Puntavega to e, kapag may gustong babae, madali niya lang makukuha. Yun ang nadinig ko kay Xantha. Sabagay, hindi naman din imposible dahil na rin sa mga itsura nila. May mumunting kurot sa aking dibdib sa naisip ngunit isinawalang bahala ko lamang iyon.


Kinalma ko muna nag naghuhuramentado kong puso.

Kalma ka lang Chaese, si Keso lang yan.


"Bakit ka ba kase nagpunta? Araw araw na lang pinapahamak mo ko," nakabusangot kong turan.

Kakatapos ko lang magbihis kanina at pababa na ng hagdan para sana magpaalam kay Papa at Tita Monica na wala daw mga pasok ngayon pero kamuntik na kong kumaripas ng takbo pabalik sa kwarto ko sa aking nadatnan.

Si Chaese at Aedree ay parehong nasa sala habang kausap ang aking ama. Si Ate Dee naman ay nakahalukipkip ang mga kamay na tila inip na inip na.

Wala naman sanang problema dahil alam kong kilala ng aming pamilya ang mga Puntavega at kababata sila ni Ate pero ng magtama ang tingin ko at ng aking ama, alam ko na agad na may ginawa na namang kalokohan itong si Chase.

At hindi nga ako nagkamali.

Kulang na lang ay lumubog ako sa kinatatayuan ko ng sabihin ng aking ama kay Chase na siguraduhin na hindi ako mabubuntis hanggang hindi ako nakakagraduate.

Ang plano kong sumabat ay hindi ko na nagawa dahil tumayo na si ate at nagpaalam.

At malakas din ang kutob ko na nagkausap na din sila Tita Monica at ang aking ina.

Napairap na naman ako kay Chase.

"Pahamak..." bulong ko. Ngumiti siya ng nakakaloko at nagkibit balikat.

"You have to give me your schedule coz I'm going to have to pick you up and give you a ride home everyday..."

Napalingon ako ulit sa gawi niya dahil sa kanyang tinuran. Kaming dalawa lang ang magkasama sa kotse dahil may sariling sasakyan si Aedree. Ganun naman lagi, dahil ayaw ni ate na magdrive, pumayag si papa na hindi maghire ng driver basta hatid sundo si ate ng kung sino sa magpipinsan. Nakakagulat nga at wala man lang nagrereklamo sa kanila. O baka meron pero si ate kase ang galing mambatok. Pareho sila ni Mattee.


"Tigilan mo ako Chase. Kung saan saan kayo tumatambay, may iba din akong mga lakad," ungit ko sa kanya.

Ganito kami araw araw, panay pag ayaw na lang ang sinasagot ko sa kanya pero minsan nakokorner pa din ako ng mga loko.

Ilang linggo ko na silang nakakasalamuha. Minsan, dinadayo nila ko sa cafe kapag naiisip long dumirecho doon.

Ang buhay kong dati ay matiwasay ay naging permanenteng magulo na. Pero hanggat maaari ay iniiwasan ko ng makita kasama ni Chase sa eskuwelahan. Nakakatakot din kase ang mga nadidinig ko kay Xantha.

Madami din pala talaga ang nababaliw sa magpipinsan. Kahit si Chase na kailan lang nagpakita ay madami ding sumusunod sunod. Buti na lang din talaga at alam din ng mga tao sa school na dumistansya ng bahagya dahil nga kay Lexo.


Isa pa, si Ice at Julio, sobrang sungit. Pero mga babaero naman daw. Si Ulap at Lexo lang daw ang hindi. E hindi din naman ako magtataka kase parang bata yung dalawa. Sila nga yung parang kambal.

"Chaese, sa tingin mo pwede ka panh gumala gala ng hindi ako kasama? "

Nanlaki ang aking mga mata ng matanaw na malapit na kami sa eskuwelahan. Hindi pwede! Baka matsismis akong lalo sa kanya kapag may nakakita sa akin na bumababa sa iisang sasakyan kasama niya.


CHASE (P.S#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon