Twenty

3.4K 228 87
                                    

A/N: Sorry po at nawala sa isip ko 'yung hashtag for the last chapter. This chapter na lang po. Please use #TheMansionRevenge with your comments to be included in the raffle to win a free Elise Estrella ebook of your choice. As always, thank you to Admin Rixiene for helping me with this story at sa pag-sponsor ng raffle!

And thank you so much po sa inyong lahat sa pagbabasa! 

★・・・・・・★・・・・・・★・・・・・・★

"Nandito siya," sabi ni Sam na madilim ang mga mata na halos itim na ang mga pupils nito.

Agad na tumayo si Hazel sa takot at pag-aalala, lalo na't narinig nila ang putok ng mga baril mula sa di kalayuan. Walang dalang baril ang mga pinsan ni Aaron at hindi galing sa direksyon ng barracks ang mga putok. Ibig sabihin, ang grupo ng kuya niya ang napapalaban.

"Ano'ng nangyayari?" tanong niya.

"Hindi ko po makita," sabi ng lalaki na pinipilit alisin ang focus sa kakambal para ilipat iyon sa mga sundalo.

"May nasaktan ba?" tanong din ni Tita Thea.

"Hindi ko alam, Tita," sagot ni Sam na frustrated ang tinig.

"Bababa po ako," ani Hazel. "Titingnan ko sina Top. Baka po may balita sila."

"Huwag kang lalabas," sabi ni Tito Bennett.

"Opo, sa baba lang po ako."

Iniwan niya ang mag-anak sa itaas.

Madilim sa ibaba dahil patay ang lahat ng ilaw. Sinadya iyon ng tatlong sundalong nagbabantay sa kanila. May sindi kasi ang lahat ng ilaw sa labas dahil mas madali raw nilang makikita ang mga taong papalapit habang mahihirapa silang makita ng mga masamang loob na nasa labas. Hindi na siya nagtanong. Mas alam nila ang ginagawa.

"Top?" tawag niya sa dilim habang nakatayo siya sa ibaba ng hagdan.

"Ma'am Hazel," sagot ng isang tinig na nakilala niyang si Tan mula sa sala. Naningkit siya at hinayaang mag-adjust ang paningin hanggang sa maaninag niya ang bulto nito sa may bintana.

"Ano'ng nangyari?" tanong niya na lumalapit dito. Naka-usli ang mga braso niya sa harapan niya kung sakaling may mabangga siya. Hindi kasi niya kabisado kung saan nakalagay ang mga gamit. Alam niyang may mga upuan at mesa pero hindi niya sigurado kung gaano siya kalayo sa mga ito. Nahawakan niya ang likod ng isang armchair at inikutan niya iyon hanggang sa nakalapit siya kay Tan.

"Hindi ko alam, ma'am," pabulong nitong sagot habang nakasilip pa rin sa labas.

"Narinig n'yo 'yung mga putok ng baril?"

"Opo pero wala naman pong nag-radyo. Wala pong sumagot n'ung nagtawag si Top. Lumabas po siya."

Sa ilaw mula sa labas, kita ni Hazel ang tensyon sa mukha at sa linya ng katawan ni Tan. Alam niyang gusto nitong lumabas para saklolohan ang mga kasama kung kailangan ng tulong ng mga ito pero hindi nito magawa dahil may orders ito. Isa pa, sina Hazel ang priority nito. Mamamatay muna si Tan bago sila nito iiwan.

"They're alright, right?" pabulong na rin niyang tanong, nanghihingi ng kahit anong reassurance mula rito.

Nilingon siya nito. "Oo naman, ma'am," sabi nito na may maliit na ngiti. "Umakyat na po kayo ulit. Kami na pong bahala dito."

Sabay silang napasilip sa labas ng bintana nang may makitang isang lalaking tumatakbo papalapit sa mansyon.

"Si Iking!" sabay nilang sabi nang mapagsino ang lalaki. May takot sa mukha nito habang patakbong palapit.

The MansionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon