Chapter Eight

7.4K 276 27
                                    

Naalimpungatan ako at napansing nasa clinic at nakahiga sa kama. I heard voices talking just outside the door at kahit mahina, pagalit naman ang mga tono ng mommy ni Ruel.

"How dare you Ruel? Ginalaw mo rin ba siya?"

"Mom!"

"Answer me! I didn't teach you to be like this. Hindi kita pinag-aral para lang masira ang kinabukasan mo. You're only in high school for Pete's sake! Ano na lang ang sasabihin nang mga tao, na pinalaki kitang walang asal. Bakit siya pa?"

"At bakit hindi siya? Girlfriend ko siya Mommy, whats' wrong with that?"

"Girlfriend? Nauntog na ba talaga iyang ulo mo at naging bobo ka na rin? Hindi mo ba narinig ang sinabi ni Max, hindi lang ikaw ang lalaki sa buhay niya kaya paano ka nakakasigurong ikaw lang ang gumalaw sa kanya?"

"Stop it, Mom! Don't talk like that."

"Future mo ang nakataya dito, Ruel at sa tingin mo hahayaan ko na lang na masira lahat ng pinaghirapan mo? You have a better future waiting ahead of you at madadapa ka lang dahil sa isang babae? I won't allow that!"

"Mahal mo ko siya, she needs me now more than ever."

"Hindi ka nakakasiguro kung ikaw nga ang ama ng ipinagbubuntis niya! Malay mo it's Max's, or kung sinu-sino pang kinalantari niya."

"Mommy! Please huwag niyong hayaang mawala ang respeto ko sa inyo. Please don't talk like that."

"How about me, Ruel? Inisip mo ba kung ano ang idudulot nito sa atin? Sa akin? Sa career ko? I worked hard to get here after your irresponsible father abandoned us and chose his mistress over us. Respect? I worked hard to get it but you just ruined it, Ruel. You promised me you will not follow in your father's footsteps. Nangako kang magtatapos with flying honors and be a decent man in the future, ito ba, ito ba ang disente sa iyo? Hindi ka ba makapaghintay para magka-girlfriend? Pipili ka na rin lang bakit sa tulad pa niya? So what now? Ano na ang gagawin natin? I am so disappointed in you Ruel."


Wala akong narininig na sagot mula kay Ruel. Hinaplos ko ang aking tiyan, I have a baby in my belly? Imbes na matakot, nakaramdam ako ng saya. Ruel and I will have a baby. Sa mga nangyaring kaguluhan kanina, ito lang yata ang nakapagpasaya sa gabi ko.

I heard the door outside opened and then slammed. Medyo napaigtad ako dahil sa lakas. Pagkatapos ay bumukas yung pinto na nasa harap ko and Ruel is there standing by the door staring at me. Nakaupo na ako sa kama and my hands are on my belly. He looked at that.

Walang umimik sa aming dalawa. Umupo siya sa stool na nasa paanan ng kama and watched his shoes as if they are more interesting than watching me. Huminga siya nang malalim, and then looked at me again.

"Buntis ka." Mahina niyang sabi.

"I heard." I replied, a smile glittered on my face.

Excited akong makita ang mukha niya, ang kanyang reaksiyon, masaya akong ibahagi ang kasiyahang nararamdaman ko.

"We're having a baby Ruel. Kahit hindi natin sinasadya, it's still a blessing from God." I am so excited. Kung pwede lang magtatatalon ay ginawa ko but I had to refrain myself at baka mapaano ang baby namin. "Halika, haplusin mo." Aya ko sa kanya.

Sumunod siya, sat beside me and held his hand and put it on my tummy. I giggled. Medyo nakiliti kasi ako sa ginawa niya at kinilig ako sa isiping magiging ganito kami in the future.

SGANF #2: BROKENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon