Till Death Do us Part

Start from the beginning
                                    

Ayokong tumawa kasi hindi naman ako matutulungan nun.

Ayokong umiyak dahil mas palalalain lang nito yung nararamdaman ko.

Feeling ko guguho na yung puso ko, feeling ko gumuguho na yung buhay ko.

Kahit anong gawin ko, alam kong hindi matatapos tong nararamdaman ko. hindi matatapos tong nararamdaman ko sa puso ko, sa buhay ko at sayo.

Bakit nga ba hindi ako makawala sa sakit nato kahit alam ko namang tapos na?

 Kahit alam kong wala na?

Bakit kung sino pa yung taong nawala at nangiwan sakin yun pa ang taong pinakamamahal ko pa rin ngayon. Ang taong nangako sakin na hindi ako iiwan, wala na. Ang taong nagsabi saking sasamahan niya ko hanggang dulo, wala na. Yung taong nagsabi na sabay naming haharapin lahat, iniwan na ko..

May mga panahon na aakalain mong okay ka na, hindi ka na nasasaktan pero kahit anong takbo mo, kahit anong tago mo darating pa rin ang araw na babalik at babalik lahat ng alaala, 

lahat ng sakit, lahat ng tungkol sa nakaraan. At sa pagbalik nung alaalang yun, nung sakit na yun.. wala ka ng ibang magagawa kundi harapin ito. wala ka ng magagawa kundi ang madurog at ang masaktan.

Akala ng lahat madali.. ano nga ba naman ang apat na buwan diba?

Kung tutuusin isang buwan ko lang naman talaga sya napasaya. Kung tutuusin, lahat ng nangyari samin puro sakit. Hindi man lang kami nagkaroon ng pagkakataon na sumaya.

Pero sa loob ng apat na buwan na yun hindi lang naman sakit yung naramdaman ko. Naging masaya ko. Nakilala ko ang lalaking nagmahal sakin ng totoo. Lalaking alam kong hindi ako pinabayaan. Lalaking naging dahilan para maging masaya ko.

ang lalaking nagpaikot sa mundo ko.

Lalaking nagpatibok ng puso ko.

Till Death Do us PartWhere stories live. Discover now