"Sorry, Luhan." bulong ni Chanyeol habang natatawa, "He's just... pregnant."



Luhan just rolled his eyes. Pero maya-maya pa, "OMG, Chanyeol!!! OMG talaga!!!" masayang sabi niya na nakapag-pamulat sa mata ko.



"Ano yun?!" tanong ko at tumingin sa monitor.



"Babae!" sigaw ni Luhan at napahawak sa kamay ko. "Girl ang next na baby niyo!"



Napangiti ng malaki si Chanyeol sabay, "Yes!" habang natatawa.



Napa-iyak naman ako. Hindi dahil naiinis ako kundi dahil sa sobrang tuwa. At mas matutuwa si Chan Hyun pag nalaman niya to.





















"Chan Hyun, Ji-eun, come over here and eat your meryenda." tawag ni Chanyeol sa dalawang naglalaro sa labas.



Nandito kami ni Chanyeol sa kusina. Gumawa kasi siya ng chocolate cake para daw kay Chan Hyun. Ewan ko nga kung kelan pa siya natutong mag-bake ng cake eh.



Maya-maya pa, dalawang pawisang bata ang patakbong lumapit sa amin. Agad silang umupo sa mataas na stool katapat ko. Pero agad kong tinuro yung wash sink.



Sabay namang napa-pout yung dalawa at bumaba para maghugas ng kamay. At agad din namang bumalik sa pagkaka-upo.



"We went to the doctor this morning, anak." sabi ni Chanyeol habang naghihiwa ng cake.



Napapangiwi ako pag nakikita ko yung cake. Hindi maganda ang amoy. Kadiri. Parang... poo poo.



Nanlaki ang mga mata ni Chan Hyun. "Really, Daddy? So?" expectant na tanong niya.

Cinde-BAEK-la 2: The Married LifeWhere stories live. Discover now