Chapter 6

10.6K 179 0
                                    

"DALAWANG kutsara lang na pagkain ang lunch mo?" sita ni Kimi kay Adam ng tanungin siya nito kung bakit maraming natirang pagkain sa platong isinilbi ng dalaga bago siya iwan sa kuwarto kanina. Ngayong bumalik na ang nurse niya at makita ang pagkaing hindi niya halos nagalaw ay mukhang maghahamon na naman ito ng argumento.

"Sa walang gana ang tao, eh," maangas din na sagot ni Adam. "Bakit mo ba ako pipiliting kumain?"

"Dahil po iinom ka ng mga gamot. Kung hindi ka kakain nang sapat, mahal na prinsipe, malamang magrereklamo ka mamaya na masakit ang sikmura mo. 'Pag nangyari 'yon, siguradong madadagdagan ang gamot na iinumim mo, plus the fact na dagdag na discomfort na naman sa 'yo sa marami mo nang iniindang discomfort. Hindi mo ba naiisip, ikaw rin ang nagpapahirap sa sarili mo? Sinisira mo pa ang magandang mood ko kanina. And besides, ayoko talaga ng pasyenteng pasaway. Klaro, hmm?" taas-kilay na pagdiriin ni Kimi.

Nagsalubong ang mga kilay ni Adam. "Nakakaasar ka na, ah. And why are you treating me like that?"

"You're such a difficult patient, that's why. Umasta ka ng ganyan kapag hindi na ako ang nurse mo at kapag gumaling na lahat ng injuries mo. When that time comes, wala na akong pakialam kahit gumaya ka pa sa Ramadan ng mga Muslim o kahit mag-fasting ka nang isang buong taon. Pero habang ako ang nurse mo at obligasyon kong ipainom sa 'yo ang mga gamot mo, susundin mo ang mga sinasabi ko."

"You know what? Daig mo pa si Hitler sa sobrang estrikto mo."

"Oh, well, thank you for the compliment, Prince Adam. For now, bakit hindi mo muna ubusin ang pagkain mo para makainom ka na ng gamot?"

"Hindi ka ba makaintindi? Ayoko nang kumain! Ilabas mo na lang 'yan!"

"O sige, ganito na lang. Tutal tinapos mo na ang lunch, paiinumin na kita ng gamot. At pagkatapos, paliliguan na kita ng malamig na tubig."

"Ano?!"

"You heard me. Kapag hindi mo inubos ang pagkain sa plato mo in five minutes, paliliguan kita ng malamig na tubig. Tingnan ko lang kung hindi umurong ang lahat ng puwedeng umurong sa 'yo." Pagkasabi niyon ay ibinalandra ni Kimi sa harap ni Adam ang adjustable stand na kinapapatungan ng tray at plato ng pagkain niyang hindi halos nagalaw.

Hindi makapaniwalang tiningnan ni Adam si Kimi. Kung umasta ang nurse niya ay parang ito ang amo. Parang ayaw talaga siyang alagaan nito at napipilitan lang kaya nagpapatuloy na maging nurse niya.

Walang anumang dinampot ni Kimi ang paperback na nasa bedside table ng kama ni Adam. May pinindot ito sa suot na red sporty wristwatch bago maupo sa silyang katabi ng kama at sinimulang basahin ang paperback.

Sandaling tumunganga muna si Adam sa pagkaing nasa harap. Kung hindi niya uubusin iyon ay tiyak na hindi siya makakaligtas sa malamig na tubig na paligo. Kaya siguro hindi muna siya pinaliguan kanina ni Kimi. Iyon ang ipamba-blackmail sa kanya ng salbaheng nurse niya.

Nanaig ang takot ni Adam sa malamig na tubig kaya pinilit niyang ubusin ang pagkain kahit wala siyang gana.

Hustong naisubo niya ang huling pagkain sa plato nang biglang tumunog ang relo ni Kimi. Ginamitan pa talaga nito ng alarm ang five minutes!

Ibinaba ni Kimi ang binabasang nobela, lumapit sa kanya at kinuha ang tray ng pinagkainan niya. "Very good, Prince Adam," nakangising sabi ni Kimi na tinapik pa siya sa balikat. "Iiwan muna kita. After an hour, babalikan kita para paliguan. At dahil mabait kang pasyente ngayon, may reward ako sa 'yo." Dumukot ito sa bulsa at inilagay sa ibabaw ng adjustable table ang dalawang gummy candy bago lumabas ng silid.

Napapailing na nagbuga na lang si Adam ng hangin. Mabuti na lang at paborito niya ang gummy candy.

Nang wala na si Kimi ay lalong nalungkot si Adam. Mas gusto niya ang pakiramdam na naiinis kay Kimi, na naroon ito at nakikipagtalo sa kanya, kaysa sa pakiramdam na parang nasambot na niya ang lahat ng kamalasan sa mundo.

Wasak na wasak ang puso ni Adam nang matuklasan niya na asawa na pala ng daddy niya ang babaeng pinagbalakang pakasalan noon. Parang sasabog ang utak niya tuwing naaalala niya kung paanong hinalikan ni Majoyce ang daddy niya. Parang haplit ng mabigat na latigo sa kaluluwa niya ang matatamis na palitan ng mga salita na narinig niya sa dalawa.

Hindi lang pala basta nag-iibigan ang kanyang ama at si Majoyce. Malalim na ang pagmamahalan ng mga ito. Paano niya lalabanan iyon? Paano niya pa maaagaw ang pagmamahal ni Majoyce sa daddy niya?

Adam's Sassy Girl by Dawn IgloriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon