MFA 7 * Day 4 (Part1)

Magsimula sa umpisa
                                    

--

''San ba tayo pupunta?'' Pagtatanong ko naiinip na kasi ako kasi feel ko kanina pa kami bumabyahe parang ewan lang -______- . Nakakainis talaga siya . Di niya ako pinapansin lagi niya lang sinasabi na 'Dyan lang' 'Maingay'  o di kaya Titignan niya lang ako . Tsk, ano ba naman yan eh! Di ko na nagagawa yung misyon ko no !

Hinawakan ko yung Pink Pendant, tinignan ko ito, medyo nagulat ako. Teka?! Ang alam ko -5 ito ah? Tinignan ko si Crix na kasalukuyang nagmamaneho. Napakunot ako ng noo, Paano to nangyare?

''Uy! Crix, alam mo ba to?'' Pinakita ko sakanya yung pinkpendant . Tinignan niya ito ng pahapyaw. Nagkibit balikat siya ''Nakita ko yan nung nahimatay ka, nag 0. '' Pagsasabi niya. Nagtaka ako, At napaisip, Ibig sabihin, ''NAGAWA MO?! '' Sigaw ko, muka naman siyang nairita. Tinignan niya ako ng masama.

Ahehehehhe ''Peacee! '' Nagpeace sign pa ako, Tingnan ko ulit ung pinkpendant, Magagawa niya to, Promise! Ngumiti ako, Natulog muna ako, medyo napapagod rin kasi ako e.

Justin's POV

Tinignan ko yung kasama ko, Nakatulog pala. Malapit na lang andito na kami sa pupuntahan namin. Hindi ko alam kung bakit siya naisipan dalhin rito. Nakakainis na rin naman na kasi -____-

Pinipilit ako nila Ate Eileene na tanggapin na yung sinasabi sa Korea .

And today it's Friday, ngayon sana yung Flight ko na papuntang Korea, Pero ayaw ko. Kaya gusto ko ring magpakalayo layo ngayon. Pumunta kami sa Resort, Sa Subic. Oo malayo -_____- . Pagkalayo layo diba? Tsss.

Ginising ko itong kasama ko ''Uy Lae, Gising na. '' Tinapik tapik ko pa siya. Nagising naman siya at nagmukat mukat. ''Asan tayo?'' 'Nasa subic. Tara na. '' Muka naman siyang nagulat, pero sumama siya sakin.

Pagdating namin doon sa Lobby ng hotel, nagtanong na kami ng rooms.

''Miss, For Two nga. '' Pagsasabi ko, chineck niya kung may available pa ''Nako Sir, Wala na pong available only One Room na lang po. Pang Couple. '' Pagsasabi niya, bigla namang nagreact tong katabi ko ''Ha?! Hindi pwede yun ! '' Tinignan ko siya ''Wag kang maarte di rin naman kita gustong makatabi no! '' Pagsasabi ko sakanya. ''Sige, kukunin nanamin yun . '' Pagsasabi ko

--

''Bat ba kasi kelangang andito tayo?! Ano bang meron?'' Di ko lang siya pinansin, pumahiga na ako sa kama, napagod ako. Naramdaman kung may lumalapit, nagulat ako ng niyugyog ni Lae yung kama. ''Hoooyyy! Asungot na Crix! Sumagooooooooooooot kaaa! '' Lumingon ako sakanya, pero pagkalingon ko, natahimik ang palaigid.

Were 1 inch apart at kunting tulak na lang mahahalikan ko na siya !

Sh.t?! Ano ba to! Tinignan ko ng mabuti yung muka niya, May maganda siyang mata, may cute lips. Parang ......

Bigla akong napalingon ng napansin kong Kung ano ano na ang naiisip ko! ''K-Kasi naman! '' Naginarte siya at lumabas ng room. Napailing iling na lang ako, Bahala nga sya.

Magpapahinga na muna ako, nakakapagod kaya no !

-

Pagising ko, wala parin sa kwarto si Lae, San ba nag susuot yun?!

Lumabas ako ng Hotel, 4 pm na ng hapon, San kaya nagsusuot yun? Tumingin tingin ako sa Dagat, may nakita akong isang babae. Nilapitan ko siya at tumabi sakanya

''Anong ginagawa mo rito?''

''Wala lang, bakit ikaw, anong ginagawa mo rito?'' Umiling iling lang ako sa tanong niya at nagkibit balikat. Napatingin ako sa Dagat, ang Fresh, Peaceful. Sana naging ganyan na lang ung buhay ko. Tsk.

My Fallen Angel (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon