Chapter Four

7.9K 245 22
                                    



Talk like you talk

Smile like you smile

Act like you act,

But...

Don't love like a fool

Tell her you love her

If she says she loves you too,

Talk, Smile, Act

..And love her like you do

But if she says no,

Come...

And I'll love you coz I really do.

>>>>> cmm


Message sent!


I should be studying for our semi-final exam pero dahil hindi ako nakatiis, hayun naglaro sa aking phone at nagsend na naman ng message kay Ruel. I am in one of the private cubicles in the library which Ruel occupied before, sitting in the same chair, using the same desk. Yun nga lang, wala yung amoy ni Ruel.

Gusto kung pukpukin at punit-punitin yung librong binabasa ko kasi naman, palagi na lang lumilitaw si Ruel don. Nakakainis. Gusto ko siyang makita, yung totoong Ruel at hindi yung imagination lang.

May umupo sa harap ko and oh, I smiled, another one of my imagination of Ruel's, yun nga lang hindi nakangiti, mas lalong nakasimangot. Aww, I dont like to see him sad, so I reached out for his face, rubbed his frowned forehead, and said, "its alright bebe ko, love naman kita eh," And gave him my assuring smile.

Pero ba't mainit, parang totoong Ruel lang yung hinahawakan ko?

He grabbed my hand and pulled me out from the library. Teka-teka! Totoo na yata ito ah! Napatingin ako sa kanya, at totoong hila hila niya ang aking kamay patungo kung saan. Nakalabas kami ng library at saka ko lang napansin na medyo madilim na pala at medyo umaambon pa. Shit naman, ginabi ako sa pagre-review sa library. Buti na lang at hindi ako nagpasundo kay Dad ngayon kundi naghintay ito ng matagal sa akin.

"Ruel, teka lang, san mo ba ako dadalhin." Medyo nagprotesta na ako.

Ang higpit kasi ng pagkakahawak niya sa akin at nasasaktan na yung braso kong hawak niya.

Hindi siya kumibo. Bumuhos na ng malakas yung ulan.

"Aaaay!" Napatili ako, "Ayokong mabasa", sigaw ko sa kanya.

Patuloy pa rin niya akong hila hanggang sa makarating kami sa kotse ng mommy niya, the same car on the same rainy night.

Itinulak niya ako sa loob, not in the front, sa back seat uli. Umusog ako dahil don din siya umupo. Hinanap ko ang panyo sa aking bag at mabilis na pinunasan ang medyo nabasa kong sarili. Nilingon ko siya, hindi siya tumitinag, katulad ko ay medyo nabasa rin ito.

"Ruel, punasan mo sarili mo." I said but he didn't move at all.

"Pupunasan kita ha, kaya huwag kang sisigaw na parang nire-rape kita, okey?" paalam ko dito.

Hindi pa rin siya tuminag. Nabingi na yata ang loko.

Ayokong masungitan niyang muli pero ayoko rin namang magkasakit siya. Bahala na nga. Maingat kong idinampi sa kanyang mukha ang aking panyo para siya punasan, but he grabbed my hand instead na ikinagulat ko.

SGANF #2: BROKENWhere stories live. Discover now