Kahon

38 1 0
                                    

Huhupa
Hanggang sa mawala
Hanggang sa maging anim
Maliit
Malaki
Paikli ng paikli
Pero mali

Tutubo ang mga palay na tinanim
Kukupas ang rosas
Pipiyok ang boses na malaginto
Pero ang kalayaang hinihingi ko ay limitado

Saan ba patungo?
Sa bahay na may kadena?
O sa bahay na puno ng misteryo?
Kabisado ko ng
Maglakad
Sa kawalan

Huminto
Tumitig sa walang buhay na guhit
At may nakaukit na mensahe
Kahit bumyahe
Kakayanin ba?
Kaya kapag tuluyan nang sumama

At kung lilipat man sa dapit roon
Matatagpuan ko ang dating direksyon
Papunta
Sa hulmang ako ang gumawa

Bawat sulok
Paulit-ulit
Paikot-ikot
Na sinadya
Para maging korona
Pero hindi ako reyna

Hindi rin prinsesa
Kundi isang taong hindi ordinaryo na nabibilang sa mga grupong may pinaghuhugutan
At ang tanging kinakapitan ay pangmatagalang kahon
Kahon ng kapalaran
Pero hindi mo man lang sinubukan
Pailalim
Hanggang sukdulan

Kaya nanghuhusga
Sa taong nakatira
Sa loob ng makapal na papel
Na may apat na sulok
Nagmumukmok
Hindi regalo
Pero nakalitaw ang ulo

Mga Tula Ni JuanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon