Untitled story part

43 1 0
                                    

Hindi na bago sa pakiramdam
Kapag sasabay na babara ang lalamunan
Ang init na namumuo sa mata
Ang pagsikip ng dibdib

Ang pagbigat ng ulo
Para akong nasa loob ng kaldero
Na may pinakukuluang tubig
Tipong napapaso sa sariling balat
Kapag ka nilalagnat
Sa ilong na nagpapahirap

Parang nakakapagod nang sumagap ng hangin
Sa kwartong walang bintana
Gusto kong i-atras at hilinging pabalikin
Ang panahong hindi ko pa nararanasan
Ang pag-hukay sa kaloob-looban

At kahit pagalitan ako ng kalangitan
Dahil ako mismo ang dahilan nang pagbuhos ng ulan
Tatanggapin ko ang kapalaran
Kung saan isa akong taong nakulong sa sariling kabiguan

Mga Tula Ni JuanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon