Chapter 17

9.2K 170 1
                                    

"I'VE BEEN wanting to ask you you're not doing anything tomorrow night?"

Si Kimi na kadalasang poker-faced ay nanlaki ang mga mata sa walang abog na pag-anyayang lumabas ng guwapong si Dr. Khalil. Katatapos lang ng endorsement niya sa kasunod na nurse on duty. Pauwi na siya nang makasabay niya sa hospital corridor ang doktor. Kinilig siyang bigla.

Demure na ngumiti si Kimi. "Why, are you asking me to go out with you?"

Ngumiti ang doktor at lumitaw ang mapuputi at pantay-pantay na ngipin. "Yeah," sagot nito sa pinalambing na tono.

"Why me?"

"Why not? You're gorgeous, you're nice. I think we'll get along fine."

"Well..."

"Seven tomorrow night. I'll pick you up." Kinilig uli si Kimi ngunit hindi siya nagpahalata.

"You don't know where I have."

"I already know," anang doktor na makahulungang ngumiti bago kumaway kay Kimi at magtungo sa parking area.

"Narinig ko 'yon."

Gulat na napalingon siya. Si Ate Liza pala ang nagsalita, nanunukso ang pagkakangiti. "Kinilig nga ako, Ate."

"At lahat kami maiinggit kapag natuloy ang date n'yo."

"Kaya lang, naisip ko, wala kayang ibang dini-date dito ang doktor na 'yon? Baka bigla na lang may kumalbo sa akin sa labas."

"Sira. Dito, uso 'yong iba-iba ang date. At ayos lang sa lahat. May nagkuwento nga sa akin, nagko-compare pa nga raw minsan 'yong iba. Alam mo na, kung sinong magaling sa..." pilyang tawa na lang ang idinugtong nito.

"Ikaw talaga. Siyempre magiging wholesome date lang 'yong sa amin."

"Eh, gano'n naman kaya talaga ang nasa isip ni Doctor Khalil nang yayain ka? Hmm?"

Napapangiting nagpaalam na lang si Kimi. Hindi siya ignorante sa way of life ng mga Amerikano. Alam niya na uso roon ang dating na nauuwi sa casual sex. Pero alam din niya ang kanyang limitasyon. As of Dr. Kahlil, well... she will give him the benefit of the doubt. Hindi tamang humusga ng isang taong hindi pa niya totoong kilala.

Kinabukasan ng hapon, paglabas ni Kimi sa Christ Hospital ay nag-aabang na si Adam.

"Hi!" Maluwang ang ngiti nito nang lapitan siya. "Marami nang supplies sa apartment ko. Samahan mo naman akong magluto."

Nakadama ng munting pagsisisi si Kimi na pumayag siyang makipag-date mamaya kay Dr. Khalil. Pakiramdam niya mas masarap na tulungang magluto si Adam ng kanilang kakainin. "Sorry, may date ako ngayon, eh."

Kahit magaan ang paraan ng pagkakasabi ni Kimi ay biglang nabura ang ngiti ni Adam. "Date?"

"'Yong green-eyed na doktor sa amin na may lahing Turkish, niyaya akong lumabas mamaya."

Nalungkot si Adam. "Paano na 'yong ingredients ng lulutuin na binili ko sa supermarket?"

"Eh, di ilagay mo na lang sa freezer 'yong kalahati kapag naluto mo na. Makakain mo pa rin 'yon sa ibang araw."

Sumabay ito sa paglalakad ni Kimi. "Pero mag-isa ko lang gagawin lahat. Gusto ko sana nandoon ka habang niluluto ko. Na kasabay kitang kainin 'yon kapag naluto na."

Parang naawa tuloy si Kimi kay Adam. Ngayon, hindi na siya ganoon kasaya na makasama si Dr. Khalil. "Marami pa namang araw."

"Gusto mo talaga ang doktor na 'yon?"

"Grabe, gusto agad? Crush ko lang siya. Hindi ko pa alam kung magugustuhan ko."

"Bakit sasama ka nang mag-date? Malay mo psycho pala 'yon. Baka mamaya kung ano'ng gawin sa 'yo?"

"Negative kaagad? Hindi ba puwedeng baka ako lang pala ang hinihintay niya kaya single pa rin siya hanggang ngayon?"

"Pshew! I'll bet, maraming dini-date ang doktor na 'yan. Baka gusto lang subukan kung makaka-score sa 'yo."

Hindi nagustuhan ni Kimi ang sinabi ni Adam bagaman posible. "Well, siguro nga."

Tinapunan siya nito ng nagmamaktol na tingin. Tahimik silang naglakad hanggang sa sumunod na bloke. Pero hindi rin nakatiis si Adam. "Promise me na hindi ka magpapa-score sa doktor na 'yon."

"Grabe ka. Kailangan talagang makialam ka sa kalalabasan ng date ko?"

Inakbayan siya nito. "Basta, Kimi, mag-promise ka sa akin."

Kumawala lang siya sa pagkakaakbay ni Adam. "Paano naman kung gusto kong magpa-score?"

Tumigil ito sa paglalakad at hinarap siya, pinigilan siya sa braso para huminto rin siya. "Magpapa-score ka nga?"

Bakit ba big deal sa lalaking ito kung may mangyari man sa kanila ni Dr. Khalil?

Si Kimi na rin ang sumagot sa sariling tanong. Magkaibigan sila. Nagmamalasakit lang si Adam. She should not read more into it. Hindi tamang isipin na nagseselos ito na may iba siyang date.

Ngumisi si Kimi kay Adam. "Hindi muna, siyempre. Siguro after... two dates?"

Binitiwan na siya nito at inunahan siyang maglakad.

"Adam, wait!"

Parang walang narinig si Adam. Nagtuloy-tuloy lang ito hanggang makaliko sa kalsadang patungo sa 2040 University Apartments. Pumara ito ng taxi nang hindi man lang nagpaalam sa kanya. Nagtampo ba si Adam?

Natuloy ang date nina Kimi at Dr. Khalil nang gabing iyon. Dinala siya nito sa Liberty House Restaurant, isa sa pinakamalalaking American restaurants ng lungsod.

Nagulat si Kimi dahil kumakain pala ng steak ang doktor. Ang akala niya ay Muslim ito.

Masasabi niya na naging enjoyable ang kanilang date ni Dr. Khali. Tinanong siya nito ng ilang personal na bagay. Nagboluntaryo din na magkuwento ang doktor ng ilang bagay tungkol dito.

Nababasa ni Kimi sa mga mata at kilos ng doktor na interesado ito sa kanya. Ngunit pagkatapos ng inisyal na kilig at katuwaan ay wala nang iba pang naramdaman si Kimi, sa kabila ng assessment niya na mabait si Dr. Khalil at maayos ang karakter.

Si Adam ang hinahanap-hanap niya sa gitna ng dinner date nila ng doktor.

Adam's Sassy Girl by Dawn IgloriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon