"Thanks. Your jam short is cute on you too. Anyway, sasama kaya ang kuya mo?" tanong niya. Sabay silang lumingon kay Zedrick na pilit pa ring kinukumbinsi ng tatlo.

"Naghatid kasi siya ng mga nasakang mais. Hindi ko lang sure kung busy si kuya. Nagpahatid lang kasi kami," sagot nito.

"Ayos na ba ang mga gamit niyo? O, Zedrick, kasama ka pala! Halina kung ayos na ang lahat." Ang kanilang Auntie Criselda na tinititigang maigi si Paige. "Ikaw ang anak ni Mayor Pakundo Amorsolo, hindi ba?"

Ngumiti si Paige bago tumango. Lumapit din ito sa Auntie nila para magmano.

Sa huli ay walang nagawa ang pag-iling ni Zedrick ng mismong Auntie nila ang nag-aya rito. Nagkahiwalay nga lang ng sasakyan dahil nag-insist si Paige na sa sasakyan ni Zedrick sasakay kasama siya at si Benny. Si Eury at Simon sa sasakyan nila kasama si Swanda at Kailli.

"Mas gusto kong dito tayo kaysa kasama si Simon." Basag ni Paige sa gitna ng kanilang tahimik na biyahe.

She was fascinated with the growing corn on the field. Dati kasi noong magpunta sila sa Rios De Rima ay masama ang loob niya. Sarado ang isip niya at hindi napansin ang ganda ng kapaligiran.

"Bakit naman?" tanong niya. She fished out her phone and took some photos and videos of the scenery.

"Ewan. Basta, ayoko ng hilatsa ng mukha niya."

Nakuha nito ang atensyon niya. Ang buong akala kasi niya ay siya lang. "Forget about him, let's take some photos." Itinaas niya ang kamay at kumuha sila ng selfie na dalawa. Nakita niya sa picture ang pagtagilid ng ulo ni Zedrick.

"Naalala mo ang itsura ni Swanda at Kailli. Patawa, e," her friend reminisced.

"They wanted here. And we all know their reason." Sagot niya nang ibaba ang cellphone at minasdan ang likuran ng driver nilang si Zedrick. Hindi siya magtataka kung bakit nahuhumaling ang dalawang dalagita rito. He may be cold and badass, but it didn't bother his natural charisma. Every girl will surely turn their heads at him. And she can't deny that Swanda and Kailli are both lovely ladies too.

"Ano nga palang balita kay Ken? Bakit hindi mo inaya sa Rios De Rima?" pag-iba ni Paige sa usapan.

Speaking. Sumulyap siya sa kanyang cellphone na naka-silent. Her supposed plan today is to invite Ken, but being surrounded by Zedrick for sure she will be ruin. Mahirap na, baka isumbong pa siya nito sa Auntie niya.

"Ken? 'Yung varsity?" Tanong ni Benny na sumulyap sa kanila sa likuran.

Nagkatinginan sila ni Zedrick sa rearview mirror pero siya ang naunang umiwas. Hindi niya puwedeng sabihin na boyfriend niya na ito. She will be sucked if she say that. "Well... he is matured and too serious. I don't like matured men. They are uptight, clingy and bossy," taas noo niyang sagot. Muling sinulyapan ang nagmamaneho na hindi manlang kumurap sa pagpaparinig niya.

"Weee, nililigawan ka ba?" Benny broke her.

Pinalo ito ni Paige sa balikat. "Hinatid niya kaya si Ulap. Nagkaka-text na rin sila. Mukha pa naman mabait at stick to one si Ken. Gusto ko siya para sa'yo, Ulap."

Ngumisi siya sa sinabi ni Paige.

Province ladies always thought like that when their first impression with a guy is generous and full of submission. They didn't know that men will be like that at the beginning of the process but later on, they will turn down. Maraming mukha ang isang lalaki kapag nangliligaw palang. That's why their slow culture is the effective processed, else they will be easy to fool.

Sa kaso niya, hindi naman niya sinagot si Ken para sa pagmamahal o seryosohang relasyon. She is just using him. Do they think she is a province girl? Duh!

The Scent Of Savage Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon