Chapter 1

279 10 3
                                    

Tatlong buwan ng sumabog ang eroplanong sinakyan ni Arianne ngunit hindi parin matangap ng kanyang mga magulang ang pag kawala ng dalaga nawalan ng sigla ang tahanan ng mga Ventura maging ang dalawang kapatid ni Arianne na sina Ariel at Aldrine ay hindi parin makapaniwala sa pagkawala ng kanilang pinaka mamahal na bunsong kapatid.

Ang mga magulang Arianne ay hindi naniniwalang patay na ang kanilang anak.
Araw araw na nagbabaka sakali ang kanilang magulang na sana ay himalang nakaligtas ang kanilang anak ngunit walang silang palatandaan kong buhay pa nga ito isang pag asa o himala na lamang ang kanilang inaasahan na buhay pa nga si Arianne.

Ang dalawang kapatid ni Arianne bagamat nalulungkot ay tinangap na nilang wala na ang kanilang bunso ayaw nilang umasa lalo't isang lalaki lamang ang nabalitaan nilang nabuhay sa pagsabog ng eroplanong sinasakyan ng kanilang kapatid at sa pagkakaalam nila ay gumamit pa ang lalaki ng parasuit para mailigtas lamang ang sarili nito sa pagsabog.

Sir ....
Hindi paren po lumalabas si Ma'am ng kwarto para kumain ang wika ng katulong kay Aldrine.

Napailing na lamang si Aldrine sa sinabi ng katulong .

Sige manang pahanda na lamang ng pagkain ni Mommy ako na magdadala ng pagkain niya.

Sige po Sir..

Ang wika ng katulong saka ito tumalikod.

Ilang sandali pa ay dala na ni Aldrine ang pagkain ng kanilang ina mula ng mawala ang kanilang bunso ay naging malungkutin na ito hindi na ito sumasalo sa kanilang mag aama sa hapag na dati naman ay maaga itong bumababa upang asikasuhin kong may kolang ba sa pagkaing inihanda para sa kanila ng kanilang kusinira ngunit ngayon ay ibang iba na ito parang nawalan ng kulay ang mundo ng kanilang ina ng mawala si Arianne.

Malungkot si Aldrine na nag lakad patungo sa kwarto ng kanilang ina Hindi niya alam kong paano at ano Ang gagawin para manumbalik Ang dating sila ng kabilang ina.

Kumatok si Aldrine sa pintuan ng kwarto ng kanilang ina narinig niya ang mahina at waring inaantok pang boses nito .

Sino yan?

Mom si Aldrine po ito pwede ba akong pumasok?

Sige Anak pumasok kana lang.

Pinihit niya ang pintuan para mabuksan ito saka siya dahan dahang naglakad papasok.

Mom, hindi ka pa daw nag aalmusal kong kaya't dinalahan kita ng almusal mo.

Ipatong mo na lang diyan anak.
Mamaya ko na kakainin Hindi pa ako nagugutom.

Mommy Please... Kahapon ka pa hindi kumakain  kailangan mong maging malakas.

Tangapin na lang natin ang kalooban ng diyos kong bakit ng yari ito sa pamilya natin.

Ang wika ni ALdrine sa mababang boses.

Humagulhol Si Donya mercedes sa harapan ng kanyang anak na si Aldrine na aawang  niyakap naman ito ng binata.

Mommy hayaan na naten at tangapin para Kong nasaan man   si Arianne so Arianne ngayon ay matahimik na siya... please... wag na natin siyang guluhin, tangapin na natin ang katotohanang wala na siya ang malungkot na wika ng binata sa kanyang ina.

Hindi Aldrine hindi ko matatangap yan buhay si Arianne nararamdaman ko!!!!  buhay ang ang kapatid ninyo buhay si Arianne ang humihikbing wika ni Donya Mercedes habang luha  nito ay nag uunahang pumatak.
na aawang pinunasan ng binata ang luha ng kanyang ina.

Tahan na Mommy...

Kumain kana alagaan mo ang sarili mo kong nan dito lang si Arianne hindi siya matutuwa sa kalagayan mong yan.

My Billionaire's MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon