Chapter Nine Ruel's POV

8.6K 191 10
                                    

- Flashback -


First Year High School

"HOY!Sinong tinititigan mo diyan?" itinulak siya ng classmate niyang si Don.

Inayos ko ang salamin na nawala sa ayos. May appointment ako mamaya sa optometrist para palitan ang aking salamin dahil bukod sa maluwag eh gusto kong palitan ang frames.

"Wala." I answered. I was flustered. I don't want to be teased.

"Wala daw eh nakatingin ka pa rin. Sino ba?" nakitingin din si Don.

Tinulak ko siya bago niya makita ang tinitingnan ko. Pero sa halip ay sumigaw siya at kinuha ang atensiyon nung mga babeng nakaupo sa may bintana katapat ng aming classroom.

Lumingon yung mga mga babae pwera sa isa. Dapat matuwa ako na hindi niya nakita ang pagkapahiya ko subalit nakadama ako ng disappointment dahil hindi nga siya lumingon. Hindi ko alam ang kanyang pangalan pero sapat na sa akin na nasilayan ko siya.

Unang nakatawag sa aking pansin ang mahaba at itim niyang buhok. Palagi iyung nakalugay at kahit mainit ay hindi nito itinatali ang buhok. Parang ang lambot hawakan at gusto kong haplusin. She has a heart shape face, medyo matangos na ilong, a heart shape small lips na bumagay sa mataas niyang cheekbones. Gusto ko rin ang medyo makapal niyang kilay, natural at maganda. Hindi naman siya kaliitan pero hindi rin matangkad, saktong limang talampakan yata. Yung ngiti niya ang sarap panoorin, huwag lang yung tawa, kapag kasi tumawa siya para siyang nang-aakit, pati mga mata niya na may pagka-tsinita ay umaakit kapag tumitig. Sana ako lang ang nag-iisip nun at walang ibang lalakeng nakakakita ng mga iyon.

Lumingon siya sa gawi ko at nagulat ako. Bigla kong itinulak si Don na nasa harap ko para hindi niya mapansin na nahuli niya akong nakatitig sa kanya. Gumanti naman si Don sa ginawa ko at yun, naghabulan kami sa corridor na parang mga bata. Palibhasa first year high school kami kaya batang-isip pa rin.


Second Year

"Ruel, please help me bring this to the teacher's office." One of the teachers who are helping for the enrollment procedure asked. She's also our Science teacher for this year.

Binuhat ko ang dalang gamit and headed to the teachers office na katabi lang ng guidance office. Inilapag ko ang mga iyon sa table ng aking Science teacher and then heard my Mom's voice in her office, the guidance counselor. May pasaway na agad na estudyante hindi pa man nag-uumpisa ang klase, sa isip ko. Wala akong balak makinig at hindi interesado kaya binalak kong lumabas when i caught the familiar long hair sitting in front of my Mom's table, naka-sideview iyon kaya nasino ko ang kanyang mukha.

I stood there and watched her face. She looked different. Ang medyo kakapalan niyang kilay ay medyo nabawasan and she's wearing make up? Her lips are red with lipstick. Her natural black hair has red paint on them. Kumunot ang aking noo, am I seeing the same girl or baka kamukha lang niya? She looks bored while my Mom is talking. What's her name again? Hindi ko alam na pasaway pala siya. I felt my heart sank at the thought. I wonder kung ilang beses na itong na-guidance?

"Hindi tamang mang-agaw ka ng hindi sa iyo Ms Mendoza. And that hair, that's not acceptable kaya alisin mo iyan bago ka bumalik mula sa suspension. Make-up are not allowed either and you already know that. Even those painted nails are not acceptable. Do you understand?" matigas ang tono ng kanyang Mommy. Sumagot ito na para bang bored talaga at walang pakialam sa suspension.

I clenched my fist, is she this kind of girl? Sayang, I sighed. Sayang.


Third Year

SGANF #2: BROKENWhere stories live. Discover now