Magkalapit lang kami ng mga bahay dahil na rin sa kagustuhan ni Gemma.

Binilhan pa ako ni Juno ng bahay dahil na naman sa kagustuhan ng kapatid ko.

Masyado itong spoiled sa asawa nitong mayaman na kung tutuusin ay dapat simple lang kami.

"Good Day Mrs. Smithfields!" Bati ko sa mid 50's na lola sa katabi kong bahay.

She's one of the best neighbor we could have. Super bait at feel na feel ko ang pagiging apo sa kanya kahit di naman kami mag kadugo.

She was visited by her children and grand children by week ends. Tanging kasama niya lang sa bahay ay ang kanyang pinay na Care Giver, housemaid at ang asawa nitong si Mr. Smithfields na dating guro sa Harvard University.

Kung ang babae ay super bait, super cool naman ng asawa nito.

"Good day sweetie... you look radiant dear. Have you dated anyone already?"

Napatawa ako sa tanong ni Mrs. Smithfields.

"No ma'am. I just had a great time with Jaguar."

Her eyes twinkle while clapping her wrinkled hands.

"Oh... that adorable young boy..."

"He truly is..."

Nagpaalam na ako kay Mrs. Smithfields at pumasok sa bahay ko.

I turned the lights on and immediately sat on my favorite couch, my warm cozy couch.

Nanatili akong nakaupo ng ilang minuto bago tumayo at tumuloy sa kusina.

Gumawa ako ng kape para mainitan ang nanlalamig kong kalamnan.

Habang abala ako sa pag p-prepare ay nakadinig ako ng lagabog sa taas.

Sa ikalawang palapag.

Ngali ngali akong pumanhik sa taas at hinanap kung saan nanggaling ang tunog.

Nakita ko ang kwarto kong may kaunting siwang at dahil sa kyuryusidad ay pumasok ako.

Dahan dahan akong lumapit sa kama ko.

Medyo nanindig ang mga balahibo ko sa katawan.

Ayoko sa lahat yung gantong eksena.

Kasi nai imagine ko na may bigla na lang manggugulat sa akin na poltergeist o baka si Freddie Kruger.

Napasighap ako nang may malanghap akong amoy.

Sininghot ko ito nang sininghot hanggang sa mapagtanto kong...
.
.
.
Ito ay pabangong panlalaki?!

Sa peripheral vision ko ay nakita ko ang paggalaw ng kung ano sa likod ng kurtinang tumatabing sa bintana.

Tangina.

Napamura ako ng malutong dahil inakala kong may nakatayong multo doon.

Pero nang lumabas ang taon tumatago sa kurtina ay mas labis pa sa pagkatakot sa multo ang aking naramdaman.
.
.
.
.
.
.
.
.
"T-Trevore?!"

Ngumisi siya at agad na hinuli ang aking braso nang akma akong tatakbo.

"Running away... again?" Nag igting ang kanyang panga kasabay nang pag hapit niya sa akin papalapit sa kanya.

I managed to break free because i couldn't take the intensity of his stares.

Sa dami ng emosyong nababanaag ko sa kanyang mga mata ay kulang na lang na lumuhod ako sa harapan niya at humingi ng tawad.

Obsession #2: The Mafia Lord's PropertyWhere stories live. Discover now