yung rulebook mo? bakit may mga nakasulat diyang kung ano ano? naku victonara ha" sabi neto at biglang sumeryoso ang mukha.

"A-ah e-eh.. kasi.. uhmmm" ayan napapakamot ako sa ulo sa tanong niya kasi dahil nadin dun sa bet bet-an namin nung nagbeach kami "Oh ano 'di ka makasagot? tsk tsk tsk" sabi naman neto sabay pamewang at nag-iling ng ulo aba babaeng to! kung di ko lang bespren eh hehehe.

"Tss bahala ka nga jan bes aak--Hooy!!" hala nakuha niya yung notebook ko! waaa!! "Haha victonara nakuha ko din yung rule book mo." sabi neto habang nagpapaikot ikot kami ngayon dito sa kusina naka-angat naman sa ere yung notebook ko huhuhu.

Ayun nagpaikot-ikot kami dito hanggang sa sala ayaw parin tumigil ng babaeng to huhu naku naman talaga kasi..

"Hoy Aereen ibalik mo na yan please!!" sigaw ko habang hinahabol siya laki laking tao ang liksi nakakainis. "Habulin mo muna ako Galang! hahaha" sabi neto sabay belat naku naman =__=.

"HOY KAYONG DALAWA ANG AGA AGA ANG INGAY INGAY NIYO!" napatigil kami ni bes at lumingon sa nagsalita si kimmang pala naku eto na. "CATCH!" sabi ni bes sabay hagis nung notebook kay kim "Uy bakit mo ginawa yun!" sabi ko at pagkahagis ng notebook natanggal yung pinaka-strap naku eto na ang pinaka-kinakatakutan ko. Lord please.

*Tok!*

"Ay naknang kimmang naman eh kamay pansalo hindi noo!" sigaw ni bes sabay hagalpak ng tawa. "Uyy kim sorry talaga.." naglakad ako palapit kaso medyo sabog ata si kimbap parang walang naririnig parang may tinitignan siya sa sahig "...uyy kim sorry talaga" sabi ko.

i'll Learn to Love AgainWhere stories live. Discover now