Chapter 2

272 13 7
                                    

Araw araw ay gawain na ng binatang Adriano na maglibot sa kanilang rancho sakay ng kanyang paboritong kabayo na si Silveryo matikas at mabilis ang kabayong ito na regalo pa sa kanya ng yumaong ama .

Malayo pa lamang ay tanaw ni Kyle ang kanilang mga tao na abala sa mga kanya kanyang trabaho.
Ng marating niya ang kinaroroonan ng maga ito ay bumaba siya sa kabayo at nag lakad palapit sa mga ito.

Mang Leo kumusta anong balita dito?

Ah!!!
Sir Kyle kayo po pala mabuti naman po rito .

Tapus na pong anihin lahat ng mangga at iba pang prutas at gulay ngunit wala pa po yong track na mag dadala sa factory baka po kong mamaya pa dumating ay abutin ng sikat ng araw ang mga prutas at gulay ay malanta .


Kumunot ang noo ni kyle sa balita sa kanya ni mang Leo bakit wala parin ang track na kukuha ng mga ito gayong dati rati naman ay maaga ang mga ito kong dumating.

Sir kyle magandang umaga  po.
Napalingon si kyle sa lalaking papalapit sa kanila si Mang Mario ito ang ama ng driver ng isang track na nag dadala sa factory ng mga inaning producto mula sa hacienda at rancho.

Mang Mario anong balita kay Jano bakit wala parin sila ngayon?

Ah sir yong track na hawak ni Jano ay nasiraan daw po sa daan ang wika nitong kumakamot sa braso At yong kay Benjie at Marcus naman po ay papunta na daw po rito habang inaayos pa yong track na hawak ni Jano ay kay benjie na lamang daw muna ang gagamitin para maagang matapos madala sa factory ang mga inaning producto para hindi maabotan ng init ng araw sa daan.

Ah sige ho ganoon na lamang ang mabuti nating gawin.

Kumusta naman ho yong hawak ninyong manokan at baboyan  sa kabilang hacienda okey ba naman ang lagay ng mga baboy at manok doon?

Ay oo Sir Kyle malapit na po tayong mag harvest ng mga iyon mga dalawang lingo na lamang ay pwede na  pong anihin yong mga manok at isang buwan naman sa mga baboy.

Ahhh....Ganoon  ba mabuti naman po kong ganoon magkakaroon tayo ng kaunting handaan kapag nag harvest na tayo ng mga iyon para naman makapag pa salamat sa inyong mga tulong ang seryosong wika ni kyle sa mga ito.

Naku  sir tungkulin po naming alagaan ang mga iyon parasaan at pinasasahoran ninyo kame at pinapatira sa mga lupang pag-aari ng inyong pamilya ng libre .

Ah ganun po ba kung ganoon maraming Salamat po Sainyo Mang Mario.

Ah sir...

Ang wika ni Mang Mario na parang may naiis pa itong sabihin kay kyle ngunit mukhang nahihiya ito.

Sir Kyle may sasabihin po sana ako sa inyo ang na pipilitan  ngunit nag lakas loob na lamang alang alang sa anak nito.


Ano po ba iyon Mang Mario ang tanong ni kyle na nakatingin sa iba pang tao ng Racho saka nito ibinaling sa kay Mang Mario na nakakunot ang noo hindi siya sanay kay Mang mario na wari niya ay may naiis pa itong sabihin ngunit nahihiya lamang ito.




Si Mang Mario ang isa sa kanyang inaasahan sa pag aalaga ng mga hayop at iba .
Ang ibang anak nito ay nagsipag asawa na rin tanging dalawang anak na lamang ang natitira sa mag asawa na wala pang sariling pamilya.




Matagal na itong naninirahan sa kanilang lupain kong kaya't napag pasyahan ng kanyang mga mga magulang noon na ibigay sa mga ito ang lupaing kinatitirikan ng mga bahay ng mga tauhan nila kasama na doon ang pamilya ni Mang Mario.



Malawak ang rancho ng kanyang nasirang ama na pinamamahalaan ni Kyle.
sa kabila naman ay hacienda na pag aari ng kanyang ina kong kaya't ng maging mag asawa ang mga ito ay lalong lumawak ang lupain ng mga itong pinag isa .



My Billionaire's MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon