Chapter 5

227 9 4
                                    

Mahihinang katok  Tawag ang gumising sa  na alimpungatang si Mariebella tinignan niya ang orasan 8 na ng umaga  nanlaki ang kanyang mga matang tumakbo sa pintuan  ng banyo at mabilis na nag hilamos at  saka pinagbuksan ang kumakatok.

Si kyle na tahimik lamang nag hihintay na pag buksan ni Mariebella na uunawaan niya ang dalaga marahil ay napagod ito ng ng sobra  sa byahe kong kayat  tinanghali ito ng gising.

Nagtataka si  Mariebella ibang kyle ang kanyang nabongaran hindi ang lalaking nakasimangot o naka kunot noo kong hindi ang tahimik at walang expression mukha lamang ng binata.

Ahhh.... Sir kyle Im sorry tinanghali po ako ng gising hindi ko kasi narinig na tumunog ang alarm clock ng aking cellphone.

It's okey  don't Worry , Doon na lamang ako sa opisina mag aalmusal ang  wika ng binata.
Ginising lamang kita baka sakaling may ipapabili ka pag balik ko dito mamaya paki sulat na lamang sa papel  maliligo lamang ako. Saka  humakbang ang binata pabalik sa kwarto nito  ngunit nakailang hakbang pa lamang ito ng marinig niya ang pag tawag ni mariebella sa kanya.



Sir kyle... Ang mahina at alanganing tawag ni mariebella sa binatang tumalikod na sa dalaga.

Yes.. ?

Ang lumingon na tanong ni kyle sa dalaga.

Maari po ba akong sumama?
Gusto ko kasing makita ang itsura ng manila sabi kasi ng mga kasamahan ko sa rancho ay maganda daw po rito.

Nag tatakang napatango  na lamang ang binata sa dalaga  bagamat may mga tanong siya dito ngunit mas pinili na lamang ng binata na wag na mag usisa pa.


Ahhhh sige  kong gusto mong sumama  maligo kana rin saka may mga maayos na damit diyan sa kwarto mo maaari  kang pumili kong alin ang kasya sayo na maisusuot mo  alam kong iilan lamang ang damit na dala mo ang sagot ng seryosong binata saka  tumalikod at naglakad pabalik na sa kwarto para makapaligo na ito.



Ng makaligo ay pumili ang dalaga sa mga damit na nasa kwartong iyon  na tingin niya ay mga bago at hindi pa nagagamit isang bistidang kulay rosas ang kanyang napili may sinturon ito sa baywang  kasyang kasya sa kanya ang damit na iyon maaaring  kasing katawan niya ang nag mamayari ng mga gamit na iyon maging ang puting sandalyas ay kasyang kasya sa kanyang mga paa isinoot niya iyon sa kanyang taas na 5'7 ay lalong  nadagdagan iyon  dahil sa takong ng kanyang napiling suotin.

May nakita din siyang pulbos at lipstick at iba pang mga gamit pambabae  sa tokador   na  tingin din niya ay hindi pa na gagamit o ma aaring sadyang naroon lamang ang mga iyon para magamit ng kong sino mang uukupa ng kwartong iyon nag lagay ng konti ang dalaga  na para bang alam na alam ng kanyang mga kamay kong paano gamitin ang mga iyon na walang kahirap hirap.

Ng matapus ang dalaga ay nag mamadali siyang lumabas ng kwarto bitbit ang isang maliit na bag na binigay sa kanya  ng ina ni kyle.

Si kyle na naiinip ng mga sandaling iyon ay gulat na napatingala sa hagdan hindi maalis ang kanyang pagkakatingin sa dalagang pababa ng hagdan hinawi ng dalaga ang nalaglag na buhok sa kanyang mukha  saka bumaling sa direksyon ng  binatang nag hihintay sa kanya ngumiti  ng nahihiyang  dalaga sa kanyang amo  alam niyang pinaghintay niya ito base sa kanyang nakikita ay naiinip na ito sa paghihintay ngunit hindi lamang nito ipinakita sa kanya.


Kasya at Bagay pala sayo ang  mga damit  na iyan.
Ang walang expressyong wika ng binata sa dalaga  saka ito nag lakad pa labas ng bahay sumunod na lamang ang dalaga sa binata ng marating ni kyle ang kanyang sasakyan ay agad niyang  pinagana ang sasakyan at hinintay na  pumasok ang dalaga hindi niya alam kong ano ang ng yayari sa kanya sa tuwing nakikita niya ang maamong mukha ni Mariebella nitong mga araw na nag daan ay para bang nawawala ang bangis at harang na sadyang inilagay niya para sa mga babaing nais mapalapit sa kanya.

My Billionaire's MaidWhere stories live. Discover now