Twenty-Two

3.3K 216 52
                                    

A/N: Please use the hashtag #TheMansionFinalStruggle with your comments for a chance to win an Elise Estrella ebook of your choice from Admin Rixiene! Good luck and thank you sa pagbasa! 

--- 

"Fuck!" sigaw ni Aaron na hinahampas ng gilid ng mga kamao ang salamin.

Hinawakan ng mommy niya ang balikat niya at iniharap siya nito rito. "You know how to do it," she told him urgently. "Feel the power from within. Feel it flow through your veins and gather it in your gut. Then step out of your body."

Hindi niya alam kung paano. Hindi niya alam ang ginagawa niya. Ang alam lang niya kailangan niyang matutunan iyon ngayon na!

By sheer force of will, pinilit niyang paghiwalayin ang pisikal niyang katawan at ang astral body niya. Pabilis nang pabilis ang tibok ng puso niya at patindi ng patindi ang takot at frustration sa bawat segundong dumaraan na hindi niya magawa ang kailangang gawin.

Nang halos mamintig na ang buo niyang katawan, humakbang siya at sa wakas ay hindi niya isinama ang paa niya. Naiwan niya ang katawan niyang napasandal sa mommy niya na sumalo sa kanya.

At hindi ba weird na mas pamilyar na sa kanya ang pakiramdam na astral body siya kaysa sa nasa pisikal niyang katawan siya?

Lumusot siya sa salamin papasok sa OR. Ngumisi si Reyes sa kanya. Aaron could see the evil gleam of anticipation in the other man's dark eyes. Parang kulay dugo ang gitna ng mga mata nito at halos madama ni Aaron ang itim na kapangyarihang tumatagas mula sa kalaban.

Nakamulat si Hazel, nakatayo sa harapan ni Reyes at nakatingin sa kanya na namimilog ang mga mata. Gaya nilang dalawa ni Reyes, transparent ito at lumulutang. Pero hindi gaya ni Reyes, ni Aaron, halatang hindi marunong mag-channel ng enerhiya si Hazel para mahawakan nito ang braso ni Reyes na nakayakap sa mga balikat nito.

"Aaron," tawag nito sa kanya. "Patay na ba ako? Ako 'yung nasa operating table di ba?"

"Huwag kang mag-alala. Ako'ng bahala."

"Pero kaluluwa na lang ako!"

"Astral body," giit niya gaya ng kung paano nito dati ipinipilit na hindi pa siya patay at na astral body siya, hindi kaluluwa. Pero alam niyang tama ito, na kaluluwa nito ang hawak ni Reyes, dahil kahit binibigyan ito ng CPR ng doktor, walang pagbabago sa kalagayan ng Hazel na nakahiga sa operating table.

Aaron fisted his hands and channeled his anger and fear into them until they were glowing blue with power.

"Sa wakas," sabi ni Reyes. "Mabibigyan mo na rin ako ng matinong laban."

"Ako naman ang gusto mong kalabanin di ba?" tanong niya. "Pamilya ko ang may atraso sa 'yo. Pakawalan mo si Hazel at ako ang harapin mo."

Umismid ito sa kanya. "Bakit di mo siya bawiin sa 'kin?" hamon nito bago nito idinikit ang mga labi sa sentido ni Hazel. Mas lumaki ang bola ng enerhiya na bumabalot sa kamao ni Aaron nang bumaba ang kamay ni Reyes sa katawan nito at bumaba ang mga labi nito sa gilid ng leeg ni Hazel habang nakatingin at naka-ismid pa rin ang hayop sa kanya.

Rumagasa ang galit sa katawan niya. Nagsimula siyang kumilos pero naunahan siya ng sigaw ni Hazel. Pero hindi iyon sigaw ng takot. Sumiklab ang matinding galit sa mga mata nito at nagsimula itong mas matinding manlaban. Halata ang gulat sa mukha ni Reyes nang mahirapan itong panatiliin ang hawak nito sa babae.

Pagkatapos ay h-in-eadbutt ito ni Hazel.

Hindi alam ni Aaron kung sino sa kanilang tatlo ang mas nagulat dahil nasaktan si Reyes. Nabitawan nito ang dalaga.

The MansionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon