Tula na Nawawala

63 1 0
                                    

Rumaragasa
Hindi naman masasagasa
Oo kasi nasa tabi at nakatunganga
Hindi alam
Walang pakialam
Sisigaw ng malakas na 'Aray!'
Sa pakong naapakan
Sa butas na bulsang namataan

Walang wala
At nawawala
Saang landas ba ako tutuloy
Sa kanan o sa kaliwa?
Lahat naman nang nakikita ay may kahulugan
Ang buhay ko ba ay may dahilan?

Kung sana sumunod ako sakanila
At hindi naniwala
Hindi sana ako mawawala

Hindi
Sana
Naka-tsinelas lang
Hindi
Sana
Tinapay ang nasa tiyan

Kapansin pansin pa ang buhok kong magulo
At gusot na damit
Sa salamin ng tindahan
Makikita ko ang sarili
Kahinatnan
Kasalanan

Ano bang nangyari saakin?
Hindi ko ito itatanong sa Iyo
Kundi sa sarili ko
Nawawala man ako
Pero ang nakagisnang pagsalita at pagbuka ng bibig ay nananatili
Sa tumitibok na parte

Mga tula ang naiisip at lumalabas na salita
Mga tula
Walang wala
At nawawala

Mga Tula Ni JuanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon