Chapter 9

9.5K 172 1
                                    

"AKALA ko pa naman, talagang nagpalit na kayo ng duty ni Ardy," nang-iinis na sabi ni Adam kay Kimi nang pumasok ang dalaga sa mansiyon dakong alas-onse ng umaga.

Hindi siya pinansin ni Kimi. Sa halip, tiningnan lang nito ang chart niya.

Pumihit si Kimi sa anggulo na nakatagilid kay Adam. Nang abutin nito ang ball pen ay bumuka ang puwang sa pagitan ng mga butones sa puting blouse na suot ng dalaga. Lumitaw ang umbok ng kanang dibdib nito na hindi buong naitago ng suot na bra.

Napalunok si Adam. Hindi sinasadyang napako roon ang kanyang mga mata. Perfect cup B ang bra size ni Kimi sa kanyang palagay. Bago pa kung saan dumako ang isip niya ay nagbaling na siya ng tingin.

Sa tingin niya ay parang problemado si Kimi. Malamang na may kinalaman doon ang dahilan kung bakit nakiusap itong mag-overtime si Ardy. "Ano ba'ng nangyari sa 'yo?" tanong ni Adam. "May problema ba?"

Pasulimpat na tiningnan siya ni Kimi. "Ipinagdasal mo bang magkaroon ng kamalasan sa buhay ko?"

"Do you think I'd wish for something bad to happen to you? Ang sama mo talaga. Palibhasa, ugali mong inisin ako kaya ka siguro nagdududa."

Hindi na sumagot si Kimi. Na nakakapanibago considering na dati ay walang pinalalampas itong komento na hindi nasasagot. Tahimik na ibinaba ni Kimi ang chart bago siya kuhanan ng temperature, blood pressure at heart rate. "Thirty-seven point three," sabi ni Kimi nang basahin ang thermometer. "May kaunting lagnat ka. Hindi ba masama ang pakiramdam mo?"

Nag-iwas ng tingin si Adam. Ganoon na ba siya kabilis maapektuhan ng isang tanawin na aksidente lang na nakita at hindi naman malaswa sa palagay niya? "O-okay lang ako."

"Sure ka? Hindi sumasakit ang mga binti mo at 'yang braso mong nakasemento?"

"Hindi. Pero kung pipisilin mo siyempre sasakit."

Muli, wala na namang ganti roon si Kimi. Naiintriga na si Adam, kaya muling tinanong niya ito nang hindi na siya makatiis. "Sa palagay ko may problema ka nga. Hindi mo ako inaasar at hindi ako sanay na tahimik ka. May nangyari ba sa inyo? Tell me. Baka makatulong ako."

Napaharap si Kimi at tiningnan siya na parang nagdududa sa intensiyon niya ng pagtatanong.

"Ano nga?"

Umiling ito. "Hindi mo rin maiintindihan kahit sabihin ko sa 'yo."

"Try me."

"Chekup mo sa orthopedist sa Tuesday," sabi ni Kimi sa halip na sagutin si Adam. "Let's hope na maganda ang healing ng mga binti mo para masimulan na ang therapy."

"Bakit ba ayaw mong sabihin sa akin ang problema mo? Por que ba nakakulong pa ako rito sa wheelchair wala na akong puwedeng itulong sa 'yo?"

"Look, Adam, hindi sa ina-underestimate ko ang kakayahan mo sa pagtulong. In fact, nagpapasalamat ako na concerned ka sa akin para mag-alok ng tulong. Pero isipin mo, ikaw nga halos mabaliw sa napakalaking problemang nadiskubre mo, dadagdag pa ba naman ako? Ang isipin mo na lang ay kung paano matatanggal sa sistema mo si Majoyce. Kasi 'yon ang tama. Dahil kahit saang anggulo mo tingnan, malabo nang magkaroon ng kayo."

Parang sinampal si Adam sa katotohanang ipinamukha sa kanya ni Kimi. Umakyat yata lahat ng dugo niya sa kanyang ulo. Pero wala siyang naiganti sa sinabi ni Kimi.

Masakit, oo, pero iyon ang totoo.

Adam's Sassy Girl by Dawn IgloriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon