Chapter One

24.2K 312 20
                                    

ATTENTION: THIS BOOK HAS BEEN COMPLETED AND AM NOT PLANNING TO EDIT IT SO BEAR WITH THE GRAMMATICAL ERRORS AND TYPOS.  

SAINT Bernadette High School.

It's the beginning of our senior high. Finally, konti na lang at makakalayas na rin ako sa school na ito. Argh, isang taon pa, isang taon na lang kailangan kong tiisin bago makawala sa kural na ito.

Nasa recreation area ako waiting for my friends. May mga nakaupo ring mangilan-ngilan doon at katulad ko marahil may mga hinihintay or nagpapalipas lang din ng oras.

May isang grupo ng mga estudyanteng umagaw sa aking atensiyon. A group of female students sitting on the bench and another group of male students talking to them. 'Yong isang lalaki ay panay ang titig doon sa isang babae, ganoon din naman 'yong bababe. Natawa ako dahil hanggang titigan lang naman talaga ang puwedeng mangyari sa mga ito.

In this private school, dating is not allowed, kapag nahuli ka, bitay ka. Haha, joke. Hindi naman, wala namang gano'ng rule that says dating is allowed or not, pero dahil istrikto nga ang patakaran ng mga madre sa paaralang ito, dating is like an unspoken rule that shouldn't be done. When a female student found out to be having a boyfriend, para siyang nasa hall of shame, lahat ng masamang paningin ay ibabato sa kanya, samantalang kapag lalaki naman, wala lang, parang hero pa nga ang dating kasi nagka-girlfriend under the scrutinizing eyes of this ridiculous school. Kaya nakakainis kasi that's just so unfair, it's just plain bullshit.

Kaya hindi masisisi ng mga madre kung patago ang mga affairs dito sa school, at mas exciting pa nga dahil nga patago. Pero syempre wala lang pahuhuli kung ayaw nilang maging star sa hall of shame.


"Cassey!" Tumayo ako at kumaway sa mga tumawag sa akin.

"In here!" turo ko sa aking kinauupuan.

I watched as two of my classmates slash friends slash partners in crimes walk towards me.

"Bakit ngayon lang kayo? Kanina pa ako rito." umusog ako sa pinakadulo ng bench para bigyan sila ng espasyo at makaupo sa tabi ko.

"Ang mommy ko kasi ang kulit. Parang sirang plaka na sinasabing huwag daw akong lalapit sa'yo dahil baka dalhin mo na naman ako sa Guidance office this school year." nakatawang sagot ni Daena.

"Me too, my Mom said the same thing." tumawa ring sabat ni Alice. "Sabi niya kapag ako na-guidance office uli e kakalbuhin daw niya ako at isasalang para maging madre, and oh gosh, not my beautiful hair, please!" maarte nitong sigaw.

"Bakit ako? Kayo kaya ang mga pasaway kung bakit tayo na- G.O. ano? Kung hindi ako dumating nahuli sana kayo ni Mother Superior slash Principal na kahalikan iyong boylets n'yo. Maglalandian na nga lang kasi kayo sa likod pa nang chapel, wala na kayong patawad." balik sisi ko sa mga ito.

"Oo na kaya nga we owe you one, basta wag lang sa G.O uli."

"Nope-nope-nope!" second the motion ni Alice kay Daena

"I, third." nag-apiran kami.

"So are we on again?" kindat ni Daena.

Tumingin sa akin si Alice watching my face.

"Hindi ko alam, final year na natin eh, hindi ba dapat seryosohan na tayo? Sabi nga ninyo ayaw na ninyong ma-G.O uli."

"Ayaw nga pero naman, its one whole year shucks naman, ang boring kaya no'n!"

SGANF #2: BROKENTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang